Evan's POV
"Sigurado kang ayaw mong hatid kita sa inyo?"
"Huwag na baka mahuli pa niyan sa trabaho mo. Hindi ka na nga pumasok kaninang umaga para samahan ako magpacheck-up at saka kaya ko naman umuwi."
"No, it's fine. Kaysa gumastos ka pa ng pamasahe pauwi, hatid na lang kita."
"Sige na nga kung mapilit ka talaga."
Hinatid ko na si Jasmine sa kanila. Pagkarating namin doon hindi ko inaasahan ang nakita dahil hindi ganoon kalaki ang bahay kung saan siya nakatira pero hindi rin maliit. Iyong tama lang.
"Do you live here?"
"Oo, bakit?"
"Nothing. Una na ako." Sumakay na ako sa kotse.
"Sige. Ingat ka sa pagmamaneho mo."
Nang makarating na ako sa CAS ay dumeretso sa office ni daddy baka kasi hinahanap niya ako dahil hindi ako pumasok kaninang umaga pero nagpaalam naman ako sa kanya.
"Come in..." Rinig ko ang boses ni daddy nang kumatok ako sa pinto. Mukhang hindi siya ganoon busy ngayon.
Binuksan ko na ang pinto. "Hello, dad."
"Good thing you're here, Evan."
"Pumunta po ako dito dahil alam kong gusto niyo malaman ang dahilan kung bakit hindi ako pumasok kanina."
"I see... Papuntahin sana kita dito pagkarating mo pero since nandito ka na rin. Ano ang dahilan mo kung bakit naghalf day ka lang ngayon?"
"Remember Jasmine?"
"Yes, mother of Eve. What about her?"
"I want to cour her, dad."
"What?! Evan, hindi ka namin pinalaki ng mommy mo para maging kabit ka."
"Dad, no! Let me finish first. Halos isang buwan na po siyang hiwalay sa asawa niya kaya nagpasya akong ligawan siya. Hindi dahil may anak kami o may darating pang bago."
"What do you mean?"
"Jasmine is pregnant."
"I don't want to ruin your day but are you sure the child is yours? Sinabi sa akin ni Thea dati na kasal siya sa ibang lalaki pero may anak kayo at si Eve ang bunga. Hindi ko matatanggi na anak mo nga si Eve dahil magkamukha kayo at saka may ugali ka nakuha ng anak mo."
"Naiintindihan ko po ang ibig niyong sabihin. Pero pagkapanganak ni Jas ay papaDNA kami para makasiguradong sa akin yung bata."
"Matagal pa mangyari iyan, Evan. Siyam na buwan pa ang hihintayin ko bago siya manganak."
"Wala tayo magagawa, dad. Kung hindi man ako ang ama ay handa naman akong tumayong ama sa bata. Iyon lang po. Balik na po sa trabaho ko."
Umuwi rin ako agad pagkatapos magtrabaho. Sobrang pagod dahil ang dami naming ginawa lalo na sa workshop tapos magluluto pa ako ng hapunan namin ni Eve. Mukhang kailangan ko na nga maghire ng maid para may magaasikaso paguwi ko at may kasama rin si Eve pero dapat yung pagkakatiwalaan.
"Daddy!" Salubong sa akin ni Eve.
Ngumiti ako sa kanya. "Hey, how's your day, baby?"
"Okay naman po."
"Magpapalit na muna ako ng damit tapos magluluto na rin ako ng hapunan natin. Gawin mo muna ang homework mo habang naghihintay sa hapunan." Sabi ko at pumunta na sa kwarto ko.
Hinugasan ko na ang pinagkainan namin pagkatapos namin kumain. At nagpasya akong tawagan si Travis kung may kilala siyang maid na pagkakatiwalaan.
"Napatawag ka."
"Busy ka ba ngayon?"
"Hindi naman. Bakit?"
"Gusto ko lang matanong sayo kung may kilala kang maid na pagkakatiwalaan."
"Marami akong kilala na pagkakatiwalaan."
"Ano ang mga panagalan nila?"
"Bro, pumunta ka sa bahay at kausapin mo sila mommy tungkol diyan. Dahil ang mga maids doon ang tinutukoy ko. Simulang bata pa lang tayo sila na ang kasama natin kaya siguro pagkakatiwalaan silang lahat."
Nawala na nga sa isip ko ang tungkol doon. Dapat nga pala sila mommy ang ang tinawagan ko.
"Sige. Salamat." Binaba ko na ang tawag.
Kinabukasan maaga ako nagising para maghanda na ng agahan namin at noong matapos na ako magluto ay tinawag ko na si Eve para kumain.
"Eve..." Kinakabahan ako baka magalit sa akin yung bata o kay Jasmine kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak.
Inangat niya ang tingin sa akin. "Bakit po, daddy?"
"Hindi kita masyado nakausap kagabi dahil pagkatapos mong kaumain ay natulog ka agad. May gusto akong sabihin sayo pero sana huwag ka magagalit sa akin o sa mommy mo."
"Ano po iyon?"
"You are having a baby brother or sister soon."
"Really po? Yay! Magkakaroon na ko ng kapatid."
Kumurap ako dahil hindi ko inaasahan na magiging ganito ang reaksyon ni Eve. Kinakabahan ako sa wala. Kailangan ko na muna patunayan kay daddy na anak ko ang dindala ni Jasmine pero kailangan ko rin siya kausapin tungkol doon.
"Nandito na po ang sundo ko. Pasok na po ako."
"Sige. Ingat at kung may umayaw sayo huwag mo na lang sila papansinin ah."
"Okay po." Hinalikan na niya ang pisngi ko. "Bye-bye!"
Kailangan ko na rin pala ang magasikaso baka mahuli pa ako sa trabaho. Habang kumukuha ako ng damit na susuotin ko na may tumatawag sa akin kaya kinuha ko ang phone ko sa side table at nakita ko na si daddy ang tumatawag.
"Hello, dad?"
"Pwede ka bang dumeretso sa workshop?"
"Uh, sige po. Maliligo po muna ako tapos dederetso na ako diyan sa workshop."
"Okay, hihintayin kita dito." Binaba na ni daddy ang tawag.
Bakit naman kaya ako pinapapunta sa workshop? Eh, wala naman akong alam sa mga eroplano para doon iassign ni daddy. Kaya nga sa office ako magtatrabaho.
Pagkarating ko sa workshop busy ang mga engineer at hindi naman ako nahirapan makita si daddy kaya lumapit na ako sa kanya.
"Bakit niyo po ako pinapupunta dito, dad? Alam niyo naman wala akong alam sa mga eroplano."
Lumingon sa akin si daddy. "Hindi kita pinapupunta dito para iassign sa workshop. Pinapunta kita dito para ibigay sayo ito."
May binigay siya sa akin. "What is this?"
"Pabigay iyang mga dokumento sa secretary ko kasi hindi ako babalik mamaya sa office. May importante pa kasi akong gagawin."
Bakit ako ang tinawagan niya? Pwede naman niyang tawagin ang secretary niya at papuntahin dito para kunin ang mga dokumento. Ugh, si daddy talaga. Ginawa na akong errand boy nito.
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...