62: Tanging Dahilan

970 22 8
                                    

"Hi! Good morning!"

Nakangiti kong binati ang antok na antok pang si Donny. Kanina ko pa siya hinihintay magising kasi hindi ako makabangon dahil sa mga braso at hita niyang nakaharang sa 'kin. Unan yata talaga ang tingin ng taong 'to sa 'kin!

"Morning..." sagot naman niya habang nakapikit pa pero nakangiti naman. Imbes na tanggalin na niya 'yung mga braso at hita niya, mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakayakap sa 'kin.

"Huy, bumangon na tayo. Ang dami pa nating gagawin," sabi ko habang tinatapik nang mahina ang mukha niya. Baka bumalik sa pagtulog, eh!

"Anong gagawin natin?"

"Birthday ni Ino ngayon, 'di ba?"

Tingnan niyo naman! Sa sobrang tagal mag-update ng Author dito, 3 years old na si Ino ngayon! Ang bilis niyang lumaki! Si Dave naman, 7 years old na! Big boy na ang mga babies ko!

"3 years old na si Ino!" sabi niya na parang hindi ko alam 'yun. Tapos tinaas pa ang dalawang kilay niya. Alam ko na ang mga paganiyan niya. Nako, nako!

"Oo. Kaya bumangon na tayo!"

Nang tanggalin ni Donny ang pagkakayakap sa 'kin, bumangon agad ako. Papunta na akong CR noong nagsalita siya.

"Wala ka man lang pa-good morning kiss sa 'kin? Paano ako gaganahan bumangon?"

Nilingon ko siya at tinawanan. "Edi 'wag ka na bumangon! Iwanan kana namin dito!"

Natawa naman siya sa sagot ko. "Grabe! Hindi talaga ako pinagbigyan! Isang kiss lang, eh. Damot!"

Napailing na lang ako at natawa bago tuluyang pumasok sa CR. Syempre, una kong gagawin pagkatapos ko rito ay ang batiin ang birthday boy. Hindi ko nga lang sigurado kung gising na sila ngayon. Masyado pa kasi talagang maaga.

Paglabas ko ng CR, naabutan kong nag-aayos ng kama si Donny. Napatingin siya sa 'kin noong dere-deretso akong naglakad papunta sa pinto. Pupunta na ako sa kwarto nila Dave.

"Pupunta ka na sa kwarto ng mga bata?" tanong niya.

"Oo."

"Hintayin mo naman ako!" reklamo niya bago tumakbo papuntang CR.

Dahil mabait naman akong asawa, hinintay ko siya. Nagcheck muna ako ng phone ko habang hinihintay ko si Donny. Bihira kong i-check 'yung phone ni Donny kasi sariling phone ko nga, bihira ko lang din i-check, eh! Tsaka alam ko namang hindi gagawa ng kalokohan 'tong asawa ko. Subukan niya lang talaga! May kalalagyan siya!

May iilang birthday greetings na nagsend sa 'kin. Mostly ay puro mga relatives at friends na hindi makakapunta sa celebration mamaya. Ang iba ko namang messages ay galing kanila Mommy na kahapon pa nasa beach house kaya tanong nang tanong kung nasaan na kami. Sila ang nag-ayos ng mga preparations doon kasi busy kami ni Donny sa hotel. Kaloka, nakaka-stress pala magkaroon ng hotel. Ipasara ko na kaya 'yun kahit kabubukas lang? Charot! Pangarap ko 'yun kaya ipaglalaban ko 'yon kahit maghirap kami. Char!

Sa beach house namin ice-celebrate ang birthday ni Ino dahil nagmana talaga siya kay Donny na mahilig sa beach! Kapag nga kapag napunta kami roon sa beach house, parang ayaw na umuwi ng dalawa.

Paglabas ni Donny, dumiretso na agad kami sa room kung saan natutulog 'yung dalawang bata. Actually, room talaga 'yun ni Dave. Pero natutulog doon si Ino kapag ayaw niyang tumabi sa 'min. Kapag kaya na rin ni Ino matulog nang mag-isa, ililipat na namin siya sa room niya talaga.

Si Ino, mahilig naman sa mga cars. Kaya 'yung room niya, puro cars ang designs. Gusto na nga niya roon matulog, eh. Kaya lang, hindi pa siya sanay matulog mag-isa. Okay lang naman, baby pa naman siya. Gusto ko nga, lagi ko pa siyang katabi. Kaso, mas gusto naman niya matulog sa room ng Kuya Dave niya! Kaya nilipat muna namin 'yung kama niyang kotse sa room ni Dave.

The next Big Thing [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon