Chapter 12
Raye, huminahon kalang. Huwag kang magpahalata na nararamdaman mo iyong sandata, okay? Good.
Naging maganda ang pakikitungo ng mga kaibigan ni bossing sa akin. Hindi ko akalain na mababait pala sila kahit na may pagkaloko rin. Hindi na rin ako naging malikot habang nakaupo sa kandungan ni bossing dahil baka mas lalong magalit ang sandata nito. Nag-iingat lang ako, nandito pa naman kami sa restaurant.
Matapos naming mag-usap-usap.
Nagpaalam na mga mga ito habang kami naman ni bossing ay nanatili lang sa aming posisyon.“Get off.” Hindi ako sumunod sa utos nito.
Pagkakataon ko na itong mang-akit. Hindi naman siya makakakilos dahil may mga tao dito sa restaurant, bawal niya akong sigawan at higit sa lahat hindi niya ako matitignan ng masama dahil nakatalikod ako sa kaniya.Bossing, sorry na. Pero magugustuhan mo naman ito, I will make sure that you will enjoy it.
Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay na nasa aking bewang.
“What are you doing?” unti-unti kong ibinaba ang kaniyang isang kamay sa aking hita.
“Teaching you how to be a real man.” I smirked when I noticed how heavy his breath is.
“Stop this craziness!” hindi ako nagpatinag sa sinabi niya.
This is so funny. Hindi ko alam kung bakit natutuwa ako sa tuwing nagkakaganito siya. Napa smirk nalang ako ng makompirma ko na talaga kung bakit ganito ang reaksyon niya.
“Oh, you’re a vir- ahhh.” Napapout nalang ako ng bigla siyang tumayo kaya ayon nakasalubong na naman ni sahig ang aking pwet ko. Ganito din iyong nangyari sa akin doon sa club.
“Tsk. Malala ka na.” bulong nito. Hindi ka talaga gentleman. Wala kang kataste-taste.
"Bossing, masakit." napakunot ang noo nito sa mga salitang lumalabas sa bibig ko.
“Stand up, Ms. Clumberge.” Umiling ako dito at nagpout.
“Stop being childish.”
“Eh sa masakit ang pwet ko bossing. Bakit ba hindi mo ako ininform na tatayo ka pala?” Irap ko dito at napacross arm pa.
“Tsk. If you like to sit on the floor then be it. I’ll go ahead.” Nanlaki ang aking mga mata ng iwan niya ako talaga. Hindi man lang niya ako tutulungan? Hindi man lang niya ako susuyuin?
“H-hoy!” hindi ito nagtangkang lumingon ng tawagin ko ito.
Dali-dali akong tumayo at tumakbo patungo sa kaniya. Nakita ko itong papalabas na ng restaurant kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras. Kahit medyo masakit pa ang pwet ko, pinilit ko paring tumakbo.
Imagine, naka heels pa ako niyan.
“S-sandali bossing.” hinihingal kong pigil dito.
“What is it, Ms. Clumberge? I thought you like to sit on the floor?” nakahalukipkip nitong tanong sa akin.
“Wooh, ikaw naman bossing di na mabiro.” Napahawak ako sa aking puso dahil kinapos yata ako ng hininga.
“Get in.” hindi ako sumunod sa kaniya. Hindi pa nga ako nakakabawi ng hininga papapasukin na niya ako kaagad.
“W-wait lang bossing.” Sana hindi ako atakihin ng aking asthma.
Nang makabawi na ako, pumasok agad ako sa loob. Nakita ko si bossing na seryoso sa kaniyang selpon. Ano na naman kaya ang pinagkakaabalahan nito?
Tinangka kong silipin ang kaniyang ginagawa ngunit isang pitik sa noo ang aking natanggap.
“Mind your own business, Ms. Clumberge.”
“Bossing naman. Curious lang naman ako.” sinamangutan ko ito.
