Y/N POV
"Rosa" banggit ko sa aking secretary.
Palagi kong kasama si Rosa, maging nung ako pa ay nasa Pilipinas. Naging alalay ko na din siya sa maraming bagay. Isa siya sa mga taong aking mapagkakatiwalaan. Alam niya lahat ng pinagdaanan ko mula palang sa aking kabataan. Siya na din ang nagturo sa aking mag tagalog.
"Y/N, alam mo na ba? Ikinasal na si Sir Ferdinand" sabat niya.
"Tingnan mo itong padala ni Donya" dagdag niya.
Linggo-linggo ay nagpapadala ang aking mga magulang ng dyaryo at sulat para makasubaybay sa mga nangyayari sa kanila.
Saglit akong natulala. Nagulat at hindi makapaniwala.
(THE WEDDING OF THE CENTURY: MR AND MRS MARCOS) ang nakasulat sa headline.
Labing-isang araw na panunuyong at ikinasal agad.
Hindi ko mapigilang maglakad papalayo kay Rosa at magtungo sa kwarto.
Alam kong hindi ko dapat dinidibdib ang mga ito. Kasalanan ko rin naman kung bakit nagkakaganito.
*flashback*
"Ah basta ako gusto kong magpakasal dito lang sa Sarrat. Sa Sta. Monica"
"Sige, tara. Magpakasal na tayo. Ngayon na" pabirong sinabi ni Ferdinand
"Akala ko ba pag natapos mo na ang pag aabogasya tsaka mo pa ako pakakasalan?"
"Oo, pag naging abogado nako, pagiging asawa mo naman ang susunod kong kukunin tsaka pagiging ama ng SAMPU NATING MGA ANAK" sigaw niya na parang may ipinagmamalaki siya.
*end of flashback*
"Y/N, ilang araw nang hindi ka kumakain nang maayos"
"Sa tingin mo Rosa na mahal niya talaga iyong si Imelda? Hindi kaya natatakot lang siyang tumandang binata kaya niya pinakasalan agad?"
"Yan ba inaabala mo sa mga nakaraang mga araw kaya nawawalan ka ng gana?" sermon ni Rosa
"Mabuti na't nasa ibang bansa tayo't malayo sa Pilipinas at marami kang magagawa para makalimot. Malayo siya. Magpasiyal ka! Ilan pang taon ang natitira bago tayo permanenteng magbahay sa Pilipinas. Lubosin mo na Y/N. Maghanap ka ng katunggali, ng ka-ibigan." dagdag niya.
Sana nga ganuon lang kadali.
Sana nga ganon ka lang kadali malimutan,Ferdinand.
---
Alam ko :( short, bawi ako bukas promise!