Chapter 8

635 13 0
                                    

Chapter 8

Nasa harapan na ako ng opisina ni LNAP. Huminga ako ng malalim bago pumasok.

Bakit ba kasi dadalawa iyong pintuan niya patungo sa loob ng opisina? Tsk, yan tuloy nauntog ang noo ko. Napahimas ako sa aking noo habang papasok sa loob.

“Pinapatawag niyo daw ako boss?” kinagat ko ang pang ibabang labi ng matanaw ko si LNAP na sobrang busy sa kaniyang mga papeles.  Nakakunot ang noo nito, magulo ang buhok at nakabukas ang dalawang butones ng polo. Damn, bakit ang hot-hot niya parin?!!!

Jusko po, baka maakit ako ng tuluyan sa kaniya.

“You forgot your bag in my house.” Yon lang ang sasabihin niya, dahil lang sa bag na naiwan ko?!!Este, nasa kaniya pala ang bag ko. Akala ko talaga naiwan ko ito sa restaurant.

“Yon lang po ang dahilan kaya pinapunta niyo ako dito, boss?” pag kompirma ko dito.

“No.” sana pala hindi na ako nagtanong. Baka ugkatin na naman niya ang nangyari kaninang umaga.

“Ano pa po ang sasabihin niyo?”

Itinigil nito ang ginagawa. Tumingin ito sa akin, bakas ang kaseryosohan sa mukha nito. Heto na, heto na talaga. Humanda kana na pagalitan Raye.

“You will be my assistant for awhile while Ms. Kang is away.” Napanganga ako sa sinabi nito.

“Ano?!!!” gulat kong sigaw. Napakunot ang noo nito sa pagsigaw ko ng malakas.

“Is that how you behave in front of your boss?” sarap niyang iuntog sa pader.

“S-sorry boy.” Hindi ko talaga maintindihan ang isang ito.

“Boy?” ano ba yan, mukhang nadulas na naman ang bibig ko. Boss dapat yon, hindi boy.

“You should changed your attitude, being my assistant for a meantime, you should act formal.” Napalunok ako sa sinabi niya. Magagawa ko ba yon? Ayaw ko pang maging robot!!!

“Hindi po ba ako pormal?” umiling ito sa akin. Oyyy, normal na tao kaya ako.

“I don’t like your attitude, you should control it. Just show that attitude of yours if you are not in the company or in workplace” Napapout ako sa sinabi niya.

“Ayaw ko pong maging assistant niyo.” Ang hassle kaya ng pagiging assistant. Kung nasaan siya dapat nandoon din ako. Ibig lang sabihin nun, puro mga robot ang makakasalamuha ko. Pero, mukhang masaya naman ang pagiging assistant dahil baka may mga artista akong makakasalamuha sa mga party na pupuntahan niya.

“You can’t say no. This is your punishment for what you’ve done lately.” Napasinghap ako sa sinabi niya.

“You-“

“Don’t talk. Just do what I say. I will asked Danica’s help to teach you how to act formally.” Gusto ko yatamg suntukin ang isang ito.

“You-“

“You may go.” At ibinalik na niya ang kaniyang atensyon sa mga papeles.

Padabog akong lumabas ng kaniyang opisina. Argh, saan ba kasi nagpunta yong sekretarya niyang malandi?!!!

Bumalik ako sa aking upuan na bad  trip ang mukha.

“May nakaaway ka ba?” tanong ni Chean.

“Hindi lang nakaaway, baka nakasuntukan.” Inis kong usal.

“Huh? Nagsuntukan kayo ni Mr. Lockheart?” sinamaan ko ito ng tingin.

“Wala kang kwentang kausap Chean.” Bad trip na nga ako mas pinalala niya pa.

Seducing My Boss (Seducing Series #1)Where stories live. Discover now