Chapter 5

2 0 0
                                    

Clover's POV

"Yung ano pala... yung... yung sa ano," Huminga muna ako ng malalim bago tumikhim. "Yung birthday ni Kuya Caleb, ano kasi... hindi ko matandaan yung nangyari."

Tumingin siya sakin ng seryoso kaya mas kinabahan ako. Naalala ko kasi kanina habang nagluluto kung anong kahiya-hiya ang ginawa ko.

"You really don't remember?" Tanong ni Ryder habang umiinom ng kape.

Tumango ako at napakamot ng batok. Kakasabi lang eh.

"Well," Binaba niya ang mug at humarap sakin kaya napaiwas ako ng tingin. "Nothing, you just pulled me to the side of the bar and made the stray dog ​​a priest. Then you said we were married and you were going to kiss me but suddenly you vomited on my clothes and went straight to my car to sleep."

Ngumiti siya na parang nagtitimpi sa naalala. Halos iluwa ko na ang mata ko sa sinabi niya. "Hehe, uhm... ano... akyat muna ako ha? Iwan mo nalang diyan pinagkainan mo ako na bahala mamaya."

Agad akong tumakbo paakyat sa kwarto at nagtatatalon. Wahhhhhh!

Sa lahat ng sinabi niya nagfocused ako doon sa i-ki-kiss ko dapat siya. So kung di ako sumuka nun, mag ki-kiss talaga kami?

Teka! Teka! Yung utak ko! Umaandar nanaman ang kalandian ko. Kinurot-kurot ko muna ang sarili ko para pigilan ang ngiti bago lumabas at mag hugas.

Wala na si Ryder sa dining pagbaba ko.

Malinis pa naman ang bahay kaya pumunta ako sa garden para mag dilig ng halaman. Naalala ko si Tita Olivia. Mahal na mahal niya ang mga halaman niya.

Noong bata pa ako lagi kong pinipitas ang mga bulaklak kaya napapalo din ako. Napaka kulit ko noon pero nang mamatay si mama parang naging pasan ko na ang mundo.

Maaga akong namulat. Kailangan ko ding tulungan si Tita sa palengke at alagaan si Nova. Ayaw din naman akong patigilin ni Tita dahil ako nalang ang pag-asa nila. Masiyadong mahina ang katawan ni Nova para pumasok at mag-aral.

"I'm leaving," Napalingon ako sa likod ko nang may nag salita.

"Ah.. ano pala mamaya, may pupuntahan ako. Okay lang ba?" Tanong ko.

"Yeah, but be sure to lock the doors. By the way, here's the duplicate keys," Binigay niya sakin ang tatlong susi. "One for the gate, one for the door in front and the last one is for your room."

Tumango-tango lang ako at sumaludo pa bago siya umalis.

Napangiti nanaman ako.

Para pala kaming mag-asawa hihihi. Kulang nalang goodbye kiss.





"Hala ang galing!" Sigaw ko pagkatapos mag warm-up daw ni Mason. Moves like jagger ata yung kanta na tinugtog niya. Nag-drum kasi siya at ang galing. Magpapaturo pa sana ako kaso practice kami ngayon.

Maya-maya kasi tutugtog na kami.

"Yabang nanaman Mason," Si Gage na tine-test yung gitara niya.

"Inggit ka lang, ulol!" Babatuhin na sana ni Gage si Mason ng sapatos nang dumating si Kuya Caleb.

Nakipag fist-bump siya sakanila at ginulo naman ang buhok ko.

"So, what song are we gonna to play now?" Tanong ni Kuya Caleb.

"Right Where You Belong by Julie Anne San Jose," Sagot ni Mason.

"Okay, let's start the practice."



"The GMCB!" Rinig kong tawag ng MC.

Hindi ko nga pala natanong kung anong ibig-sabihin ng GMCB na band nila.

Debt feeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon