•°• ✾ •°•
Panalangin, mapasa'kin
Ang iyong ngiti, ang iyong halik
Panalangin, mapasa'kin
Ako'y sabik sa iyong lambing
Aking sinta, nabihag mo itong puso ko𝙋𝙖𝙣𝙖𝙡𝙖𝙣𝙜𝙞𝙣 // Magnus Haven
•°• ✾ •°•
Ikawalong Kabanata:
Unang PagtatanghalPagkapasok namin sa loob ay tinanggal na nilang apat ang kanilang mga maskara. Itinagilid ko ang aking ulo at taka silang tiningnan. Naguguluhan kasi ako kung bakit nila tinanggal ang kanilang mga maskara.
"Kami-kami lang naman 'yung nandito kaya okay lang na tanggalin namin 'to." Mukhang napansin ni Timaeus ang nagpapagulo sa aking isip. "May kakatok naman sa atin kung sakaling malapit na tayo mag-perform."
Tumango-tango na lamang ako sa kaniya.
"We'll start in two minutes," anunsiyo ni Ryo. Umupo siya sa pinakamalapit na upuan kung saan ang katabi nito ay may nakapatong na bag. Binuksan niya ito at kumuha ng tubig na nilagok niya.
Napalunok ako ng aking sariling laway.
Bahagyang nakatingala ang kaniyang ulo habang umiinom ng tubig kaya naman kitang-kita ang paggalaw ng kaniyang panga, kasama na rin ang pagtaas-baba ng kaniyang Adam's apple.
Pagkatapos uminom ay dumako ang tingin niya sa akin.
Sandali akong natigilan dahil hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko kasi maialis ang tingin ko sa kaniya, lalo na't mas lalo kong nasulyapan ang kabuoan ng kaniyang mukha.
Mukha siyang may lahi dahil sa kasingkitan ng kaniyang mga mata na nabigyang diin ng kaniyang makapal na kilay. Maganda sana ang kaniyang mga mata ngunit blangko lamang ang tingin nito, walang kahit na anong kulay ng emosyon ang nakapinta rito.
May katangusan din ang kaniyang ilong na siyang pinaresan ng maninipis ngunit mapupulang mga labi na bumagay sa kaniyang puting balat. Mukha ring siya ang pinakamatangkad sa kanilang apat. Mukha siyang iyong tipo ng playboy na hindi mo aasahang palikero pala, o kaya naman 'yung mala-Mafia ang datingan.
Tumikhim siya kaya naman ay nawala ako sa pag-usisa ng kaniyang hitsura.
Saktong paglipat ko ng tingin ay natapat ito roon sa isa pa nilang miyembro. Kung tama ang pagkakaalala ko, siya si Mizori.
Katulad ni Ryo, singkit din ang kaniyang mga mata ngunit may kabilugan ito. Cute siya, sa totoo lamang. Mas lalo rin siyang naging cute dahil sa kaniyang buhok na nakaayos na tila naka-bowl cut. Parang permanente na ring nakadikit sa kaniyang mukha ang ngiti sa kaniyang mga labi dahil kanina pa ito hindi nawawala.
Pareho sila ni Ryo na mukhang may lahi. Iyon lamang, si Mizori ay mukhang purong Hapon, samantalang 'yung isa naman ay nahaluan ng pagka-Korean at Hapon.
Sunod ko namang tiningnan si Knuckles. Kung 'yung naunang dalawa ay mga mukhang East Asian, si Knucles naman ay mukhang galing sa kanlurang bahagi ng mundo.
Matangos na matangas ang kaniyang ilong na pinalamutian ng kulay bughaw na mga matang matapang at makapal na kilay. May kakapalan ang kaniyang labi na siyang sumakto sa kalakihan at katulisan niyang panga. Nakataas din ang kaniyang kulay tsokolateng buhok.
Kulang na lamang ay bandana at magmumukha na siyang gangster.
Nagitla ako nang naramdaman kong may biglang nagpatong ng braso sa aking balikat.
BINABASA MO ANG
Behind the Mask [ ✓ ]
Teen FictionAng Behind the Mask ay isang bandang binubuo ng limang miyembro. Dahil sa kanilang pagiging misteryoso, maraming napukaw ang atensyon at nakuryoso sa kanilang pagkatao. Ngunit hindi lamang sila nakilala dahil sa kanilang tagong katauhan, nakilala ri...