Hindi ako makatingin Ng maayos kay Lennox habang kumakain kami. Sobrang namumula parin ako. Nakita ko naman syang makatingin saakin at inismiran ako. Napairap nalang ako. Pinag patuloy ko nalang ang pag kain.
Gabi narin kaya nang matapos kaming kumain ay pumasok na kami sa kanya kanya nilang kwarto.Napataas Naman ang kilay Niya saakin. Kaya Hindi ko mapigilang umirap.
"What? Are you going to stand there all night?" inismiran Naman ako nito kaya Wala akong nagawa kundi tumabi sa kama Niya.
Tumanday Naman yung braso Niya sa tiyan ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa ginagawa niya.
"I can hear your heartbeat woman
Stay calm I won't eat you." Mas napasinghap ako sa sinabi Niya. Kahit papaano Naman ay nakakaintindi nako ng english Hindi nako kasing bobo Ng dati.Isiniksik Naman Niya yung Mukha Niya sa leeg ko.
"Ano ba Lennox!"
"Shh..let's sleep. Before I eat you." Wala akong nagawa kundi ang pumikit. Sobrang komportable ako sa nararamdaman ko ngayun kaya dahan Dahan akong tinangay Ng antok.
"FUCK! what?" Dahan Dahan kung minulat ang Mukha ko dahil sa pag sigaw ni Lennox. May kausap ito sa cellphone Niya. Kaumaga ehh galit agad ang nakikita ko sa Mukha Niya.
"Lennox..." tawag ko dito. Bumangon Naman agad ako.
"I call you later." bumaling Naman ang tingin Niya saakin at bumuntomg hininga. Siya at napasintido.
Lumapit siya saakin at agad akong hinalikan na kinagulat ko.
"Good morning." Hinaplos Naman Niya yung tiyan ko.
"Baby." napatulala naman ako.
"Ahh.." napabuntong hininga ulit ito.
"I'm sorry Sassy. Kailangan Kong bumalik sa kompanya na..nag ka problema Kasi. But I'll promise I be back. Kailangan kolang talagang ayusin to." Tinignan ko Naman ito. Pero agad din itong nag iwas ng tingin saakin.
"Ganon ba...sege pero babalik narin–"
"No! I mean you can stay there, with your family. I don't want to ruin enjoyment in Keisha and conny Face. I promise I'll be back." tinago ko naman ang lungkot na nararamdaman ko. Ayaw ko namang maging selfish. Kahit papano alam kung nag enjoy sila sa pag stay nila dito.
Napabuntong hininga naman ito at tinalikuran ako mukhang maliligo na sya.
Inayos ko narin ang pinagtulogan namin. Napatingin naman ako sa salamin kita na yung umbok sa tyan ko. Napangiti naman ako at hinaplos ito. kahit papaano nag karoon ako ng lakas ng loob na harapin ang problema ko dahil dito.
Bumukas namn ang banyo at lumabas si Lennox. Napaiwas naman ako ng tingin dahil kalahating katawan niya lang lang natatakpan. Agad naman akong nag tungo sa banyo upang Maghilmos. Kaagad rin akong lumabas naka bihis na ito.
"I have to go Sassy. I call you time to time, and please always be careful. Call me immediately If theres a problem. Nandito ang mga tauhan ko if may kailangan kayo." Tumango naman ako. Lumapit sya saakin at bigla akong hinalikan. Natulala pa ako sandali. Hindi parin ako sanay na hinahalikan ako ni Lennox.
bumaba naman ako ng maka alis na si Lennox.
"Nagpaalam sa amin si Lennox" wika ni nanay. Tamango naman ako at umopo at kumuha ng pagkain.
"Babalik rin naman daw agad sya nag ka problema lang daw sa kompanya." bigla namang bumigat ang pakiramdam ko. Napatingin naman si tita jolly saakin.
"Abay babalik naman agad yun!"
Matapos naming kumain pumonta agad kami sa dagat hindi nako naligo sila Cony at keisha lang na panay ang selfie. Napailing nalang ako at kahit papaano at napapangiti ako.
