TULAY - TULAYAN
EllaChiii
High school, kapag nasa stage ka na iyan, ito ang mga karaniwang maririnig mo sa iyong mga magulang; "Bawal muna mag girlfriend/boyfriend." "Mag-aral ka muna anak bago iyang mga bagay na iyan." Pero iilan na lamang ang sumusunod sa mga sinasabi ng ating mga magulang. At isa na ako sa mga pasaway na iyan.
Ako si Jam, 3rd year high school, nabulag sa pag-ibig ngunit sa huli ay sinunod parin ang aking mga magulang. Nung nakipag-break ako kay Daryll, masakit siyempre pero kailangang tanggapin. Ngayon, dalawang taon na ang nakalipas, siya parin ang laman ng puso ko. Pero alam kong imposible na ngayon na ganoon pa din ang nararamdaman niya. Ang dami ko nang nabalitaan na naging girlfriend niya. Pero di na ako umaasa. Ginagawa ko nalang siyang inspirasyon sa mga bagay na ginagawa ko, lalong lalo na sa pag-aaral.
Dalawang taon na din ang nakalipas, dalawang taon nang hindi pagpapansinan. Ang mahirap kasi, parang hindi na kami magkakilala. Bakit ganoon? Kailangan ba kapag naghiwalay kayo, pagkatapos noon hindi na kayo pwedeng maging magkaibigan? Nakakalungkot lang isipin na sa ganoong paraan, kahit inyong pagkakaibigan ay hindi na pwedeng maibalik. Ang aking matalik na kaibigan, si Nicole, hindi niya alam na ex ko itong si Daryll na crush na crush niya ngayon. At hindi rin niya alam na may pagtingin parin ako sa lalaking iyon hanggang ngayon. Dahil ang aking best friend naman na si Joseph, ay miyembro ng basketball team, kasamahan niya si Daryll. At dahil na din kay Nicole, araw araw kaming nanonood ng practice ng team nila, pati na rin ang mga laban nila. At dahil doon, hindi ako masyadong nalalayo kay Daryll. Hindi man kami nag-uusap, makita ko lamang siya, para sa akin iyon ay okay na.
Dumating na ang araw na kinatatakutan ko. Habang kami ay nanonood ng practice ng basketball team, kinausap ako ni Nicole.
"Uy friendship, diba best friend mo si Joseph? Kausapin mo naman siya oh, ilakad niyo naman ako kay Daryll."
Sa gulo ng isip ko, wala na akong nasagot kung hindi oo. Labag man sa kalooban ko, kung ikasasaya naman ng matalik kong kaibigan, Masaya na rin ako. Pagkatapos magpractice ng basketball team, kinausap ko si Joseph,
"Uy Sef, lakad mo naman daw si Nicole kay Daryll."
"Sure ka? Huh?" sabi niya sa akin.
Alam kasi niya na may gusto pa rin ako sa taong iyon.
"Oo, sige na, neh?" sabi ko, para wala na siyang sabihin.
"Sige, sige. Diyan lang kayo, kakausapin ko siya."
Bumalik na ako sa kinauupuan namin kanina ni Nicole.
"Oh anong sabi niya?" tanong ni Nicole habang naka-ngiti na tila kumikislap ang mga mata.
"Sige daw. Kakausapin daw niya si Daryll." sagot ko.
"OMG! Totoo?! Excited na ako!" sagot ni Nicole.
Maya maya lang ay may papalapit sa aming isang lalaki, si Daryll. Ang lakas ng kabog ng puso ko, ramdam na ramdam ko ito kahit hindi ako nakahawak sa dibdib ko. Lalo pa itong bumilis nang kinausap niya ako.
"Hi, Jam!" Natulala man ako, nagawa ko paring makasagot.
"Hello, Daryll. Ito nga pala yung kaibigan ko, si Nicole."
"Hi Daryll! Ako si Nicole!"
"Ah hi."
Kagulat ko na lang noong hinablot ako ni Daryll.
"Uy! Saan kayo pupunta?!" sigaw ni Nicole.
"Hindi ko din alam sa lalaking ito!" sigaw ko sa kanya.