Chapter 1
“Raye!!!! Natanggap tayo!!!” yan agad ang bungad ng aking kaibigang si Chean pagkalabas ko ng banyo.
I licked my lips and went over her. Tinignan ko ang selpon nito kung saan nakalagay ang pinupunto niya. Napasmirk ako ng makitang natanggap nga kami sa kompanyang inaplayan namin.
“Let’s fix ourselves!!! Sabi dito we should be there at exactly 9 o’clock in the morning, look it’s already 7:05 AM.” sumang-ayon agad ako dito. Bawal mahuli sa unang araw.
Nagbihis kami at inayos ang sarili upang maging presentable naman kami. Nang matapos kami sa pag-aayos agad kaming umalis sa aming apartment na tinutuluyan. Tumawag kami ng taxi at sinabi ni Chean kung saan kami magpapahatid.
Tahimik lang ako buong biyahe hanggang sa makarating kami sa lugar na papasukan namin. Si Chean na ang nagbayad kay manong.
“Ang laki!!!” sigaw ni Chean matapos nitong bayaran si manong, nakatitig ito sa aming harapan kaya naman napaangat din ako ng tingin at bumungad sa amin ang isang malaking kompanya.
Lockheart Corporation is one of the biggest and well-known company inside and outside of the country. I wonder who is the CEO of this company, I remember that Mr. Lockheart passed his position to his eldest son. I can’t wait to meet our boss!! I don’t know, but when I say boss, my heart began to pound abnormally. Weird.
Pagkapasok namin sa loob, napapatingin sa amin ang ibang mga empleyado. Sino bang hindi, kung magagandang diyosa ang naglalakad, diba? Taas noo kaming nagtungo sa elevator, by the way natanong na ni Chean kung anong floor si Mr. Lockheart, and to my surprise, nasa 99th floor ito. Gaano ba kataas ang building na ito?
“Pag ginamit siguro natin ang hagdanan, sigurado akong aabutin tayo ng isang linggo bago tayo makarating." biro ni Chean.
“Geez, shut up Chean." napatawa lang ito. Pero may punto din naman si Chean. Sa taas ba naman ng gusaling ito, hindi lang linggo, siguro mga buwan? Ay ewan ko nalang, bakit ko ba pinoproblema ang walang katuturang bagay? Ilang minuto ang itinagal at nakarating din kami.
Kung maganda ang paligid sa 1st floor, mas lalo na dito. Parang gusto kong dito nalang magtigil. Pano kaya kung sabihin ko sa boss ko na dito nalang ako? Nah, baka ipatapon niya lang ako sa labas pag ginulat ko siya agad. Baka sabihin niyang feeling close ako.
“Excuse me, is Mr. Lockheart there?” tanong ni Chean sa secretary yata ni Mr. Lockheart.
“Yes maam, do you have any appointment to Mr. Lockheart?” pormal nitong tanong. She’s beautiful, I can say that. And she is too formal, ganito ba talaga lahat ng mga sekretarya?
“Ahm, we’re the new hired workers.” Nakangiting sambit ni Chean. Si Chean lang ang nagsalita dahil wala akong interes na magsalita. Naisip ko kasing sayang iyong laway ko kapag nagsalita pa ako.
“Please come inside maam, Mr. Lockheart is waiting.” Binuksan niya ang pintuan. Akala ko bubungad agad sa amin ang opisina ni Mr. Lockheart pero hindi pa pala, may glass door pa palang bubuksan. Hanip ang high-tech talaga pag mayayaman. Masyadong social itong kompanya. Kompara sa iba na mga manager or assistant iyong magwe-welcome, dito iyong CEO talaga. Nang buksan niya ang glassdoor, doon na bumungad sa amin ang malawak na opisina. Sobrang linis ng paligid at talagang mare-relax ka talaga dito.
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomanceThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...