3rd

27 0 0
                                    

After 1 year and 3 months..

Mabilis akong na promote bilang Store Manager ng isang fast food na dating waiter lang ako. Kakilala kasi ako ng may-ari ng restaurant. At lagi akong employee of the month dahil sa sipag ko. Pag wala masyadong tao, naglilinis na rin ako ng resto at naghuhugas sa kitchen. Para lang may dagdag na kita.. buti nalang mabait yung boss namin..

Napadaan ako sa bakery dahil naisip kong bilhan si Mama ng pandesal at cheeze whiz pang almusal.

Nakita ko si Claudine pero hindi nya ako kinamusta. At nahiya naman akomg kamustahin sya..

Bumalik na ang dati kong routine na bumili ng pandesal sa kanila.. araw araw ko na rin ulit syang nakikita..

"P30 na pandesal po. Yung medyo toasted.", sambit ko sa kanya.. habang iniiwas nya ang mukha nya na mapatingin sakin

"Namiss kita.", bigla kong nasabi sa kanya,, napakamot ako sa ulo ko sa hiya..

"Bakit hindi mo na ako pinuntahan ulit", tanong nya habang inaabot ang balot ng pandesal nang naka yuko.

"Ha?", tanong ko dahil nagulat ako sa sagot nya

"Pumuti ka, gumwapo ka, at mukhang may trabaho kana", sabi nya sakin at biglang tumingin sya sakin ng dahan dahan. Pero wala yung ngiti na inaasam ko.. wala yung ngiti na nagpapakaba sakin ng sobra.

"May trabaho na nga. At, medyo natuto na ako maghilamos.", sagot ko sabay tawa..

"Sa tingin mo nakakatawa?", sagot nya sakin kasabay ng pag alis nya., pumasok sya sa bahay nila at nahiya na akong habulin pa sya..

...

....

Day off ko ngayon. Birthday kasi ni Mama, at hinayaan ko muna sya gumala gala. Ako ang naiwan dito sa bahay..

10Am, nakakatamad. Walang magawa. Naisipan kong lumabas ng bahay.. bago pa ako makaabot sa gate.. nakita ko si Claudine.. nakadungaw lang sa may gate. Siguro nakita nya ako dahil biglang syang tumakbo paalis. Lumabas ako para habulin sya

"Claudine!! wait lang!! pag hindi ka huminto ibig sabihin crush mo ko!", sa pagsigaw ko nun, huminto sya, lumakad sya papalapit sakin dala ang naka simangot na mukha.

"Parang bata lang..", sagot nya sa sinabi ko.. hindi pa rin nagbabago ang reaksyon ng mukha nya.

"Sorry na Claudine. Kung tungkol pa rin ito sa gayuma, sorry na", sambit ko sa kanya at hinawakan ko ang kamay nya.

"Hindi namam epektib yung gayuma mo.", nagulat ako sa sinabi nya.. nagulantang ako.. anu daw?

"ha? alin? yung anti-gayuma ata yung tinutukoy mo", sagot ko sa kanya

"Parehong hindi epektib!!!! Gumastos gastos kapa para lang mahalin kita", sagot nya sakin ng pasigaw. At nakayuko lang sya ng sabihin yung mga salitang yun.

Natahimik ako. Lungkot ang naramdaman ko at guilt.

"Mahal naman kasi kita, bakit kelangan gumamit pa ng gayuma? pwede namang magtanong", umiyak sya matapos sabihin yun sakin.. siguro nga, masakit malaman na kaya kang gayumahin ng taonng mahal mo.

Nagu guilty talaga ako kaya pinili kong yakapin nalang sya ng mahigpit kaysa magdahilan. Alam ko sa sarili kong nagkamali ako. Alam kong umasam ako ng hindi dapat. Mali nga yun.. maling mali..

"Shh. Tahan na Mahal ko. Hindi ko na uulitin kasi ngayon, alam kong mahal mo nga ako", tumahan sya matapos kong magsalita.

Tumawa sya ng malakas. At yinakap ako ng mahigpit,.

"Panu nangyaring hindi ka nagayuma?", tanong ko sa kanya

"Hahaha. Pinakain ko yung egg pie sa aso namin. Allergic ako sa dairy products.", sagot nya kasama ang malakas na tawa..

Natatawa nalang din ako aa katangahan na ginawa ko.. mahal namam pala ako ng taong pinaka aasam ko..

...

....

....

"I LOVE YOU CLAUDINE", bulong ko sa kanya matapos ko sya halikan sa harap ng altar. At wala na akong narinig na iba kundi mga taong naghihiyawam at bumabati para sa aming dalawa.,

Gayuma Becomes True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon