Ilang buwan naman na kayong wala sa buhay ko
Bakit ba nasasaktan pa rin ako?
Sa tuwing tinitingnan ang mga dating litrato
Hindi ko maiwasang malungkot at maluha, paano tayo humantong sa ganito?Bakit umabot sa ganoong punto?
Nagkasiraan at nahati pa tayo
Ang dating maraming miyembro, nahati sa iilang grupo.
Siguro nga may mga pagkakaibigan na pang "character development" lang ano?Sino nga ba ang tama at sino ang mali?
Parang wala naman nang silbi iyan, hindi naman na nagkabati.
Ngayon ko lang napagtanto, masyado pa palang mahapdi?
Pasensya na, kailangan kong isulat ito para ang sakit, mawala na uli.