Chapter 13

589 17 0
                                    

Chapter 13

Matapos naming kumain, bumalik na naman kami sa opisina. Balik na naman si bossing sa kaniyang trabaho. Habang ako nakaupo lang ako dito sa sofa, tamad na tamad. Wala naman siyang pinapagawa sa akin maliban nalang sa taga pulot ng kaniyang mga kalat at taga deliver ng mga papeles na natapos na niyang pirmahan. Ang boring ng buhay ko.

Napalingon ako sa labas, gabi na pala. Anong oras na ba? Paglingon ko sa orasan dito sa opisina ni bossing, nanlaki nalang ang aking mga mata ng makitang 9 o’clock in the evening na. Shit, bakit di ko namalayan na malapit na palang maghating gabi. Sinilip ko si bossing at ganun parin ang ayos niya. Hindi ba siya nangangalay?

“Bossing.” No comment.

“Bossing.” Wala paring response.

“BOSSING!!!”

“Damn!” ayon nagsalita na din.

“Can’t you see I’m working?”

“Bossing naman. Malalim na ang gabi. Baka naman gusto niyong magpahinga na? Alam niyo bossing, wag niyo masyadong pahirapan ang sarili niyo. Wag po kayong push ng push. May bukas pa po.”

“You can go now if that’s what you want. I need to finish my work.” Ganito ba kaboring ang buhay niya? Tsk, ako yong naaawa sa kaniya eh. Alam ko naman para sa future namin yang ginagawa niya kaso ayaw ko namang maaga siyang tumanda noh, habang ako ay dalagang-dalaga pa.

“Bossing naman. Pahinga po. Dapat niyo ding magpahinga. Ano bang mahirap dun? Bossing nag-aalala lang naman ako.”

"You are just my assistant, not my girlfriend.” Natigilan ako sa sinabi niya. Straight to the point talaga.

“Bossing, nakakaasar ka na hah-“

“Just go, Ms. Clumberge.”

“No! Hindi ako aalis kapag hindi kita kasama. Sige ka, ikaw ang malalagot pag nagkasakit ako dahil sa gutom at kulang sa tulog.” Sana makonsensiya ka naman bossing.

“Then be it. I don’t care.” Napanganga ako sa sinabi niya. Argh, bakit wala siyang puso? Nakakandado na ba talaga ang puso niya?

“Okay, yan ang sabi niyo eh.” At bumalik na ako sa sofa. Hinayaan ko siyang magpatuloy sa kaniyang ginagawa.

Napahikab nalang ako habang naghihintay sa kaniya. Wala pa rin ba siyang balak umuwi? Gosh, ayaw kong magkaroon ng eyebags. Masisira yong beauty ko, pero mukhang ito yata ang plano ni bossing. Siguro ayaw niyang mas gumanda ako lalo, siguro gusto niyang sa kaniya lang ako. Heto talaga si bossing, grabe kung magmahal. Parang nakakamatay yong pagmamahal niya.

Unti-unting bumigat ang talukap  ng aking mga mata hanggang sa di ko namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising nalang ako ng may biglang tumapik sa aking pisngi. Nang maimulat ko ang aking mga mata, para akong nakalutang. Isang gwapong lalaki ang sumalubong sa akin. Kung panaginip man ito sana hindi na ako magising. Ngumuso ako dito upang magpahalik, sayang naman kung di ko matikman ang nang-aakit niyang labi.

“Ms. Clumberge, what are you doing?” bigla akong natauhan at dali-daling tumayo.

“Aray.” Napahawak ako sa aking noo ng biglang bumangga ito sa noo ni bossing. Napa peace sign nalang ako ng sinamaan na naman niya ako ng tingin.

Tumingin ako sa orasan at parang binagsakan ako ng langit at lupa ng makita kong midnight na.

“Let’s go.” Hindi man lang niya ako hinintay na magsalita.

Sumunod ako kay bossing, malalim na ang gabi at sobrang tahimik ng buong paligid. Biglang nagtayuan ang aking mga balahibo sa batok kaya mas lumapit ako kay bossing. Baka may multong gumagala ngayon.

Napakapit ako kay bossing habang nasa elevator kami. Hindi naman niya ako pinagalitan kahit mukhang tuko na ako dito. Pagbukas ng pintuan, lumabas na kami. Napayakap ako lalo kay bossing, ang lamig.

Ganito ba umuuwi si bossing sa tuwing busy siya? Hindi ba siya natatakot na mag-isa?

Nang makarating kami sa parking lot, pumasok agad ako sa passenger seat habang sa driver seat naman si bossing. Nasaan kaya ang driver niya? Siguro pinauwi na niya. Omg! Baka gusto ni bossing masolo ako!! Sabi ko na nga ba eh, may gusto talaga si bossing sa isang diyosang kagaya ko.

“Bossing.”

“Hmmm.” Gosh, wag kang ganyan bossing, naaakit ako.

“Tulog na ngayon si Chean, baka di niya ako pagbuksan ng pintuan. Hindi ko dala ang susi ko sa condo namin. Knowing Chean, tulog mantika pa naman yon. At saka, gutom na rin ako bossing.” Gutom na gutom na talaga ako.

“Tsk. I told you to go home but your such a hard headed.” Sinimangitan ko  lamang ito.

“Eh kasi naman, ayaw kong iwan ka doon. Nakakalungkot kayang mag-isa.” Bumaling siya sa akin, tinitigan niya ako ng ilang sekundo bago ibinalik sa daan ang kaniyang atensyon.

“I’m used to it.”

“Pwes hindi na ngayon. Dahil kasama mo na ako bossing. Sa hirap at sa ginhawa.” Nakangiti kong sambit. Nakita ko ang pag-iling nito yong tipong parang may sinabi akong hindi maganda.

Lumawak ang ngiti ko ng makita kong papasok na kami sa kaniyang bahay. Buti nalang talaga magaling ako sa pag-arte.

Pagpasok namin sa loob. Natuwa ako ng makitang may nakahandang pagkain sa dining room. Para akong batang tuwang-tuwa sa aking nakita. Geez, ganito na ba ako ka gutom?

“Waaahhh!! Kainan na!!” hindi na ako nag-abala pang lingunin si bossing dahil gutom na gutom na talaga ako. Naramdaman ko nalang tumabi sa akin si bossing at kumain na rin.

Pagkatapos kong maubos ang mga sinandok ko, napasandal ako sa sandalan.

“Busog na busog talaga ako.” Napahimas ako sa aking tiyan. Ang sarap-sarap ng mga pagkain.

“I’ll show you your room.” Lumingon ako kay bossing na nakatayo na ngayon.

Sumunod ako sa kaniya. May mga katulong pa palang gising.

“Here’s your room.” Pagpasok ko sa loob, napasimangot nalang ako.

“Bossing.”

“What?” tumingin ako sa kaniya at nag puppy eyes.

“Ms. Clum-“

“Bossing sa kwarto niyo nalang ako!!!”

“No-“

“Sige na bossing. Please.” Sana tumalab ang charm ko.

“N-“

“Sige na!!! Pretty please.” Tumalab ka.

“Man and woman are suppose to separate their rooms since we are not even in relationship.”

“Ikaw lang naman itong pakipot bossing. Kung sinagot niyo na ako edi sana mag jowa na tayo.” Sabay kindat ko dito.

“Wha-“

“Saan ba ang kwarto mo bossing?” naalala ko pa naman kung saan yon. Lumabas ako ng kwarto at hinanap ang kwarto niya.

Nang mahanap ko ito, dali-dali akong pumasok dito. Hmmm, ang bango talaga dito. Hindi na ako magtataka kung bakit gusto kong matulog dito.

Tumalon ako sa kama ni bossing, at niyakap ang unan nito.

“Are you  not going  to change your clothes?” napamulat ako ng mga mata at napatingin kay bossing.

Umupo ako at hinarap siya.

“Kailangan pa ba yon bossing?” inosente kong tanong.

“Tsk, you’re planning to wear that while sleeping?” napasimangot ako ng napagtanto kong ang sagwa kung naka office attire ako habang natutulog.

“Wala po akong damit. Pwedeng pahiram ng damit?” excited kong tanong. Tumayo na ako at nagtungo sa kaniyang walk-in closet. Namangha ako sa sobrang dami ng mga damit niya. Namili ako doon at ng makapili na ako nagtungo agad ako sa banyo. Sinulyapan ko pa si bossing na nakatulala sa aking ginawa, kinindatan ko muna siya bago isinara ang pintuan.

Seducing My Boss (Seducing Series #1)Where stories live. Discover now