Halos hindi makapaniwala sila Law, Jake lalo na si Raze ng makita nila ang pagbabago ng ayos ko.
"Hahahaha maniwala? S-si Aisla ikaw? Eh ang ganda ganda mo tapos----" biglang siniko ni Law si Jake sa tagiliran para hindi na ituloy ni jake ang kanyang sasabihin.
Muli kong tiningnan si Raze na hanggang ngayon ay tulala paring nakatingin sa akin.
"Loveee" tinig ng isang babaeng tumatakbo patungo sa direksyon namin.
Ang girlfriend 'kuno'ni Raze..
Muling nagising ang diwa ni Raze ng hawakan ng girlfriend niya ang braso niya.
"Hello, are you a transferee?" maging ang babaeng ito ay hindi ako nakilala.
"Let's say I'm the granddaughter of the owner of this school" sabi ko atsaka ko siya tiningnan mula ulo hanggang paa.
"Ohh!! hello I'm Yumie Vinuex" pagpapakilala niya sa kanyang sarili atsaka niya inilahad ang kanyang kamay, tinitigan ko lang ito ng matagal at wala akong balak abotin yun.
"Well Rynx kailangan ko ng pumasok sa Room natin, mauna na ako sayo" sabi ko atsaka ko ulit tiningnan sila Raze pati si Yumie na tila nadismaya, at dahan dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay.
Pagkatapos kong magpaalam kay Rynx ay naglakad na ako patungo sa room namin.
Halos lahat ng mga mata ng mga estudyante ay nakatingin sa akin na tila ngayon lamang nila ako nakita.
Hindi pa ako sanay sa ganitong eksena ngunit sa tingin ko ay kailangan ko ng masanay.
Hindi na ako ang dating Aisla na nerd.
Pagkapasok ko sa Room namin ay nakatingin silang lahat sa akin.
"Siya ba ang visitor natin today?"
"Ang ganda niya ah at ang sexy pa"
"Omg, goddess"
Napangiti ako dahil sa pagpupuri nila sa akin.
Ngayon ko lang naranasan maging mata sa mata ng ibang tao. Ang sarap pala sa feeling na may nagagandahan sayo.
Uupo na sana ako upuan ko ng pigilan ako ni Xylene.
"Hindi na available ang upuan na yan" seryosong sabi nito sa akin.
Gusto kong matawa dahil hindi ako nakilala ni Xylene.
"Gumanda lang ako ng kaunti hindi mo na ako nakilala, nakakatampo ka naman best" sabi ko habang nakanguso, bahagya namang napakunot ang kanyang noo at tiningnan niya ako from head to toe.
"O..M..G!! Aisla is that you?" hindi makapaniwalang sabi ni Xylene at hinawakan pa talaga niya ang mukha ko. "Mygossh! Anong meron at ibang iba ang aura mo ngayon?" bahagya akong natawa dahil sa sinabi ni Xylene.
"Wala lang, inayusan lang ako ng mommy ni Rynx" napataas naman ang kilay niya ng banggitin ko ang pangalan ni Rynx.
"C-close ka sa mommy niya?" nauutal niyang sabi.
"Oo hahahaha ang bait nga ng mommy niya eh" nakangiti kong sabi.
"Ahh buti pa ang mommy niya mabait eh siya suplado, manang mana sa kaibigan niyang manloloko!" takha naman akong tumingin kay Xylene dahil sa sinabi niya.
Hmm bakit niya nasabing suplado si Rynx? Eh parang hindi naman, kasi sa paraan ng pakikitungo sa akin ni Rynx napaka caring niyang tao at gentleman pa at napaka sincere ng pakikitungo niya, unlike sa kaibigan niyang hindi malaman kung demonyo ba o tao. Char.
BINABASA MO ANG
Tears Of Sorrow
Ficção AdolescenteMeet Aisla Xyceria a nerd student from Saint Brilliant International School, a smart student and reliable of all, she is very kind but shy, her parents had a lot of trust on her, but this trust was broken by unexpected circumstances that she could e...