Chapter 25

296 16 0
                                    

Third Person's POV

BUHAY SYA!!!

Napiga ko ang hawak kong baso dahil sa naiisip kong iyon,Paano nangyaring buhay ang tagapagmana?paano sya nakaligtas?

"Ma'am here's your drink"tinanggap ko ang wineglass na puno ng alak,hanggang ngayon ay hindi ko parin lubos maisip na hindi ko nadispatya ang batang iyon.

"Anong plano mo?hawak ni Mathilda ang bata,hindi mo sya basta-basta makukuha sa kanya"nilingon ko ang nagsalita.

Tama sya,hindi ko basta-basta magagalaw ang batang iyon.

"Sa ngayon,wala.Manmanan nyo ang batang iyon,magagamit natin sya sa susunod."sagot ko.

Kailangan kong malaman kung paano sya nabuhay sa insidente.

"Mapapasakin rin ang bilyonbilyon ng mga Lexington,abot kamay na kita......





















Emerald."

Yash POV

Nagising ako dahil sa kung anong bangungot na nangyari sa akin,nasa kalagitnaan parin kami ng byahe at hindi ako mapakali dito sa kinauupuan ko.

Bakit parang sariwa pa ang insidenteng yon?bakit bumabalik sya sa isip ko?

Flashback

"Makinig ka sakin---hindi ko marinig ang pangalan ko ngunit boses ni mama ang naririnig ko.

"Tumakbo ka,iligtas mo ang sarili mo."
Bilin nya.Tinapik nya ang pisngi ko kaya bahagya akong dumilat.Amoy.....sunog?

"M-mama....nasan tayo?natatakot ako"
Sagot ng isang batang babae na puro pasa at madungis.Ako ba to?

"Kailangan mong iligtas ang buhay mo anak,may naghihintay sayo......hinihintay ka nya"sinong nya.

Hindi ko maibuka ang bibig ko,nanatili itong tikom habang pinapanuod ang bawat ganap na nakikita ko.Tanging luha lang ang patuloy na pumapatak sa akin.

Ito...ba yung nangyari 8 years ago?

"Anak,anak makinig ka"hinawakan ni mama ang mukha ng bata.

"Iligtas mo ang sarili mo,patawarin mo ang mama sa lahat ng ginawa ko sayo"

Umiiyak sya.Anong ibig nyang sabihin?

Itinulak nya palabas ang bata,
at hindi ko inaasahan ang sunod na makikita ko.

Sumabog ang kotse.

Kasama ang mama ko.

"Mahal na mahal kita...............felicity."

'Mahal na mahal kita felicity'

'Mahal na mahal kita felicity'

'Mahal na mahal kita felicity'

End of Flashback

"Yash?"bumalik ang diwa ko dahil sa pagtapik ni bryce sa mukha ko,ngayon ko lang napansin na nakahinto ang van at lahat sila ay nakatingin sa akin.

"B-bakit"tanging nausal ko.

"Are you okay,Yash?"nag-aalalang tanong ni tita.

Tumango ako at ngumiti ng pilit,ayokong masira ang araw na ito dahil lang sa bangungot na yon.

Bangungot...

Naalala ko bigla ang pangalang sinambit ng mama,felicity?pamilyar ang pangalan na iyon.

Pero sino si felicity?

"Sure kaba yash?wala bang masakit sayo?"tanong ni zilester.

"A-ayos lang ako,ano ba kayo"
Pabirong sagot ko.

Nilingon ako ni tita at tito,"sure ka ha?sabihin mo nalang kung may masakit sayo"nag-aalalang ani ni tita.

Tumango ako at ngumiti.

Bumalik na kami sa byahe,tiningnan ko ang relo ko.Almost 2 hours na pala kaming bumabyahe at malapit na ang tanghalian.

"Malayo paba tayo?"tanong ko kay bryce.

Nagkibit balikat sya,"i don't know."

Binaling ko nalang ang tingin sa daan,
Hanep kausap.tsk.

Ipinikit ko ang mata ko,sana naman wala nang bangungot ano?

"Andito na tayo!!!!"idinilat ko ang mata ko.

WAOooooOoooOooo!!!!

Napanganga ako dahil sa nakita ko,grabe resort lang ata nang mga mayaman to.

"Anggandaaa!!"i giggled.

Nagsimulang magsibabaan ang mga kasama ko habang nakadungaw parin ako.

Hindi ba ako haharangin ng guard?mukha akong pulubi para dito.

"Dyan kalang ba?"nilingon ko ang nagsalita.Si akihiro.

Umiling ako at ngumiti,lumabas ako sa van at kinuha ang mga gamit ko.

Tiningnan ko ang kabuuan ng resort.
Sa labas palang maganda na,ano pa kaya ang loob?Myghad lolabells.

ASHLEY'S HOTEL AND RESORT

Naglakad kami papunta sa entrance,binati kami ng mga guard doon.

"Welcome to Ashley's Hotel and Resort,enjoy po!"masiglang bati nila.

Pagpasok namin sa loob,hindi ko mapigilang hindi mamangha.Grabe!

"Magbbook muna ako ng room,dito muna kayo."bilin ni tito.Tumango kami at hinayaan syang pumasok sa hotel.

Patuloy ako sa pagmamasid hanggang sa may makita akong isang lalaki na mukhang papalapit sa amin.Topless sya at medyo may katangkaran,tiningnan ko ang bandang itaas na parte ng katawan nya.Shet!tsar---

"Aray!inaano ba kita?!"
Tiningnan ko ng masama si bryce habang hawak-hawak ang likuran ng ulo ko.

"Tsk.Bakit ganyan ka kase makatingin sa lalaking yon?"balik na tanong nya.

"Pakealam moba!tsaka bakit ka namamatok ha!"singhal ko.

Aamba na sana ako para gumanti nang biglang humarang si zilester at dawn,
"Easy,pumunta tayo dito para magrelax okay?"inirapan ko si dawn bago ibalik ang tingin ko sa magandang view kanina.

Nanlumo ako dahil hindi kona nakita ang magandang view.Sayang!

Napasibangot ako at muling hinarap si bryce,"nawala tuloy yung magandang view,epal ka kase"paninisi ko.

Tanginang irap lang ang isinagot nya,tse!bakla!!

Nag-antay pa kami ng ilang minuto sa labas hanggang sa natanaw ko na ang mag-asawa na papalapit sa amin.

"Let's go,kids.Iwan muna natin ang mga things natin sa room,and eat muna tayo"
Tumango kami bago sumunod sa kanya.

"Sayang talaga yung view kanina"
Bulong ko habang bored na nakatitig sa elevator.

"Tsk.May magandang view karin na makikita mamaya,just wait."
Bulong sa akin ni bryce.

"View mo mukha mo,baka mamaya puro taba at bilbil lang meron ka"
Sagot ko.

Tiningnan nya ako at bahagya syang ngumisi,"wala naman akong sinabi na ako yung magandang view na makikita mo mamaya,are you expecting na ako yung view?"inirapan ko sya.

"Wala naman akong sinabi ah"
Sagot ko.

Nageexpect talaga ako hihihihi..









An:Namiss ko magupdate,sorry natagalan hahahahaha!medyo busy lang.

Please vote,guys!!!

The Lost Heiress(On-going)Where stories live. Discover now