Chapter IX- The Real Cost
Patuloy ang pagbuhos ng ulan sa kadiliman ng gabing iyun. Lumalakas pa lalo ang pag-ihip ng hangin. Nandoon si Claire sa bakuran ng kanilang bahay. Pinagpatuloy niya ang paghuhukay ni Martin. "Uh! Uh!" galit na galit na siya at gusto niya nang matapos ang sumpa.
Samantala, si Martin ay nakarating sa loob ng pamamahay ni Claire. Hindi niya na ito napansin. Patuloy lang siyang tumakbo dahil sa sinusundan na siya ng mga tila-zombies na nanggaling sa lupa. Kasingpayat na lang ng kalansay ng tao na pinalilibutan ng putik ang mga zombies na ito...
Namatay pa ang ilaw sa loob. Kidlat na lamang ang nagbibigay ilaw sa loob pati narin ang ilaw na nagmumula sa labas.
May nakuha siyang maliit na kutsilyo mula doon sa mesa.
Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa pagtakbo.
Nadulas si Martin sa sahig dahil na rin sa putik at basa na kanyang nadala sa loob.
Hinila ang paa niya ng isa sa mga humahabol sa kanya.
"AAAAAHHHHH!!!!!!!! WAAAAAAAAAG!!!!! AAAAAHHHHH!!!!!!!!!!"
Hindi na siya nakatakas pa, pinalibutan na siya ng mga ito.
----------
"...Kagaya ka pa rin ng dati, Claire!" Nagulat si Claire nang marinig niya ang tinig na yun. Pamilyar ang tinig na yun. Hindi niya ito basta-basta makakalimutan... Sa pagkakataong ito, malamig at tila nanggaling sa hukay ang boses na yun. Lumingon siya at nakita niya si Blaire, hindi man makita ang pagkaputla ng mukha... kitang-kita naman ni Claire ang tahi sa bigbig ng batang babae.
"...hindi ka na nagbago. Tinatakbuhan mo pa rin ang kasalanan mo. Kagaya ng pagtakbo mo nung iniwan mo ako!" hindi gumagalaw ang bibig ni Blaire dahil sa nakatahi nga ito pero naririnig ni Claire ang boses niya.
"Hindi totoo yan! Hindi ko intensyong iwanan ka. Blaire... We were 10 years old back then, walang laman ang isip ko kundi takot..."
Binalik ni Claire ang tuon niya sa paghuhukay. Hindi niya pinansin ang presensiya ng kanyang kakambal. Hanggang sa nakuha niya ang lapida ng namatay niyang alaga.
Mabilis niya itong binuksan at binuhusan ng gasolina.
Sisindihan niya na sana ang posporo nang pigilan siya ni Blaire, "WAAAG!"
----------
Mula sa mga nakapalibot kay Martin ay lumabas ang matandang babae na nagsimula nitong sumpang kanilang pinagdadaanan.
Sa pagkakataong ito, mas nakakatakot pang tingnan ang matanda. Ang mabibilog at mapuputi nitong mata ay tila maluluwa na... Ang ngipin niyang sira-sira ay tila matatanggal na... Nakawagwag ang mahaba at magulong buhok... Lumabas ang ugat sa kanyang leeg at bumakat dito.
"HALIMAW KA!!!! DEMONYO KA!!!!!" ang sigaw ni Martin.
Ngunit wala itong nagawa. Ngumiti pa sa kanya ang matanda.
Nalusaw na parang putik ang mga nakapaligid kay Martin. Ngayon ay dalawa na lamang sila ng matandang iyun doon sa loob ng pamamahay ni Claire.
Unti-unting lumapit ang matanda kay Martin na siya namang gapang paatras sa matanda, "Wag kang lalapit... Wag kang lalapit..."
"AAAAAAAHHHHH!!!!!!!!!!" bigla-bigla'y tumakbo ng mabilis ang matanda papalapit kay Martin! Tila gustong sakalin si Martin!
"Ark! Aaarrk..." pero bago niya ito nagawa ay nasaksak siya ni Martin sa leeg ng nakuha niyang maliit na kutsilyo kanina sa mesa.
Lumayo ang matanda habang patuloy na lumalabas at tumutulo ang nakaraming dugo mula doon sa nasaksak. Hinawakan ito ng matanda at biglang hinugot ang kutsilyo.

BINABASA MO ANG
Three Steps To HELL
HorrorHindi natin gusto ang mapunta sa impyerno, pero sarili nating galaw ang magsasabi kung pupunta ba tayo dito o hindi.