Chapter 4

23 7 0
                                    

Joseph's POV

"Our honorable mayor has arrived!" Sigaw ng emcee pagkabukas na pagkabukas ni Sab ng pintuan ng van.

Unang bumaba si Sab at agad ng kumaway sa mga taong masayang naka-ngiti sa kanya. Hindi talaga sila naka-ngiti kay Sab, sa'kin talaga sila naka-ngiti. Ako bumubuo ng mga araw ng mga 'yan.

Inalalayan ko lang yung girlfriend kong bumaba, baka ma-fall e.

Dapat sa'kin lang siya ma-fafall, hindi sa lupa.

"Ang daming tao." Bulong ni Nads habang naglalakad kami papasok ng entrance.

Nasa likod lang kami ni Sab.

"Please welcome Mayor Samara 'Sab' Abellano!" Sigaw ulit ng emcee kaya umakyat na si Sab sa mini stage nila at saka nagsalita sa mic.

"Maayong buntag kaninyong tanan! Salamat kaayo sa pagtambong sa among Mural Painting. Hinaot malipayon ang tanan karong adlawa sa atong programa."

Sambit ni Sab kaya nagpalakpakan agad ang mga tao.

Grabe kapag talaga nalaman nilang kasama ko ni Sab lagi silang present. Masyado ng mahaba pila niyo sa'kin, may nanalo na kaya.

Ayun siya o..... si Nads.

Sab invited me and Nads to join her today for the Mural Painting to be held today.

"Nadia!" Biglang may sumigaw ng pangalan ni Nads kaya tinignan ko siya agad.

Ba't mo tinatawag yung pangalan ng girlfriend ko? Kabit kaba niya?

"Hahaha and by the way, gidala nako akong bestfriend karon," Ngumiti lang si Sab at saka hinila yung braso ni Nads.

"Please welcome my best friend Nadia!"

"Waaaaaaaaaa! Mibalik si Nadia!" Sigaw ng mga tao.

Kumaway lang si Nads at agad bumalik sa tabi ko.

Gusto kong mag assume pero naalala ko realistic nga pala ako.

Ayaw lang ni Nads na agawin yung spotlight kay Sab, kapag nandito si Nads dinaig niya pa si Katrine Bernardo.

"Ug ako usab uban sa akong gwapo nga igsoon nga si Joseph!" Sigaw ni Sab sa mic niya ulit kaya agad ko siyang tinignan na may kunot sa noo.

Hindi na ko sumasang-ayon ngayon na gwapo ako.

Ayoko ng tinatawag akong gwapo.

Kasi...

Kahit tawagin ako n'yan ng buong mundo, kahit ganyan yung tingin nila sa'kin kung si Nads hindi e 'wag na lang.

Biglang hindi naging importante sa'kin yung pagiging gwapo kung sa mata ni Nads isa akong tarantado.

Biglang nilayo ni Sab yung mic sa bibig niya at saka bumulong sa'kin.

"Do you want to have a new? She's my batch mate, she's pretty also. Come on." Bulong niya sabay hila sa'kin paabante.

"No, Sab. Nads is here." Sagot ko. Loyal ako kay Nads, ano ba.

"Kaya nga, that's my point." Tumawa lang siya kaya tinignan ko si Nads na nakataas yung kilay sa amin hahah

Tinuro ni Sab yung ka batch niya kaya kumaway lang ako sa kanya. Maganda siya pero parang peke yung kutis.

Dito pa din ako kay Nads mga ulol.

"Say hi to her." Utos ni Sab.

"Hi!" Sinunod ko lang si Mayora kaya halos mapatalon na sa tuwa yung ka batch niya.

The Secret Life Of Misfits | √Where stories live. Discover now