Chapter 6

663 22 0
                                    

Chapter 6

Nang makalapit na ako ng tuluyan sa kanilang kinaroroonan. Napatigil sa tawanan ang kaniyang mga kaibigan. Lahat sila’y napatingin sa akin.

“*whistle* Who’s this beautiful woman?” may pasipol-sipol pang nalalaman itong isang ito, kung baga playboy. Ito yong nagsabi kay LNAP noon na nice catch.

“What do you want miss?” sambit nman nung isa, sungit naman.

“What are you doing here, Miss Clumberge?” tanong naman ng isa, nakataas ang mga kilay nito habang naka cross-arm.

“Hello there." kinagat ko ang aking labi habang ang aking atensyon ay na kay LNAP.

“Woah, ikaw pala ang pinuntahan nito Zwane.” napansin nung isa ang pagtitig ko kay LNAP, kaya kinatwayan agad niya ito.

“If you don’t mind. You can go back to your place now.” kita niyo na. Hindi man lang nagpaka gentleman. Hindi man lang ako inalok ng upuan o tumayo man lang at alalayan ako.

“I-I’m drunk.” pagkukunwari ko, gumewang ako ng konti habang patungo sa kaniya. Mas maganda yong may pag gewang effect para makatotohanan talaga.

“Then-“ hindi ko pinatapos ito sa pagsasalita. Madali akong umupo sa kaniyang hita at ipinulupot ang aking mga braso sa kaniyang leeg.

Narinig ko ang pagsinggap at pagsipol ng mga kasamahan nito. Sino nga ba ang hindi? Kung sobrang ganda ko. *flip the imaginary hair*

“Y-You’re so handsome.” bulong ko dito. Mas inalapit ko pa ang aking bibig sa kaniyang tenga at kinagat ito.

Naramdaman ko ang paninigas nito sa kaniyang upuan. Oyyy, ngayon lang ba siya naka experience ng ganito? Isinandal ko ang aking ulo sa kaniyang balikat. Ang bango ng kaniyang pabango. Sininghot ko ang pabango nito. So manly. Bakit ba inaantok ako sa pabango niya? It's calming. Hmmph, nakakaantok talaga.

Naramadaman ko ang paghawak ni LNAP sa magkabila kong braso. Mas hinigpitan ko pa ang pagpulot ko sa kaniyang leeg. Minsan lang ito kaya hayaan niyo na akong magpakasasa. Nakakanatok talaga.

Ilang sekundo lang, at tuluyan na ngang bumigat ang talukap ng aking mga mata hanggang sa makatulog.




Ellaine's Point of View

Napailing nalang ako ng makita ko ang malandi kong kaibigan na natutulog na yata. Seriously? Yon ba ang tinatawag niyang pang-aakit?

Sumulyap ako sa mukha ng boss nito. Hindi maipinta ang mukha, at tila naiinis pa. Aba, jockpot na kaya yan, pakipot masayado ang lalaking ito.

“Hahahaha, akala ko mg live show, yon pala matutulog lang at sa kandungan pa talaga ni Zwane.”

“Takte! Hahaha hanep ang babaeng yan.”

Seducing My Boss (Seducing Series #1)Where stories live. Discover now