19

148 14 0
                                    

"Bago ko nga pala makalimutan konektado yung banyo sa kwarto ko at sa guest room. Siguraduhin mong ilock yung pinto kung maliligo ka. Iyon lang. Good night."

"Good night."

Kinabukasan maaga ako nagising para ipagluto ng agahan ang mag-ama ko pero bago ang lahat ay pumasok na muna ako sa banyo para maghilamos.

"Woah!" Kumurap ako ng may narinig na boses at nagising ang diwa ko pagkakita sa kanya. "Shit. Nawala sa isip kong nandiyan ka nga pala sa guest room."

"Sorry dapat inaalam ko na muna kung may tao o wala."

"Ayos lang. Kasalanan ko rin naman dahil nawala sa isip ko at hindi rin ako naglock ng pinto."

"Bakit pala ang aga mo nagising?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam kung bakit ang aga ko nagising ngayon tapos 'di na ako makatulog ulit. Kaya tinutuloy ko na muna ang trabaho ko. Eh, ikaw? Bakit gising ka na?"

"Nasanay lang ako magising ng maaga. Bago ko nga pala makalimutan, kung papayagan mo ko na ipagluto ko kayo ng agahan ngayon."

"Ohh... Sure. Balik na ako sa kwarto ko."

Tumango ako. "Salamat."

Iniisip ko kung ano ang lulutuin ko sa kanila pero bigla kong naalala hindi ko nga pala alam kung ano ang paborito nilang pagkain. Wala rin nga pala ako masyadong alam tungkol kay Eve.

"May problema ba?"

Lumingon ako sa kanya. "Nandiyan ka pa pala."

"Pabalik na ako sa kwarto pero napansin kong hindi ka pa gumagalaw diyan sa pwesto mo. May problema ba?"

"Wala naman problema."

"Jas, hindi ako bulag para hindi ko mapansin na kung may problema ka o wala. Sabihin mo na baka makatulong ako."

Bumuga ako ng hangin. "Hindi ko kasi alam kung ano ang paborito niyong pagkain."

"Hm, I see. Ang paborito ni Eve ay pancake na may chocolate syrup pero hindi ko siya masyadong nilulutuan ng pancake dahil paniguradong maghahanap siya ng chocolate syrup. Ayaw ko kasing masamay siya kumain ng matatamis. Tapos ako naman... Hindi ako picky sa pagkain kaya kahit ano kinakain ko."

"Wala bang allergy si Eve sa pagkain?"

"Kahit ang allergy ng sarili mong anak hindi mo alam?"

Umiling ako. "Wala ako masyadong alam tungkol kay Eve. Ang mga magulang ko ang nagalaga sa kanya pero bumibisita naman ako kapag birthday niya o pasko. Ang importante sa akin dati na kilala niya ako bilang ina niya."

"Unbelievable. She has an allergy to nuts. Any nuts and in the dust as well."

"Okay, noted."

At least alam ko na kung saan may allergy si Eve at ngayon iiwasan ko na rin ang kumain ng nuts para hindi rin siya makakain noon.

Pagkatapos ko magluto ng agahan nila ay nakita ko na si Eve pumunta na sa dining at nakabihis na rin siya ng uniform niya.

"Kain ka na muna, Eve habang hinihintay mo dumating ang sundo mo." Alok ko sa bata.

"Dito po kayo natulog, mommy?"

"Yes, dito ako natulog." Sagot ko sa kanya.

"Sayang. Kung alam ko lang po na dito kayo matutulog sana tabi tayo."

Ngumiti ako. "Maybe next time, baby. Ang daddy mo nga pala?"

"Sumilip po ako kanina sa kwarto niya at nakita kong tulog pa rin siya."

"I see. Hayaan na muna natin matulog ang daddy mo."

"Pero baka mahuli po siya sa work."

Ngumiti ulit ako sa kanya. "Hindi siya mahuhuli sa work kasi magpapaalam siya sa lolo mo na mamaya siya papasok."

"Okay po."

"Nagustuhan mo ba ang pancakes?"

"Opo! Sobrang namiss ko po kumain ng pancakes kasi hindi ako pinapayagan ni daddy araw-araw kumain nito."

"Your daddy's right. Baka maumay ka agad kapag araw-araw ka kumakain ng pancakes. Gusto mo ba iyon?"

Umiling siya sa akin. "Ayaw ko po."

Pagkaalis ni Eve ay sakto naman ang punta ni Evan sa kusina.

"Nakatulog pala ako kanina." Sabi niya.

"Sumilip nga si Eve sa kwarto mo kanina at siya pa nga nagsabi sa akin tulog ka kaya hindi na kita inabalang gisingin."

"Nakapasok na ba si Eve?"

"Kaalis pa lang ng sundo niya bago ka dumating dito."

"I see..." Umupo na siya sa harap ng hapag. "Ano na pala ang plano mo ngayon?"

"Sabi ko nga sayo kahapon na babalik ako sa pagiging flight attendant. Gusto ko ituloy matupad ang pangarap ko makapunta sa ibang bansa."

"Kahit anong mangyari ay susuportahan kita sa lahat na pangarap mo, Jas." Nakangiting sabi niya sa akin kaya napangiti na rin ako.

"Thank you talaga. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko mababayaran ang kabaitan mo, Evan."

"You don't have to pay me. Sapat na sa akin ang makitang masaya si Eve dahil kasama ka niya."

Tumabi ako sa kanya at hinawakan ko ang pisngi niya saka hinalikan sa labi nito. "Kaya siguro ikaw ang pinili ng puso dahil sobrang bait mo."

"Ganito ako pinalaki ng mga magulang ko, Jas. Ang mabait sa kapwa ko." Sabi niya sabay subo sa pancake na kinuha niya. "Hmm... Ang sarap nito ah."

"Umiinom ka ba ng coffee? Ipagpapatimpla kita."

"Nah, I'm fine. Kahit tubig lang okay na sa akin at saka hindi mo naman ako kailangan pagsilbihan."

"Sorry, nawala sa isipan ko na wala na pala ako sa puder ni Brent. Palagi ko kasi siya sinisilbihan bago pa siya pumasok."

Kunot noo siyang tumingin sa akin. "Hindi ako ang ex husband mo, okay? Kaya huwag mo kong ikumpara sa kanya."

"I know. Sorry talaga."

Nagasikaso na ako bago pa matapos kumain si Evan para siya na yung sunod pagkatapos niya dahil dederetso na rin siya sa trabaho pagkatapos namin sa doctor. Gusto ko rin kasi malaman kung buntis nga ba talaga ako o hindi.

"Umaasa ka bang magkaroon ulit ng anak sa akin?" Biglang tanong ko habang mamaneho siya.

"Di masyado."

"Hindi ka masyado umasa? Bakit?"

"Ayaw ko ang masaktan kapag umasa akong buntis ka tapos hindi naman pala."

Tama naman siya. Kahit rin ako hindi umaasa na buntis ako. Ang pagsusuka ko siguro kahapon baka may nakain ako na hindi ko nagustuhan ko or something.

"Marami pa namang panahon kung nakumpirmang hindi ka buntis. Hindi naman ako nagmamadali na magkaroon kaagad ng kapatid si Eve." Dagdag niya.

Pagkarating namin sa clinic ay wala masyadong pasyente kaya hindi kami ganoon katagal naghintay. Nang tawagin na ang pangalan ko ay pumasok na kami ni Evan sa loob. Laking gulat ko sa sinabi ng doctor na buntis nga talaga ako.

Tumingin ako kay Evan at nakatimgin pala siya sa akin. "You're pregnant..."

"Para naman hindi ka naniniwalang buntis nga ako."

"Yes, I'm totally shocked. Magkakaroon na ng kapatid si Eve."

My Secret RomanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon