Amanda
Nagpupumiglas ako sa hawak ng kung sino mang tumakip sa bibig ko. Kahit anong gawin ko, hindi ako makawala dahil walang wala ako sa lakas na meron ang taong ’to. Hindi ko rin makagat ang kamay niya dahil may nakatakip na tela dito. Hawak niya naman sa isang kamay ang dalawang kamay ko.
“Hmmm!” Buong lakas at pwersa akong umupo saka siniko ang tiyan niya.
Nabitawan ako ng lalaki at napahawak sa tiyan niya. Sa wakas, nakawala din ako. Humarap ako sa direksyon ng lalaki.
Sumugod ang lalaki at inambahan ako ng suntok gamit ang kanang kamao. Tanging ang liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko sa madilim na gubat na ’to kaya nakikita ko pa rin siya. Mabilis akong yumuko at pinulot ang bato na nadampot ko pagkatapos ay pinukpok ito sa pulsuan niya.
Napaaray siya sa sakit pero sumugod ulit. Napakunot ang noo ko. Bakit parang pamilyar ang boses niya?
Mabilis kong sinangga ang kamao niya saka binigyan siya ng isang suntok sa mukha. Napaatras ang lalaki sa pangalawang pagkakataon.
Sumugod ako sa kanya at binigyan siya ng uppercut. Kasunod ay isang round kick na nagpatumba sa kanya.
“Who are you?” Matalim na tanong ko sa kanya. Humampas sa ’kin ang malamig na hangin pero katahimikan lang ang binigay niya sa ’kin. Hindi niya ako sinagot.
Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at tumakbo papunta sa ’kin. May inihagis siyang kung ano dahilan para mapapikit ako. Ang hapdi!
Napaluhod ako habang hawak-hawak ang isang mata ko na napasukan ng kung anong kemikal. Iminulat ko ang isang mata saka tumingin sa likod kung saan tumakbo ’yong lalaki.
Mukhang tatakasan niya pa ako!
Inis akong tumayo at tumakbo para habulin ang lalaki. Nawala rin kaagad ang hapdi sa mata ko kaya nakakakita na rin ako ng maayos kahit madilim. Hinanap ng mata ko ang lalaki ngunit hindi ko na siya matagpuan pa.
Kainis!
Nahahawak ako sa tuhod sa sobrang hingal. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa pagtakbo. Iniling-iling ko ang ulo ko para luminaw ang isip ko.
Shit. Shit. Shit!
Nagpadalos-dalos ako! Sana pala hindi nalang ako humabol sa lalaking ’yon. Paano kapag nakilala niya ako? Delikado. Ngayon palang, parang may taning na ang buhay ko.
Hindi! Hindi Amanda! Makikilala mo rin ang taong ’yon. Ang kailangan mo lang ay mag-ingat sa ngayon dahil hindi mo pa alam kung sino ang kalaban mo. Tama.
I opened my phone and opened the location. Sa sobrang layo ng tinakbo ko hindi ko na alam kung saan parte na ako ng kagubatan. Sinunod ko nalang ang nakalagay na direksyon.
Ilang minuto lang ay nakadating na ako sa pinaka lungsod. Tinago ko sa bulsa ng jeans ang phone ko saka naglakad. Maglilibot muna ako sa lugar na ’to.
Pumasok ako sa isang restaurant saka kumain. Nagugutom na ako dahil hindi pa ako nakakapaghapunan at napalaban din ako ng konti. It’s already 8:37 in the evening.
Pagkatapos kong kumain ay lumabas na ako. Dumiretso ako sa isang mall na ilang metro lang ang layo mula sa restaurant na kinainan ko. Pagpasok ko ay sumalubong sa ’kin ang dagat ng mga tao na may bitbit na bag na pinagsidlan ng mga pinamili nila.
Dumeritso ako sa second floor at tumingin-tingin sa mga nakalagay sa mga stalls. Hanggang sa nahagip ng mata ko ang lalagyan ng mga manika at laruan.
Lumapit ako dito saka pumili ng isang asul na teddy bear at isang manika na asul ang damit. Hindi ko alam kung magugustuhan ba ni Monica ang teddy bear pero ang manika, siguradong oo. Pinili ko ang asul dahil napansin kong halos lahat ng gamit niya ay asul. Favorite color niya ata.
YOU ARE READING
THE AGENTS: SQUAD
ActionAmanda was a trouble magnet wherever she goes. She's a short-tempered high school girl with so many bullies. Everyone who tried to mess with her were sent to the hospital and was admitted for almost a year. For her, "You'll got bullied if you let th...