Chapter 7
Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa akin. Hmmm, kailan pa natatamaan ang kwarto ko ng sinag ng araw? Pilit kong ibinuka ang aking mga mata at ang puting kisame ang unang bumungad sa akin.
Bakit ibang amoy na itong naamoy ko ngayon? Bangong pang lalaki? Wait, inilibot ko ang aking paningin at bigla nalang akong napabangon dahil sa gulat ng mapagtanto kong hindi ko kama itong hinihigaan ko.
“Kyaaaahhh!” napasigaw ako ng wala sa oras, tinakpan ko ng kamot ang buo kong katawan. Nasaan ako? Anong nangyari kagabi? Hindi naman siguro ako nalasing ng husto diba?
“Aray.” Napahawak ako sa aking sentido ng bigla itong kumurot. Geeez, ano bang nangyari? Pilit kong inaalala ang lahat ng nangyari hanggang sa bigla nalang nag flashback lahat ng nangyari kagabi.
“Gosh, nakakahiya yong ginawa ko!!” maktol ko sa aking sarili. Bakit nagawa ko iyon? Waahh, kumandong talaga ako sa hita niya at natulog? At ito pa ang isang kahihiyan, nandoon ang kaniyang mga kasamahan!!!!
Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa sobrang inis. Si Ellaine, tama. Siya ang kasama ko kagabi, bakit niya ako hinayaan? Ano-
“So, your awake.”
“Ay kabayong kalbo!” napatakip ako sa aking bibig.
“That's odd. It's my first to hear that." napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, napalunok ako ng makita si LNAP na nakasando ng puti habang nakasandal sa hamba ng pintuan. Bakit ang hot niyang tignan? Umagang-umaga may ulam na nakahanda.
“You’re drooling.” bigla akong natauhan sa sinabi niya.
“A-ano? H-hindi hah.” Sabay iwas ko ng tingin sa kaniya.
“Get up. You should eat.” sabay alis nito. Nagmadali akong bumaba sa kama upang habulin ito.
“Wait lang.” hinabol ko ito. Ang bilis niya namang maglakad.
“Faster.”
“Heto na po.” bumaba kami ng hagdanan. Sa pagbaba namin, binati kami ng mga katulong.
Hindi man lang ito huminto, nagpatuloy lang ito sa paglalakad kaya nagmamadali na naman akong sumunod dito. Bago kami nakapasok sa dining area, naamoy ko na mula dito sa kinatatayuan ko ang mabangong umagahan.
“Tsk, take your sit. I think any minute, you will transform into werewolf.” hindi ko na siya pinakinggan pa at diretsong umupo at nagsandok ng pagkain. Dali-dali kong tinikman lahat ng putahe na nasa hapag.
Grabe, ang sarap naman ng lahat ng ito. Parang biglang nawala ang sakit ng ulo ko kanina, kahit wine lang yong ininom ko kagabi, malakas parin ang tama nito sa akin.
“Eat properly, no one will steal your foods.” napatigil ako sa paglamon ng marinig ang boses ni LNAP.
Bigla akong natauhan sa aking pinang gagawa. Ngayon lang ako tinubuan ng pagkahiya sa katawan.
“Hehehe, bossing. Nung gabi bang iyon. Wala bang lumapit na babae sa atin na nagngangalang Ellaine?” nahihiya kong tanong.
Nagtaka ako ng hindi ito sumagot.
“You’re behavior is unforgivable.” Mariin nitong sambit.
Napapout nalang ako sa sinabi niya. Bakit ang manhid niya? Hindi niya ba alam na todo effort ako kagabi. Ginawa ko lang naman yon para mapansin niya ako.
“I can send you out on that restaurant if you didn’t sleep.”
Ang sama ng tingin nito sa akin, kung nakakamatay lang ang tingin tiyak akong nakabulagta na ako ngayon.
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
Любовные романыThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...