Key Verse:
Dumanas sila ng matinding kahirapan at ito'y isang mahigpit na pagsubok sa kanila. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos, masayang-masaya pa rin sila sa at bukas ang palad sa pagbibigay. Sila'y kusang-loob na nagbigay, hindi lamang sa abot ng kanilang kaya, kundi higit pa. -2 Corinto 7:10-11 MBB
Isang napakagandang halimbawa ang ipinamalas ng simbahan ng Macedonia patungkol sa kawanggawa at pagbibigay na dapat nating tularan. Totoong wala sa kung anumang meron tayo ang batayan sa kaya nating ibahagi sa ibang tao kundi sa pusong handang tumulong at magbigay maliit man o malaking tulong. Kadalasan napakarami nating excuses lalo na kapag may humihingi sa atin ng tulong o may nangangailangan. Ngunit kamangha-mangha ang iglesia ng Macedonia dahil sa kabila ng kanilang kawalan ay mas nag-umapaw ang kanilang kagustuhan na makapagbigay ng tulong kay Pablo dahil alam nilang para ito sa gawain ng Panginoon. Ang kanilang paghihikahos at pagsubok na pinagdadaanan ay hindi kailanman naging dahilan upang ipagpaliban nila ang kanilang pagkakawanggawa. At mas nakakablessed pa ay ang kanilang attitude sa pagkakaloob sapagkat makikita talaga ang joyful and heartfelt giving. Hindi na sila kailangang pilitin pa sapagkat sila pa ang namimilit na mabigyan ng pagkakataong makapagbigay. Kusang-loob silang nagbibigay at higit pa sa kanilang kayang ipagkaloob. Ngayon ko naunawaan na dapat katulad ng mga tagasimbahan ng Macedonia dapat magkaroon din ako ng generous heart anumang situation ang aking pinagdadaanan. Hindi ako dapat gumawa ng dahilan lalo't higit may pagkakataong tumulong at magkawanggawa. Salamat Panginoon sa iyong pagtutuwid.
YOU ARE READING
Pursuing JESUS
EspiritualThis book is all about encouragements for those Christians who are pursuing Jesus. May the content of this book help you to continue your journey and finish the race. Marami tayong pagdadaanan sa ating paglalakbay ngunit sama-sama tayong magpapatulo...