•°• ✾ •°•
I'm developing feelings
Focusing on my breathing
I'm awake but I'm dreaming
Now I'm falling in love with no warning𝙁𝙀𝙀𝙇𝙄𝙉𝙂𝙎 // Timmy Albert
•°• ✾ •°•
Ikasiyam na Kabanata:
Ang Desisyon"'Uy, nasaan ka kanina?" pambungad na tanong ni Tim sa akin pagkapasok ko sa aming silid-aralan.
"CR. Bakit?" sagot ko sa kaniya.
"Sayang, wala ka. Naaalala mo noong sinabi ko na pamilyar sa akin 'yung pangalang Timaeus?" Tumango ako sa kaniya. "'Yun kasi 'yung pangalan ng vocalist sa bandang pinapakinggan ko recently."
"Behind the Mask?" wala sa sariling bigkas ng aking bibig.
Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko. Kumunot ang kaniyang noo at ipinagtagpo niya ang kaniyang dalawang kilay. Inilapit niya ang kaniyang mukha.
Ramdam ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng aking puso, ganoon din ang nangyaring pagtaas sa aking temparatura.
"Kilala mo sila?" Ramdam ko ang pagtama ng kaniyang hininga na nagpapasakip sa aking dibdib.
"H-Hindi ba sila 'yung nag-perform kanina?"
"Pero hindi nila binanggit ang pangalan ng bawat miyembro nila. Ikaw, ha?" Mas lalo pa niyang inilapit ang kaniyang mukha. Napapikit na lamang ako dahil hindi ko kayang saluhin ang kaniyang tingin sa ganitong distansiya. "Huwag ka na mahiyang aminin. Ang angas kaya nila kaya dapat maging proud ka na nakikinig ka sa kanila."
Dahil hindi ko na kaya pa ang tensyon na nararamdaman ko, mahina ko siyang itinulak palayo at dumistansiya.
"Oo na, oo na," paulit-ulit kong sambit. "Aksidente ko lang silang nadiskubre habang nagba-browse sa SoundCloud."
"Ganda ng tunog nila, ano? Unexpected na babagay 'yung tunog ng oboe sa pop rock genre." Sumang-ayon ako sa sinabi niya. "Nakakapagtaka lamang na si Timaeus ang bokalista nila ngunit babae 'yung kumanta kanina."
"Baka bago nilang miyembro?" sabi ko.
"Siguro nga. Saka ayos lang, mas bagay 'yung boses ng bagong bokalista sa genre nila saka flexible din. Alam niya kung saang parte dapat gaspangan o kaya naman tinisan ang boses niya."
Umakto akong may kukuhain sa aking bag nang narinig ko iyon. Hindi ko kasi mapigilang mapangiti. Para na rin niya kasi akong pinupuri sa kakayahan ko.
"Okay lang sa'yo na siya maging bokalista ng banda?" tanong ko.
"Oo, okay na okay. Bakit mo naman naitanong?" Pinanliitan ako ng mga mata. "Huwag mong sabihin na ikaw 'yun, ha?"
"Huh? Paano mo naman nasabi?" tanong ko.
"Wala, pareho kasi kayo ng sapatos."
Napaaawang ako ng aking bibig. Napansin niya iyon? Hindi na kasi kami nag-abala pang maghanap sapagkat bumagay naman ang sapatos ko roon.
"Co-Coincidence..."
Magsasalita pa sana siya ngunit buti na lamang ay pumasok ang isa naming kaklase upang mag-announce.
"'Uy, may palaro raw sa ground! Lahat daw ng section dapat nandoon," anunsiyo ng kaklase namin. Napatayo naman ang mga kaklase namin na nasa loob ng silid at nagsipila sa labas.
BINABASA MO ANG
Behind the Mask [ ✓ ]
Teen FictionAng Behind the Mask ay isang bandang binubuo ng limang miyembro. Dahil sa kanilang pagiging misteryoso, maraming napukaw ang atensyon at nakuryoso sa kanilang pagkatao. Ngunit hindi lamang sila nakilala dahil sa kanilang tagong katauhan, nakilala ri...