Hi! Paano nga ba maging best student ever?
Naging estudyante din ako dati bago ko narating ang propesyon ng pagtuturo.
Naranasan ko ring mapagalitan ng guro dahil sa pagdadala ng kung ano ano sa school. Naranasan ko rin ang hindi makagawa ng assignment, at lalo na ang hindi makasagot sa exams! Hay!!!
Wala ako sa top ten nung high school, at hindi man lang ako naka-cum laude nung college ako.
Paano nga ba maging best student ever? Sa aking, pagsasaliksik kay mr. google, nakakita ako ng ilang mga step kung paano magiging best student.
STEP 1 Get your brain and body ready to learn. Makakapagaral ka ng mabuti kung physically ready ang katawan mo, at siyempre, kung nakapahinga ba ang utak mo sa pag-iisip ng mga bagay bagay. Maraming mga students ngayon ang nalilibang sa iba't ibang menu na inilalatag sa kanila ng internet, kaya namin kahit di na sila kumain ay okay lang, at kahit maging mukhang zombie sila ay wala silang pakialam.
Aba naman! Uso ang tulog friend. Sana naisip mo rin yun. Dahil minsan sa buhay mo, natulog ka rin ng halos 24 hours. (nung baby ka) Kaya kung may oras matulog, itulog mo yan! Hindi yung sa school ka matutulog at wala ka nang nakuhang learning sa teacher mo.
Eat healthy foods and drink a lot of water!!!! Aba kung ganito ang buhay ng matatalino, kakain na ako minu-minuto ^_^
STEP 2 Learn in a way that works for you. Everyone learns best in different ways; this is called a learning style. Ano ba ang mas preferred mo na style sa pagrereview? Yung iba kasi gusto nila tahimik na tahimik ang paligid kapag nagrereview, yung iba naman, wagas ang patugtog ng rock dahil mas nakakaconcentrate sila kapag maingay. Yung iba naman, trip ang classical music, pampagana daw kasi ng neurons yun.
What type of learing style do you want? Yung iba, tactile, lahat gusto hawakan, kalikutin. Yung iba naman, mas gusto na nakarecord lang yung discussion sa tape, kasi mas natatandaan niya pag pinapakinggan. Yung iba naman, kailangan may pictures or notes dahil matindi ang photographic memory.
Mag-aral sa paraang alam mo! Wag gaya gaya sa iba. Dare to be different!
STEP 3 Pay attention. The best thing that you can do to improve your grades and learn a lot is to pay attention when your teacher is talking. Avoid the siren call of you classmates. Yung mga nagdadaldalan sa tabi mo, in short. Pumirme ka sa upuan mo at piliting makinig kay maam. Pramisss. Masaya ring makinig sa lesson.
STEP 4 Learn how to take notes. Ang mga bata ngayon, nasanay nang kuhaan ng picture ang mga bagay na gusto nilang i-jot down at ayaw nang kumopya sa kwaderno. T_T Para namang may tinta ng ballpen ang cellular phone. Mas madali daw kasi at di na kailnangang magpagod. Pero mga bata, mas okay magsulat dahil naaalala mo yung mga pinagaralan niyo kapag nagsulat ka, kaysa nung pinicturan mo yung black board mo. At also, training mo na rin yan for college, I swear! Magagamit mo yan.
STEP 5 Do your requirements on time and well. Wag nang makisabay sa marathon ng paggawa ng projects. Kapag may pinagawa si maam o sir, gawin agad! hayahay ang buhay kung pasipol sipol ka nalang kaysa natataranta ka kasi wala ka pang nagagawa. Higit sa lahat, kapag gumawa ka ng project,wag yung napilitan ka lang. Gandahan mo rin! Yung iba parang kinayod ng manok kung makapasa kay mam. Yung iba naman, walang kalaman laman. At ang mas malala eh, yung gumawa ka ng project, ang layo naman sa pinagaralan niyo. Hirap niyan friend. Sana nagpatulong ka rin para di always epic fail.
STEP 6 Look for extra ways to learn. Di lang sa loob ng classroom nakukuha ang learning, minsan sa ibang mga bagay rin. Pwede kang matuto sa TV sa pamamagitan ng educational channels. You can also attend to workshops during summer. Siyempre, kahit sa mga munting mga paraan matututo ka rin, Yung simpleng pagluluto lang sa bahay ay malaking learning na yun lalo na kung hindi ka marunong magluto. :)
And lastly, STEP 7 Study earlier. Sinong nagrereview ng madaling araw bago ang exam? Maraming estudyante ang ganito, at kahit ako nagawa ko 'to. Mas matatandaan daw kasi ang mga pinagaralan kapag bago lang magrereview. NO. Isang malaking ekis ang ilalagay ko sa statement na iyon. Dahil kung bago ka lang nagreview e mas lalo kang ma-memental block. Proven and tested na ito dahil ito mismo ang nangyare sa classmate ko nung college nang magtake kami ng pre-broad. Nalimutan niya halos lahat ng nireview niya. Review pa more. At memorize pa more.
Magbasa ng aralin 2 weeks bago ang examination. Mas okay yun kaysa sa magmemorize. Mas matatandaan mo ang mga terms at explanations kapag binasa mo ito ng binasa.
Try mo to, tingnan natin kung effective!!!! :D
Pero pero sabi nga nila, it's not about the grades, diskarte ng isang tao ang magdadala sa kanya sa tagumpay!
Kaya lang siyempre, kung iisipin natin, mas okay na maganda ang academic achievement natin. Bakit? Para kanino ba ang lahat ng effort natin sa pag-aaral? Siyempre, para maging proud sina Mama at Papa. Eh para kanino pa ba?
Isa lang ang sagot diyan friend, para kay GOD. Ang ating Diyos ang number 1 fan natin, at lagi siyang updated sa mga scenario ng ating buhay.
Dahil tinuturing niya tayong mga anak, obligasyon din natin na pagbutihin ang ating pag-aaral.
Kailangan ba ng achievement sa langit? Hindi, pero paano mo maipapakita sa ibang tao na ikaw ay anak ng Diyos pero ang sama naman ng records mo sa school? Paano mo maipagmamalaking children of God ka kung puro pula ang marka? Asan ang hustiya?
Mga kapatid, walang taong bobo. Nasa pananampalataya kasi yan at sariling gawa. Kung ikaw mismo walang faith sa Diyos na tutulungan ka niya, wala rin talagang mangyayare. At kung wala ka ring pagkukusa na magsikap, abay, mas lalong walang mangyayare.
Let's do our best for the Lord!
Nasabi ko sa unang part ng istorya na ito na hindi ako ganon katalino, pero kung ibibigay mo lahat sa Diyos ang iyong tiwala, walang imposible! Nagawa kong maging top 11 among the 72 students of our batch in high school. Nakapasa ako sa pre-board namin sa education. At higit sa lahat, nakapasa ako ng one take last sa LET exam.
Hindi ho ako nagyayabang, gusto ko lang ma-encourage kayong magsikap para narin sa sariling niyong achievement, sa parents niyo, at para narin kay Lord!
BINABASA MO ANG
Best Student Ever Ako!
Short Story"Ayoko ko na mag-aral. Nakakatamad! Mas masaya pa mag-FB. " "Kailangan mong mag-aral para nasa top-ten ka." "Wag kang mangongopya!" "Wala na akong maisagot sa quiz, penge sagot, friend." Ikaw ba yung estudyanteng hayayay lang sa pag-aaral? O ikaw yu...