(DISCLAIMER) This is purely a fan fiction. Some are facts but most are make believe scenes. Wag masyadong maulol hahahahaha
Ferdinand POV
1942
Nasa plaza ako, kasama ko si Y/N. Ang ilaw ng buwan at mga bituin na kumikinang sa kanyang napakagandang mukha. Ang mataba niyang mga pisngi at pulang labi. Sa nakalipas na mga taon na siya ang aking kinakasama, hindi ko nakagisnang ma umay sa kaniyang kagandahan.
Ngayong gabi ay magiging parte ng kasaysayan sapagkat balak ko siya yayaing magpakasal.
"Ano?" tanong niya.
"Wala. You're just as beautiful as you were when we first met"
"Hmm, bolero!" Sabay tawa at kurot sa braso ko.
Matagal na kaming magkakilala ni Y/N. Magkalapit ang aming mga pamilya sapagkat isa ding teacher ang kaniyang inay na si Donya Vicenta at ang kaniyang tatay naman na amerikanong businessman, si Don Frank. Isa silang prominenteng pamilya.
Hindi siya masyado marunong mag tagalog kasi lagi niyang kasama ang kaniyang tatay. Mestiza at daddy's girl.
"Let's sit here and talk for a while. Bago ako umuwi" sabi niyang nagka baluktot ang tagalog.
Ito na.
"You have been so quiet lately. May ibig ka bang sabihin, Ferdinand?" dagdag niyang nakangiti at hawak sa aking mga kamay.
"I have been invited to go to the war" una kong sinabi
"Ano?" habang nakasugat ang kaniyang mga kilay na parang hindi niya naiintindihan ang aking sinabi.
--
1954
"Ferdie, ano nanaman iyang iniisip mo at parang napakalalim? Halika na't tinatawag na tayo ni inay" banggit ni Pacifico, ang aking kapatid. Siguro nga't natutulala nanaman ako at kung ano ano ang iniisip ko.
May pupuntahan kaming handaan ng aming pamilya. Nandoon din ang pamilya ni Y/N. Nandoon kaya siya? Kamusta na kaya siya? Matagal ko na siyang hindi nakikita. Namiss niya kaya ako? Mayroon na ba siyang bago?
Kung saan saan nanaman lumilipad ang aking isipan.
"Tara na" Ika ko. Sumakay na sila lahat sa sasakyan at bumyahe na kami.
(party)
Y/N POV
"Asan na ang Filipiniana mo, Y/N?" sigaw ni inay.
"Y/N, the visitors are here. They're expecting you" sabi ni daddy
I have been in front of the mirror for too long. Kakagaling ko lang sa states where I finished my medical degree. This party was meant for my mother's birthday and my homecoming but I didn't really feel any of it. Socializing with people I don't really know.
"Coming dad!" as I ran downstairs
"Careful Y/N, all these young gentlemen who might be for you. Don't act so unlady like"
"Yes dad."
Ako na ay umupo sa gilid habang tumitingin sa mga sumasayaw.
"Balita ko ay dadating daw si Congressman dito" ika ng isang babae
"Isang Ginoo, mayaman, at naghahanap ng mapapangasawa. Hindi ba't giliw ito dati ni-" dagdag niya habang nakatingin sa akin. Bigla siya siniko ng kaniyang katabi.
Sinong Congressman ba itong binabanggit nila?
"Andiyan na ata sila" ika ulit ng babae.