Chapter 10

667 16 0
                                    

Chapter 10

“Ahhhh!” bigla akong mapabalikwas ng bangon dahil sa sigaw na yun, dali-dali akong tumayo at tinungo ang labas ng aking kwarto.

“Anong nangyayari? May sunog ba? Bakit ka sumigaw?!” bungad ko pagka labas ko palang sa kwarto.

“Bwahahahahahaha.” Napahinto ako sa paglalakad ng bigla itong tumawa.

Tumingin ako sa babaeng katabi niya at napakunot ang aking noo ng  makita si Ellaine.

“Ellaine!!!” sigaw ko sa kaniya at dali-daling tumungo sa kaniyang kinaroroonan para sana batukan ito ngunit bigla siyang nawala sa harapan ko kaya ang naging resulta, nauntog ang aking noo sa pader.

“Aray.” Napapout ako habang hinihimas ang aking noo na humalik sa pader.

“Ang daya! Paano ka nakaalis ng ganun kabilis!” reklamo ko sa kaniya, tinawanan niya lang ako.

“Secret.” Sabay kindat nito sa akin.

“May atraso ka pa!!” sabay duro ko sa kaniya.

“Wait lang nga. Di ko kayo gets. Out of place yata ako dito.” Nakapamewang na sambit ni Chean.

“Hahaha, buti pa Chean asikasuhin mo muna yong niluto mo, may sasabihin lang ako kay Raye kaya napadaan ako.” Umirap lang si Chean at nagdadabog na umalis sa aming harapan.

Umupo kami sa may sofa.

“Err. Hindi ka ba maghihilamos man lang? Tapos wala ka pang ligo, yong buhok mo parang pupunta na yata sa kabilang mundo.” Nakangiwi nitong sambit. Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi niya.

“Waaahhh! Bakit di mo sinabi agad?!!” dali-dali akong tumakbo pabalik sa kwarto ko, narinig ko ang malakas na tawa ni Ellaine sa labas.

Yong bruhang iyon, naku sarap niyang itapon sa Mars kung di ko lang siya kaibigan, ginawa ko na ito.
Nagtungo ako sa banyo, humarap sa salamin at napanganga nalang ako sa aking nakita.

“Tao pa ba ako?” tanong ko sa aking sarili habang nakatingin sa aking hitsura. May panis na laway sa gilid ng labi, may muta pa sa mata at magulong buhok. Yuck, para akong batang pinabayaan ng magulang!!!

Naligo ako at nagbihis ng damit. Wala namang damit na sinabi ni bossing na dapat kong suotin kaya kahit ano nalang ang isinuot ko. Matapos kong ayusin ang aking sarili lumabas na ako at bumalik sa kinauupuan ko kanina.

“Bakit mo pala ako iniwan nung gabing iyon?” tanong ko kaagad kay Ellaine na busy sa kaniyang selpon.

“Para magkaroon kayo ng oras sa isat-isa.” Yan lang ang isinagot niya.

“Weh? Talaga? Eh parang hindi ako kumbinsinado.” Huminto ito sa pagtitipa sa kaniyang selpon at tumingin sa akin.

Binigyan niya ako ng ngiting kakaiba sa lahat. Ngayon ko lang nakita ang ngiting yan.

“Anong balak mo sa akin?” kinakabahan ako sa ngiting yan.

“Mukhang may hindi ka sinasabi sa akin.” Naningkit ang aking mga mata sa sinabi niya.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Tsk, being an assistant of Mr. Dazton Zwane Lockheart.” Sabay irap nito.

“Ano namang meron dun?”

“Ang hina mo talaga kaya di ka napapansin nung lalaking nakakandado ang puso ika mo nga.”

“Pwede ba, diretsuhin mo na ako.” Ayaw ko yong nagpapa suspense pa.

“This is your good opportunity para magawa mo ang plano mo, seduce your boss while you are his assistant.” Bigla yatang nag loading sa aking isipan iyong sinabi ni Ellaine.

Seducing My Boss (Seducing Series #1)Where stories live. Discover now