Makalipas ang ilang minuto ng pagmamasid nabuo sa loob ni Gregg na kailangan na nyang makausap ng personal si Yam, marami siyang gustong malaman.. marami siyang gustong patunayan kaya dagli siyang pumunta sa CR sinipat ang sarili sa salamin at pagkalabas ay dumiretso sa kinaroroonan ng dalaga."Hi" matipid na wika ni Gregg
"Oh ikaw na pala yan, kmusta?" ganting bati ng dalaga
"Ito okay naman" Inabot ng binata ang kamay ng dalaga nakipagkamay ito sabay hila ng upuan "Kanina ka pa ba?"
"Medyo" sagot ng dalaga.Sa puntong iyon tinawag na ni Gregg ang waiter at umorder ng kanilang pagkain... habang hinihintay nila ang kanilang pagkain nagpakiramdaman muna ang dalawa... matipid ang mga salitang lumalabas sa kanilang mga bibig at halatang nagkakahiyaan. Naglalakbay ang mga mata ni Yam, palihim niyang tinitingnan ang binata na simpatiko sa kanyang kulay asul na long sleeve na nakatupi ng hanggang malapit sa siko. Matangkad din ang binata na bumagay sa kanyang malapad na pangagatawan, mabango din ito at naisip ni Yam na imported ang gamit nitong pabango kaya napapikit pa ang dalaga habang nilalanghap ang amoy ng binata.
"Masakit ba ang ulo mo?" biglang tanong ni Gregg
"Ha? Ah,.. ehh.. hindi naman, Bakit?" tanong ng nagulat na si Yam.
"Kasi nakapikit ka, naisip ko lang baka masama ang pakiramdam mo" ani Gregg
"Naku hindi, Maganda lang yung tugtog kaya pinakikinggan kong mabuti" pagdadahilan ni Yam sabay ngiti
Sa puntong iyon may napatunayan na si Gregg, napakaganda ni Yam... simple lang ito at mala anghel kung ngumiti. Di rin nakalampas sa mga mata ni Gregg ang mababaw at maliit ng dimples ni Yam sa kanyang namumulang pisngi na lalong nagpatingkad sa kanyang ganda. Di maipaliwanag ni Gregg ang kabang bigla na lamang umahon sa kanyang dibdib... umiibig na ba siya sa dalaga? Iyon ang katanungang gustong mabigyan ni Gregg ng kasagutan.Dumating ang kanilang order at habang kumakain ang dalawa ay nagkwento si Gregg ng mga nangyari sa kanya sa ibang bansa... Kwela ang tema ng usapan dahil sa punong puno ng buhay na pagkukwento ni Gregg kaya panay ang hagalpak ng tawa ni Yam na unti unting napapalagay ang loob sa kanyang kasama at napawi ang hiyang nararamdaman nila sa isat isa. Humaba ang kanilang kwentohan na umabot sa kung saan saang topic, di nila napansin ang paglalim ng gabi.
"Ihatid na kita" ang sabi ni Gregg
"Naku wag na, malapit lang naman ang sa amin eh... magtataxi nalang ako" sagot ni Yam
"Hindi ako papayag, ihahatid kita sa inyo para na rin malaman ko ang bahay niyo" Sabi naman ni Gregg
"Mukhang di ka rin naman mapipigilan eh, kaya sige na nga" nag aalinlangang sabi ni YamMalugod na inalalayan ni Gregg si Yam palabas ng restaurant at inihatid niya ito hanggang sa makarating ang dalaga sa kanilang tahanan.
"Halika tuloy ka muna" Alok ng dalaga
"Babalik nalang ako bukas, gabi na rin eh,.. baka tulog na ang mga kasama mo sa bahay maka estorbo pa ako" Pagtanggi ni Gregg
"Cge ikaw ang bahala, bukas nalang uli" sabi naman ng dalaga at humakbang na ito papasok ng kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
Reason To Smile
Storie d'amoreBaliw!!! Ito kung mag asaran ang magkaibigang Yam kay Gregg na bagamat sa chat lamang nagkakausap ay nagkapalagayan na ng loob. Si Yam ay isang simpleng babae na bagamat simple ay mararamdaman mo ang lalim sa pagkatao, samantalang si Gregg naman ay...