Chapter 20: Intertwining Hands

91 10 5
                                    


Song played: Beautiful Savior by Planetshakers

Read in the Bible: John 3:16


"Grabe, oh. Ilang ano 'yan?" Napangiwi si Ravi habang tinitingnan ang binti ni Yandiel na mas nangingiwi na ngayon. Binalot ko ng towel ang ice candy na binili ni Don at marahan na idinampi sa mga pasa niya.

"Ah," mahinang daing niya kaya mabilis kong itong inalis upang maghinay-hinay.

Maaga pa at wala pang nananatili sa gym sa ngayon, maliban sa ibang basketball players. Cold compress is best way to treat bruises. I don't know what's that ointment he used that day he invaded the female comfort room just to heal mine.

"What happened?" nagtatakang tanong ni Don kaya unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Anong klase ba yung sumuntok sa'yo? Bakit sa binti?" dugtong niya.

Yumuko ako at hindi nagsalita, ganun din ang mga kasama namin. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko kay Yandiel. It's from the fraternity, of course. Aiden explained about it when Don and Ravi is finding an ice. Paddle, it's the thing they hit a member as a punishment when they failed to do their responsibility.

"Hindi mo na kailangan sagutin, alam ko na pala."

Nakita kong natigilan si Yandiel at mariin na pinagdikit ang labi. Nanatili itong nakayuko at hindi sinagot si Don. When I looked at my cousin, he looked so sure that he's actually right, no one would do this thing other than fraternity hazing and my cousin knows fully about it.

"What's inside your mind that you thought of joining that kind of stupid organization. You said you want to study that bad. It'll waste your time without contributing anything towards your future," sermon ni Don kaya napaawang ang aking bibig, napansin ko ang kaunting iritasyon na may halong pag-aalala sa kanya.

Inikot lang nito ang paningin at kinuha ang bag sa benchers na inuupuan namin. "Pumasok ka ngayon. Kahit mapilay o mamatay ka na, basta pumasok ka."

"Pupunta ba 'ko rito kung hindi ako papasok?" malamig na sabi ni Yandiel at pinagmasdan si Don pabalik. They both glared at each other.

Isinilid ni Don ang kamay sa magkabilang bulsa at naghanda na paalis. Nginuso niya ang isang lalaki taga-engineering na nagtutulak ng wheelchair kaya napanganga kaming lahat, sabay na malakas na nagtawanan sila Aiden at Ravi kaya agad akong narindi.

"Ano 'yan?!"

"Sige na, Yandiel. Sakay na."

I giggled and just watched them pursuing him to ride the wheelchair. Iniwan ko na sila matapos nilang mapapayag yung isa, saglit pa akong inutusan ni Ravi na picturan si Yandiel na nakaupo sa wheelchair bago ako tuluyan nang umalis.

"Class, naiintindihan ba?"

Pasimple akong napakamot sa ulo at hinabol ng sulat ang nasa slide ng powerpoint ni sir dahil ang bilis niyang ilipat. Napatingin ako sa kaklase kong patagong kinukuhanan ng litrato ang nasa projector. Oo nga naman. Kaya lang malabo yung akin at mauubusan agad ng memory, maliit pa at keypad lang.

Wala sa sarili akong napatingin sa akin cellphone at saktong may nakita na nag-text roon. Una ay kay mama na mabilis kong nireplayan. Nagtaka ako sa sumunod. Kaninong number 'to?

+63**********

Nsa syu b bimpo ko

Nalukot ang mukha ko.

+63**********

Yandiel  e2.

"Ah!" bulong ko at mabilis na nagtipa ng reply dahil nasa akin nga ang puting bimpo niya na ginamit namin kanina. Tinago ko ang cellphone ko sa loob ng bag habang nagtitipa.

Covenant in the WildernessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon