Wade's POV:
Kinaumagahan ay ang paghahanda ni Natasha sa kanyang pres conference na magaganap sa kanyang opisina. Hindi ko lubos akalain na itutuloy niya talaga ang prescom dahil ang buong akala ko ay nagbibiro lamang siya. Pero nalaman ko rin kalaunan ay naghanda na siya, kinakabahan ako pero may tiwala ako sa kanya. Ang sabi ni Mommy ay pupunta daw sina Tita doon at ganoon rin kami.
Hindi ko kasama si Natasha dahil nandoon siya sa mansyon nila para makapaghanda, there's something weird about her actions, dahil nitong nakaraan naabutan ko siyang umaalis ng condo unit at pupunta sa kung saan. Sinabi niya na wala lamang 'yun pero nag-aalala ako dahil madaling araw siya umaalis.
"You ready?" pagtatanong ni Daddy habang nag-aayos ng necktie niya.
Inayos ko ang buhok ko at ang relo ko bago sumagot. "Yes, Daddy. Ang sabi ni Natasha she needs our presence and as her boyfriend I need to support her on what she doing," sambit ko.
"Hmm. You're so matured now and I couldn't believe that one of the heir of Martinez tame you," natatawang sambit niya.
"The power of Natasha Martinez," natatawang sagot ko.
Bumaba kaming dalawa at naabutan si Mommy na kinukulot ang kanyang buhok habang may nag-lilinis sa kanyang paa. Tinignan ko rin si Kuya na karga na si Troy at mabuti na lang rin ay nagka-ayos na silang dalawa. Ngumiti ako kay Troy at ginulo ang buhok niya kaya napasimangot siya.
"Honey, matagal pa ba 'yan?" Si Daddy habang nakahalukipkip sa gilid ni Mommy.
"Oh, shut up. Malapit nang matapos ito," masungit na sambit ni Mommy. "Oh, there you are tapos na rin. Thank you," dagdag niya sa masayang boses.
Napailing nalang ako sa kanila at hindi nagtagal ay lumakad na kami sa family car namin. Inayos ko ang polo ko at tumingin sa labas ng bintana, sa Mindoro pa ang opisina ni Natasha kaya naman malayo pa ang byahe namin papunta doon.
"Nandoon na daw sina Tristan at hinihintay nalang ang media," imporma ni Daddy.
"Paniguradong dudumugin ng tanong si Natasha, kaya ikaw, Wade dapat naka-alalay ka sa kanya lalo pa't buntis ang girlfriend mo," si Lolo sa seryosong boses.
"Yes, Lo," sambit ko na ikinatango niya.
Nakarating kami sa tapat ng building ni Natasha. Bumaba ako suot ang shades ko habang inaalalayan si Lolo sa pagbaba sa kotse. Tama nga si Daddy dahil madaming media sa labas, inalalayan kami ng security guard at nakilala ko ang mga pawang mga nakaitim dahil tauhan ni Natasha ang mga ito.
"This way," sambit ni Blue, ngayon ko lamang nakilala ang mga tauhan ni Natasha.
Maraming tanong ang binato sa amin ng media. Kaya yumuko ako dahil ayoko sa ilaw ng camera at mabuti na lang rin ay nakasakay na kami sa elevator. Bumuntong hininga ako at inayos ang nagusot kong polo, tahimik kaming nakarating sa mismong opisina ni Natasha.
"We're here..." Si Mommy at inayos ang dress niya.
Lumakad kami at nakita ko na kaagad si Natasha. Wearing a brown halter dress, brown ankle boots, and nakamessybun ang kanyang buhok. Lumakad ako papunta doon at hinalikan ang pisngi niya bago bumati kina Tito at Tita.
"Doon tayo sa meeting room dahil hindi tayo kakasya dito," sambit ni Natasha.
"We will start at 10:30 am dahil hinihintay pa ang buong media na makapasok dito," si Tita sa kalmadong boses habang nakaupo sa sofa.
Tinignan ko si Natasha at hinawakan ang baywang niya, nakinig kami sa pinaguusapan nila Tita. Aniya marami daw ang manonood sa amin at ang pag-uusapan daw ay ang tungkol sa issue years ago. Handa akong sumagot sa kanila at wala akong palalagpasin pa.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 3: Chasing The Heiress
AcciónBecause of her combat prowess, Natasha Veronica Martinez is referred to as a mystery lady. Her organizers dubbed her a "phantom" in the morning and a basic architect in the evening. She makes a mistake because when she returns, the man she once love...