Bakit mo piniling kalimutan ang minsang nagpa saya sa iyo?
Bigla nalang iniwan ang mga taong nakapaligid, walang sabi sabing gagawa ka na pala ng panibago mong mundo.
Wala namang masamang magsimula ulit,
Sabihan mo lang sana ako.
Para naman handa akong lalayuan mo.Bakit parang ang dali lang para sa iyo na iwanan lahat?
Tangina halos mabaliw ako kakaisip kung bakit kinalimutan mo kami agad.
Hindi ako magpapaka hipokrita
Oo masakit makitang masaya ka kasama nila.Namimiss na kita
Pero tangina, sobrang sakit pa rin pala.
Salamat pa rin sa mga panahong nandiyan ka.
Siguro nga, isa ka lang sa mga kaibigan ko na dumaan at umalis na.