'Madudurog pa ba Ang puso kapag tumigil na ito sa pagtibok.'
Napalingon ako sa paligid ko dahil akala ko may bumulong sa'kin nun pero parang guniguni ko lang ata iyon. Tinanaw ko Ang Lawa malapit lang iyon sa kung saan ako ngayon. Nakatingin lang ako roon at pakiramdam ko ay nasasaktan ako.
'Madudurog pa ba ang puso kapag tumigil na ito sa pagtibok? Sa tingin ko ay Hindi na, kaya Ang buhay kong ito ay Aking wawakasan upang Hindi na muli pang madurog Ang Aking puso.' Sabi ni Arabella habang nakatayo sa Isang bato malapit sa Lawa.
Napahawak ako sa ulo. Ano nanaman Yun? Ang sakit ng ulo ko. Ginugulo ni Arabella Ang utak ko.
'Pasensya na ama, Ina sa Aking gagawin ngayon' sabi Niya habang tinitignan parin Ang Lawa.
Napahawak ako sa dibdib ko aishhh nararamdaman ko Yung sakit na nararamdaman ni Arabella. Pwede bang sarilihin Niya nalang Yung sakit na nararamdaman niya?
"Binibini? Ayos lang po kayo?" Napatingin ako sa batang nag-aalala sa akin. Ang cute Niya pero parang nag tatrabaho lang din siya rito.
"Oo ayos lang ako" Sabi ko sa kaniya at ngumiti, hinimas ko pa Ang buhok Niya. "Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kaniya habang hinihimas Ang buhok niya.
"Ako po si Sita, walong taong gulang. Tagahugas po ako ng pinggan sa inyong Mansyon." Sabi Niya sa akin at ngumiti Naman ako sa kaniya.
"Ang cute mo Naman Sita, ako si And-Arabella wag mo na akong tawaging binibini ku-ate nalang." Ngumiti Naman siya ng malapad. Bumaba Naman ako sa duyan at niyakap siya. Mahilig talaga ako sa bata.
Pinaupo ko siya sa tabi ko at nakipag kwentuhan sa kaniya. Madaldal rin pala si Sita kaya masaya kaming nag-uusap siguro nga nasabi Niya na sa akin lahat mg ganap Dito sa Hacienda noong Hindi pa ako napunta rito. Nasabi Niya rin kung gaano kasungit si Arabella sa mga trabahante Dito at Isang pagkakamali lang sisante agad.
"HAHAHAHA totoo?" Tanong ko sa kaniya habang tumatawa. Kinukwento niya sa akin kung paanong nahulog yung Mayordoma ng Mansyon sa hagdan.
"Opo ate, mabuti nalang po at natulungan agad siya ng ibang mga kasambahay." Sabi Niya sa'kin at napangiwi Naman ako.
"Sana Hindi nalang siya tinulungan deserve Naman Niya Yun, Ang sungit nun eh parang siya may-ari ng bahay." Sabi ko Kay Sita.
"Binibini." Sabay kaming napatingin ni Sita sa tumawag sa akin na si Maria pala. "Pinapatawag po kayo ng inyong Ina may nais raw po siyang ipakita sa inyo." Tumayo ako at tinignan si Sita na parang malungkot Kasi aalis na ako. Pinisil ko Yung ilong Niya at hinimas Ang buhok Niya.
"Mag-uusap pa tayo sa susunod pero sa ngayon kailangan ko nang pumasok sa mansyon. Sige na bumalik ka na sa loob baka hanapin ka ng nanay mo" Sabi ko sa kaniya at ngumiti Naman siya.
Napag-alaman ko kasing Ang nanay ni Sita eh Yung labanderang nakasalubong ko nung Isang araw.
"Paalam po binibini." Sabi Niya sa akin at tumakbo papalayo.
Mag lalakad na sana ako pero napansin kong nakatulala lang si Maria sa tinakbuhan ni Sita kanina. Nag snap ako sa harap niya dahilan para tignan Niya ako.
"Hoy Tara na." Sabi ko sa kaniya at naunang nag lakad.
"Pasensya na po binibini." Sabi niya pa at humabol sa akin.
Hinatid ako ni Maria sa kwarto ni Doña Teresa kasi malay ko ba kung San Ang kwarto Niya.
Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok sa kwarto niya. At pag pasok ko Isang napakagandang wedding dress Ang bumungad sa akin. Napawow nalang ako dahil sa ganda nun.
BINABASA MO ANG
Way Back 1885
Fiksi SejarahSi Andrius ay lalaking nag mula sa kasalukuyang panahon ngunit isang aksidente Ang nag balik sa kaniya sa nakaraan at para makabalik siya sa kaniyang panahon ay kailangan niyang tapusin Ang kaniyang misyon. Magagawa Niya kaya Ang kaniyang misyon? O...