Chapter VII- Guardian of Death
Mabilis dumating si Nadia sa ospital sa oras na nalaman niya ang balita. Marami ang pulis at mga naki-osyoso… Narinig niya agad ang pag-iyak ng mommy ni Kevin. Awang-awa siya dito. Hindi niya inaasahan na susunod si Kevin sa pagkamatay ni Jeanne.
Nilapitan niya sina Claire at Martin. Niyakap niya agad si Claire.
“Hindi na ata normal to. Masama na ang pakiramdam ko sa mga nangyayari…” ang pangangamba ni Nadia.
“Magpakatatag tayo, Nadia…” ito na lang ang nasabi ni Martin.
Habang nag-uusap silang dalawa eh napansin naman ni Claire ang matandang babae mula sa mga taong nakiki-osyoso. Nakilala niya ang mukha ng matanda kahit na madilim dala ng gabing-gabi na.
Ito yung matandang tinulungan niya doon sa simbahan nung mga panahong inilibing si Jeanne.
Lumakad yung matanda ngunit sinundan siya ni Claire.
“Sandali lang po…” huminto ang matanda nang makalapit si Claire, “…hindi po ako sigurado sa sasabihin ko. Pero malakas po ang kutob ko na may nalalaman kayo sa mga nangyayari. Kung meron man po, parang awa niyo na tulungan niyo po kami.”
Humarap ang matanda kay Claire. Bakas sa mukha ng matanda na naaawa siya kay Claire. Lumapit naman sina Martin at Nadia.
“Ako po si Claire… ito naman si Martin at si Nadia… Nakikiusap po kami, tulungan niyo kaming umintindi sa mga nangyayari.”
“Ang pangalan ko ay Lucida.”
“Lola Lucida, may sinabi po kayo sa akin nung huli tayong nagkita… Malamig ang aking kaluluwa… ano pong ibig niyong sabihin doon?” ang tanong ni Claire.
“May nagawa kayong hindi niyo dapat ginawa. Naibenta na ang inyong kaluluwa sa impiyerno. Wala na akong magagawa pa.”
“Ano po?!!!” tila hindi maipinta ang mukha ni Claire nang marinig niya ang bagay na yun. Napaiyak si Nadia sa kanyang narinig. Hindi naman ito nagustuhan ni Martin.
“Sandali lang ho, lola… Mawalang galang na po, pero hindi kaya gawa-gawa niyo lang to lola? Hindi naman po ata totoo yun. Wag kayong manakot dahil hindi nakakatuwa!”
Hindi sumagot ang matanda… Pinili niyang umalis ng tahimik at kusa.
“Claire… okay ka lang ba?” ang pag-aalala ni Martin sa kasintahan.
“Hindi ako okay!” sagot ni Claire.
“Wag mong sabihing nagpapaniwala ka dun sa matandang yun! Claire, ano ba?! Hindi yun totoo… Hindi mo nga siya kilala, pagkatapos magpapaniwala ka…” sinita niya rin si Nadia na patuloy na umiiyak, “Nadia!”
“Nakakalimutan mo na ba yung araw na may ginawa tayong hindi maganda dun sa matandang pumunta sa bahay namin…?”
~“MASUSUNOG ANG KALULUWA NIYO SA IMPYERNO!!! KAYONG LIMA! MASUSUNOG ANG KALULUWA NIYO SA IMPYERNO!!!!!”
…sinumpa niya tayong lima na masusunog tayo sa impyerno! Sa impyerno, Martin! Tayong lima! Dalawa na ang nakukuha… Hihintayin mo pa ba na maubos tayong lima bago ka magpapaniwala na totoong nangyayari ito sa atin?”
----------
Hindi na lubusang nakatulog si Nadia dahil na rin sa sinabi ni Lucida sa kanila. Ano na lang ang gagawin niya kung totoo ang mga yun? Hindi niya lubos maisip na pumunta ng impyerno. Natatakot siya.

BINABASA MO ANG
Three Steps To HELL
HorrorHindi natin gusto ang mapunta sa impyerno, pero sarili nating galaw ang magsasabi kung pupunta ba tayo dito o hindi.