"Ate, magkano po?", tanong ko kay Manang Babes. Suki nya ako sa mga gayu gayuma, potion, charms, at kung anu anung bagay na nagpapabago sa buhay pag ibig.
"200 nalang iho", sagot ni Manang sakin. May tiwala ako sa mga gawa niya kaya hindi ko na kailangan siguraduhin. Pero, ngayon lang ako unang gagamit ng gayuma.
Sige, aminin ko na, hindi ako kagwapuhan. Kumbaga, PANGET TALAGA ako. Madalas, nagugulat pa ako sa tuwing makikita ko ang sarili kp sa salamin. Grabe, tao pa ba ako? ganun nalang kung laitin ko ang sarili ko. Pati mga taong makakakita sakin, parang may nakitang aswang na naglalakad sa daan ng alas sais ng umaga para mamili ng pandesal sa bakery ng crush ko.. Si Claudine. Alam kong hindi ako tipo nya dahil una sa lahat, hindi talaga kami bagay.
Naaalala ko pa nung una kaming magusap nung kinder kami.
"May lapis ka?", tanung nya sa akin habang hawak ang braso ko.
"Ito oh", sagot ko habang inaabot ang lapis na ginagamit ko pangsulat.
"Thank you", balik na salita nya sa akin. Kilig na kilig ako..
Pero, isa ata akong malaking balat sa pwet, matapos nun, pinagalitan ako ni Mama dahil walang sulat ang notbuk ko at araw araw, nawawalan ako ng lapis. Hindi alam ni Mama na binibigyan ko araw araw ng lapis ang babaeng alam kong makakatuluyan ko.
"Louie!!! P30 na pandesal, medyo toasted, readyng ready na para sayo!!!", sigaw ni Claudine nang makita nya akong papalapit sa bakery nila. Suki talaga nila ako. Yung ganyan kagandang babae na makikita mo araw araw, madalang yung maka sungkit ka ng ganyan..
"Ahm. Salamat.", papaalis na sana ako pero biglang naalala ko yung gayuma.. itry ko naba sa kanya? wag nalang.. pero, kailan nya pa ako mamahalin?
"may dinala nga pala ako para sayo..", sambit ko sa kanya
"Egg pie!!! favorite ko! thank you! ",sagot nya sakin kasama ang matamis na ngiti..
Talaga namang tumulala ako maghapon sa bahay.. iniisip kung gagana yung gayuma. Naeexcite ako sa magiging resulta..
Kinabukasan, alas singko palang, naglakad na ako papunta sa bakery nila. At tumambad sakin si Claudine, nag bubukas pa lang ng bakery.
"Good.. mor.. ning Claudine", sabi ko sa kanya habang talaga namang kinakabahan
"Hi Louie, good morning! tamang tama.. kape tayo!", sagot nya sa akin sabay madaling inabot ang kape na ininuman nya. Madali ko ring kinuha at ininuman.
"Thank you", sabi ko at inabot ko sa kanya.
"saan ka uminom? dito ba? ", tanong nya habang tinuturo yung isang side ng baso.. tumango ako para um-oo.
"talaga? parang nag kiss lang tayo!", sobrang saya nya nung sinabi yun,
Grabe.. epektibo ba talaga yung gayuma na nilagay ko sa egg pie? O sinu swerte lang talaga ako..
"Ah.. ganun na nga siguro", sagot ko sa kanya.. nahihiya ako tuming8n sa kanya ng deretso. nararamdamam kong nakatingin lang sya sa akin..
"Tulungan na kita", dagdag ko. Para lang maputol yung tingin nya. Nalulusaw na ko sa kilig..
"Thank you Louie Pogi. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas sabihin to.. ahmm.. kasi. Matagal na kitang gusto. Parang hindi lang crush, mahal na ata kita. 23Yrs. Na tayo magkakilala, pero ngayon ko lang nasabi yung nararamdamam ko para sayo", sa pagsabi ni Claudine nun, niyakap nya ako ng mahigpit..
Sa pagyakap nyang yun, pakiramdam ko nasa langit na ata ako. Niyakap ko din sya ng mahigpit. Parang may kuryenteng dumadaloy sa leeg ko. Kinikilig ako. Kahit lalaki, kinikilig din, hindi lang showy.
"Sige, uwi na ako", at humaripas ako ng takbo pauwi ng bahay.
Pagdating ko, bumungad si Mama... bakit nakasimangot to? Nginitian ko pa si Mama pagdaan ko sa harap nya.. Pero, hindi ngiti ang sinukli ni Mama kundi, malakas na hampas ng walis tingting sa pwet..
Nakalimutan ko kasi yung pandesal..
Kinabukasan, tinanghali na ako ng gising. Napuyat kasi ako kakaisip kay Claudine.. magdamag hanggang gabi. Naririnig ko na naman nagsisisigaw si Mama sa sala. Pagtingin ko sa orasan ko, aba!!! 10am na!! hindi ko na napuntahan si Claudine.
"Mama, wag ka maingay!! nakakahiya sa kapitbahay", sigaw ko kay Mama habang nagkakamot ng tiyan.
"Good morning Louie.", narinig ko yung boses ni Claudine at bigla syang tumawa.. nakita kong nakaupo sya sa upuan sa kusina..
"Hi..", sagot ko sa kanya.. nataranta ako bigla. Naalala ko, naka boxers lang ako!!! napatakip ako sa private part ko.. alam nyo na, baka.. hay nako!!! kaya, tumakbo ako papunta sa kwarto at talaga namang naligo na ako at nagbihis ng mabilis.
Bumalik agad ako sa kusina, nandun pa rin siya.. nagluluto. Madalas sya pumunta sa bahay para mag abot ng ulam pero ngayon ko lang sya nakitang nagluto.
"Ang cute mo pag bagong gising.", sambit nya at natawa.
"Naiinlove ako sayo lalo pag nakangiti ka", bigla akong napasalita ng ganun. Kinamot ko yung ulo ko, nairita ako kasi baka hindi nya magustuhan yung sinabi ko.
"Talaga? Ganito?", sagot nya at humarap sya sakin ng nakangiti..
Parang anghel bumaba sa lupa. Bagay na bagay sa kanya yung buhok nyang itim na itim. Yung mata nyang light brown nakakasilaw. Ang perpekto nya. Ang swerte ko talaga.. dahil dun sa gayuma, talaga namang mas lalong naging masaya ang buhay ko..
"Tulala ka!! kumain ka na ng almusal. Nagagalit na si Auntie sayo kasi anung oras kana gumising.", patuloy pa rin akong nakatulala sa kanya.. ina appreciate ko pa ang ganda ng babaeng to. Hindi pa sapat para sakin ang dalawang dekada ng pagtitig ko sa kagandahan nya.
"Kain ng maayos Louie. Ayokong mahina ang magiging asawa ko", ano daw??? ginanahan talaga ako kumain nun ah.. sobrang ganado! lalo na't luto pa ni Claudine ang almusal ko.. Ganito pala ang pakiramdam kung makakatuluyan ko sya..
BINABASA MO ANG
Gayuma Becomes True Love
Short StoryNatry mo na ba mamili ng gayuma? e yung ginayuma? Isa si Louie sa naniniwala sa gayuma. Gayuma na nauwi sa totoong pagiibigan.