Dumaan na ang hapon at gabi narin wala parin si Lennox. At ang sabi niya ay tatawag sya ngunit hindi naman ako nakakatanggap ng tawag. Hindi ko alam pero kinakabahaan ako. Nakakainis man pero hindi ako sanay na wala siya. Nabuntong hininga nalang ako. Tapos na kaming kumain at nasa kanya kanya na kaming kwarto. Ako naman rito mag isa lang.
Gusto ko siyang tawagan pero ay iwan! Baka sabihin non na namimis ko sya. Hindi naman. Pero ano bang masama kung tatawagan ko sya? Sa huli hindi talaga ako nakapag pigil pa at tinawagan ko na sya.
Nakailang ring pa bago ko niya sinagot
"Hello?"
"Who's that Query?"
Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.
"Huh? Ahh wala its just a bicth." Agad naman itong namatay. Napasapo naman ako sa puso ko at dahan dahang tumolo ang luha. Hindi ko alam pero nasasaktan ako na isiping mag kasama sila ni Query ngayun hindi ko alam kung anong ginagawa nila. Pero in the first place wala naman akong karapatan na mag tanong kasi pinanagutan lang naman ako dahil nabuntis ako hindi ko naman asawa si Lennox. Pero ang sakit lang isipin.
Ang sabi niya saakin ay nag karoon ng problema sa kompanya niya. Nakay Query pala sya. Siguro totoong mahal niya talaga si Query at ngayun niya lang na realize iyon.
Ilang sandali lang na ring yung phone ko at Lennox iyon nag dadalawang isip ako kung sasagutin koba ohh hindi. Pero sa huli sinagot ko parin.
"Hello.." sinubukan kong ayusin ang boses ko baka makahalata sya. narinig ko naman itong bumuntong hininga.
"im sorry hindi ako naka balik agad matagal kasi bago naayos yung problema sa kompanya." Napangiti naman ako ng mapait.
"A-ayos lang...babalik narin pala kami bukas." ani ko.
"Okay... I papasundo ko kaya sa private chopper ko bukas."
"Sege..ahm ibaba kona baka kasi maka istorbo pa ako sa inyo...i mean matutulog nako." Agad ko naman iyong pinatay.
Dahil siguro sa pagod at sakit na nararamdaman ko ay nakatulog ako.
Maaga akong nagising upang mag ayos ng gamit.
Pinaalam ko narin sa kanila na uuwi na kami.
Nalulungkot ako kasi hindi man lang ako nag enjoy pero kahit papaano kahit isang araw naranasan koring mag enjoy dito. At ngayon balik na naman sa dati.
Ng matapos kung ayusin ang mga gamit pinababa kona ito sa tauhan ni Lennox.
tapos narin naman kaming kumain. Kaya sumakay na kami sa Chopper medyo kinakabahan pa ako. Pero si keisha naman todo Video.
"Ano bayan ate. Para kanamang baliw diyan eh!" Reklamo ni. Conny.
"Shut up Cony!" Napailing nalang ako. Buong byahe hindi ako tumingin sa baba dahil parang masusuka ako. Mga kalahating oras lang naman ang.
sinundo naman kami ng SUV nang makalapag ang chopper. Tahimik lang ako sa loob ng Sasakyan. Hanggang sa makarating kami sa bahay.
Nang makarating ako sa bahay agad akong nag bihis. Medyo pagod rin ako sa byahe natulog mona ako.
Nagising ako ng tumonog ang phone ko.
"hello."
"Sassy si Vin to. Ahh are you free now?"
"Ah oo bakit?" Ani ko kahit nag taka ako. Napabuntong hininga naman ako. namimis kona sila pero hindi ko alam kung maibabalik pa ba namin yung dati naming pag kakaibigan. galit saakin si Clea gayun na din si Query.
"Can i meet you tonight. May importante lang akong sasabihin."
"Alright mag bibihis lang ako." napasapo naman ako sa dibdib ko bigla akong kinabahan sa kong ano man ang sasabihin ni Vin saakin
YOU ARE READING
MR. Billionaire got me pregnant
De Todo"Panagutan mo ako!" yan agad ang unang lumabas sa bibig nya. she's Sassy Morene Wenson pangalan lang ang mayaman sakanya. pero hindi talaga siya mayaman wala rin siyang pernimenting trabaho. kaya naman napilitan siyang pumasok sa club para maging d...