2nd

45 0 0
                                    

After a month, kami na ni Claudine.. Ang bilis no? Mahal na mahal kasi ako ni Claudine. At mas mahal na mahal ko siya.

"Babe, happy 100th day!!!", sigaw ko kay Claudine sa harap ng bakery nila ng alas singko ng umaga.

"Good morning babe!!! thank you", balik nya sakin kasam ang flying kiss at senyas na wait lang. Kukuha ata sya ng kape namin.

Lumabas sya ng bahay nila kasama ang mga kape namin. 8Nayos ko yung mga upuan na nasa gilid ng gate nila para may maupuan kami. Hihintayin namin ang pagsikat ng araw. Sa ting8n ko, dapat magtapat na ako sa kanya.. ang aga kong ma-guilty kasi mahal na mahal ko sya.. Kinakabahan ako sa maaari nyang gawin. Dala ko yung binili kong pampawala ng gayuma. Pag binaba nya yung tasa nya, dun ko nalan ilalagay..

"Babe, ano yan?", nahuli nya akong binubuksan yung takip ng bote ng anti gayuma.

"Wala babe.. ", sagot ko ng mabilis at kinakabahan

"Umamin ka. Ano yan, please", yung tingin nya, hindi galit.. kundi makaawa na sabihin ko ang laman ng bote. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

"Papatayin mo ba ako?", dagdag nya sakin at lal9ng nagmamakaawa.

"Babe... im.. so.rry... anti-gayuma to. Ginayuma lang kita! mahal na mahal kita kaya gusto ko ma sabihin sayo ang totoo. Im sorry Claudine", sagot ko sa kanya ng naka tingin sa sahig. Ayoko makita ang mga mata nya, yung mukha nya kung anong magiging reaksyon nya.

"Sige, ilagay mo. Pag may nagbago sa feelings ko, yayakapin kita. Pag wala, sasampalin kita.", sambit nya sakin ng mahinahon. Lumapit sya, walang galit sa mukha nya pero nararamdaman kong meron..

Nilagay ko lahat ng nasa bote sa kape nya.. ininum nya.. ini-straight nya yung laman ng tasa nya. Pumikit ako sa maaaring mangyari..

Biglang, isang mahigpit na yakap ang nakuha ko galing sa kanya..hindi ko na sya niyakap kasi alam kong dun na magtatapos yung relasyon namin.. naglakad sya dahan dahan papasok na bahay nila.. hinihintay ko sya tumingin pero wala, maski isang silip lang pabalik sakin..

Ito na ata ang katapusan ng pagmamahalan naming... dinaan sa maBOTEng usapan.. Letcheng Gayuma.. sana hinintay ko nalang na mahalin nya ako.. tumakbo ako pauwi sa bahay.. Nagpalit ng pambahay na damit, nahiga, at tumulala sa kisame.

Louie, anung ginawa mo? niloko mo lang ng sarili mo na mahal ka ni Claudine..

"Dibale na, atleast, naka 100 days akong naranasan na mahal nya ako", sabi ko sa sarili ko bago ituloy ang pagtulog. Alam kong umaga na pero, parang mas gusto ko nalang matulog ulit.

Nagising ako sa panaginip ko ng magbubulyaw na naman si Mama. Dali dali akong lumabas ng bahay, inaasahang nandun sya.. yun pala, wala. Hindi sya. Sumigaw si Mama dahil lang gusto nya akong magluto ng pananghalian namin..

Iba ang pakiramdam pag hindi si Claudine ang nandito para magluto, back to normal ang buhay ko dito sa bahay.. Pero, mas lumala. Parang lutang nalang ako lagi..

"Umayus ka Louie!!! Kung ayaw mo kumilos dito sa bahay, humanap ka ng trabaho! hindi yung senyorito ka dito!!! 24 Anyos kana, sakin ka pa rin umaasa!!!"", bulalas ni Mama. Kaya naman, dali dali akong tumutok sa laptop para gumawa ng bio data. Nagpa pogi at pumorma para magpakuha ng 2x2 na picture..

Ready na ready ako para mag apply ng trabaho..

..

....

..

Hindi pala biro to. Akala ko, makakahanap agad ako ng trabaho.. pero hindi.. WALA!!!!!

SUKO NA AKOOOOOOOOO!!!!!!!!

Gayuma Becomes True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon