Amanda
Tinitigan ko ang matanda na maglakad palayo. Kung tutuusin, nasa edad animnapo’t lima hanggang pitumpo’t limang taong gulang na siya. Lahat ng buhok niya ay puro puti na dahil sa katandaan.
“That was close.”
Nabalik ako sa reyalidad ng marinig kong nagsalita ang isang babae. Humarap ako sa kanila at isa-isang tiningnan. Pinagmasdan ko sila.
“Mga tanginang ’yon, hindi na naawa ang mga gago sa matanda.” The girl in violet hair said while her hands are in her hips. Well, kahit sa dilim halata namang violet ang buhok niya. Humarap sa kanya ang isang kasama at binatukan siya. Napahawak tuloy siya sa batok.
“Aray!”
“’Yang bunganga mo Scarlett bawas bawasan mo!” Sabi ng babaeng may light brown na buhok, I think?
“Hoy Ellie! Ikaw ba pinagsasabihan ko? Hindi naman ah!” Reklamo ng babaeng tinawag na Scarlett. Pansin kong napabuntong-hininga ang isang babaeng tahimik lang na nakikinig sa kanila habang nakasandal sa pader.
“Kahit na! Bad pa rin ’yon! Dapat hindi ka nagsasalita ng mga gano’ng bagay!”
“So tinuturuan mo ’ko ng moral lesson? Gano’n ba?”
“Oo! Kaya palagi kang napapagalitan sa classroom eh! ’Yang bunganga mo!”
“Wow ah? Hiyang-hiya naman ako sa ’yong tinawag na bruha ang guro ng patalikod!”
“Eh totoo namang bruha siya dahil sa ugali niya! Bakit, anghel ba siya?”
“Oh eh bakit, anghel din ba ang mga taong ’yon?”
“Hindi. Pero kahit na!”
“Pero kahit na!”
“Bakit ginagaya mo na naman ako?”
“Bakit ginagaya mo na naman ako?”
“Tumigil ka nga!”
“Tumigil ka nga!”
“Isa!”
“Isa!”
“Dalawa!”
“Dalawa!”
“Tatlo!”
“Apat!”
“Lima– Scarlett!!”
Biglang hinabol ni Ellie si Scarlett dahil naisahan siya ng babae. Nagtakbuhan sila palabas ng eskinita habang napailing-iling naman ang babaeng kanina pa tahimik.
“’M so sorry about those two. They just can’t get along with each other.”
Napabuntong-hininga ako.
“Don’t be. My siblings are far more irritating that them. I’m used to it.”
Napatawa siya ng mahina saka inabot ang kamay niya. “Zyren. Zyren Monteros.”
Ngumiti ako saka inabot din ang kamay para makipag-shake hands.
“Amanda Kleinton.”
Bumitaw kami isa’t isa saka nagsimulang maglakad.
“So, where did you learn to fight?”
Napalingon ako sa kanya. Muling pumasok sa isipan ko kung pa’no ako natutong lumaban.
“I was bullied at school when I was a kid. One time, my classmates destroyed my project and that was the day of deadline. I got really mad that I almost killed my classmates. That same day, I was kicked out the school.” Bigla akong natawa.
YOU ARE READING
THE AGENTS: SQUAD
ActionAmanda was a trouble magnet wherever she goes. She's a short-tempered high school girl with so many bullies. Everyone who tried to mess with her were sent to the hospital and was admitted for almost a year. For her, "You'll got bullied if you let th...