“Curiosity can kill a cat, Ms. Clumberge.” Napangiwi ako. Bakit ba Ms. Clumberge ang palagi niyang tawag sa akin?
“Bossing, masyado naman kayong pormal. Pwede niyo naman akong tawaging Raye or sweety para mas madali bossing.” Kinindatan ko ito ngunit isang masamang tingin lamang ang aking natanggap.
“Your action isn’t appropriate. Did you forget what Danica taught you? Just a simple thing, but you couldn’t handle it properly. How can I trust you about your work, Ms. Clumberge? You should atleast show to me how hardworking you are.” Ayan na naman po ang sermon niya sa akin.
Ano ba talaga ang gusto niya? Alam kong hindi ko talaga magagawa yong sinabi niya lalo pa’t kasama ko siya. Mas nauuna pa kasi yong paglalandi ko sa kaniya.
Dapat sisihin niya yong sarili niya dahil sa ginawa niya sa akin. Hindi naman ako magkakaganito kung hindi dahil sa kaniya. He is at fault.
Sa naging biyahe namin pabalik, hindi ko tinantanan si bossing. Kung anu-anong bagay na ang aking tinatanong sa kaniya pero ang natanggap ko lang na sagot ay puro masasamang tingin. Grabe, iisipin ko na talagang may dalaw ang isang ito.
Nang makabalik kami sa kompanya, nakaramdam ako ng gutom. Napatingin ako kay bossing na patuloy lang sa paglalakad papasok sa kompanya. Grabe naman, hindi ba siya nakakaramdam ng gutom?
Napasimangot ako ng iniwan ako ni bossing sa labas ng kompanya. Hindi man lang ako hinintay, tapos wala man lang libre. Dapat sana nilibre niya ako ng pagkain. Ang yaman niya tapos kuripot naman.
“What’s with the face, Ms. Clumberge?” napatingin ako kay bossing. Busy siya sa pagtitipa at papipirma ng mga dokumento. Bilib na talaga ako sa talento niya. Multi tasking, pero gutom na talaga ako.
“Hindi man lang ba tayo kakain bossing?” napatingin ito sa aking direksyon. Nakaupo kasi ako dito sa sofa habang naghihintay sa mga ipag-uutos niya.
“Eat if you want. Don’t bother me.” Napanganga nalang ako sa sinabi niya.
What the hell? Yon lang yon?
“Hindi ka man lang ba kakain?” gosh, paano niya maaatim na walang laman yong tiyan niya habang nagtatrabaho?
“Don’t mind me. I’m full.” napairap ako sa sinabi niya. Full daw, hindi naman ito kumain sa meeting nila kanina.
Total ako yong assistant niya at ayaw kong nalilipasan siya ng gutom, gagawin ko ang nararapat. Tumayo ako at pinuntahan si bossing. Napaangat ito ng tingin ng makita niyang nasa gilid na niya ako.
“Bilang assistant mo, responsibilidad ko ang asikasuhin ka. Kaya bawal kang umayaw sa akin kundi baka gahasahin kita dito.” Pananakot ko dito. Pero dapat nga siya matuwa kung ang pipiliin niya ay gahasa, sino ba ang tatanggi sa isang putahing minsan lang nakikita?
“Ms. Clumberge-“
“Just call me Raye or Iza para naman hindi masyadong pormal bossing. Pero kung ayaw mo sweety nalang.” Tulad kanina, masamang tingin na naman ang ibinigay niya sa akin. Pasalamat siya at sobrang gwapo niya sa paningin ko.
“Just go ahea-“
“Bawal ngang tumanggi. Halika na!” hinila ko na ito. Nung una ayaw niya talaga pero bilang si Rayeiza, hindi ako basta-basta nalang sumusuko kaya ayon napilit ko din siya.
Ang galing mo talaga Rayeiza!!! Sa susunod yang puso naman niya ang papipilit mong mapasayo. Bwahahahaha.
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomanceThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...