Chapter 01: Extraterrestrial

1.8K 103 20
                                    

How to be an Extra?
| Chapter 01 | Extraterrestrial

Mezzi Claudine Stockholme

"Huh?" Di ko alam kung ano ang ibig sabihin ng mga nakasulat.

Base from my personal perspective, this is some sort of a poem. Maraming ibig ipakahulugan sa tulang 'to depende sa pananaw ng isang tao. But the latter part—seems like a spell or incantation. Ito lamang ang di ko maintintihan sa unang pahina ng libro.

I flip the page and to realize that it happens again—from a blank page to a written page. Sa pagkakataong ito, di ko maintindihan ang mga nakasulat dito. Habang patagal nang patagal, lumilikha ang mga letra ng isang imahe. It is like a Milky Way Galaxy with a shade of black.

Biglang lumakas ang ihip ng hangin na ikinataka ko dahil nasa loob ako ng library. I examine the whole place if there is an opened window, baka nakapasok ang hangin mula sa labas pero wala. Before I realize it, the gust of strong wind comes from the magical book. I can't react for more when I feel a strong pulling energy from the wind. Wala akong nagawa nang,

"Ahhh!" I screamed upon realizing that the book swallowed my whole being.

Nahihilo ako dahil nagpaikot-ikot ako sa loob nito. Naipikit ko ang mga mata. I feel a sudden switch, and I know I am no longer in that unfathomable darkness. Nanaginip ba ako?

Hinay-hinay ang ginawa kong pagmulat ng mga mata pero mabilis pa sa alas kwartro ang pagpikit ko rito dahil sa sobrang sinag ng araw na tumama dito. Pero, araw?

Sa pagkakaalala ko, bumabagyo sa labas kaya bakit may araw. But I also remember how the magical book swallowed me. Di kaya napunta ako sa ibang lugar?

Muli kong iminulat ang mga mata para masiguro ang hinuha. Sa kabilang banda, ipinagdarasal ko na sana mali ako. Pilit kong iniisip na nanaginip lang ako at nakatulog sa library. Pero nang tuluyan kong nakita ang paligid, tila pinagsakluban ako ng langit.

"Where am I?" Kusang lumabas mula sa bibig ko.

Dahil siguro nagpaikot-ikot ako sa madilin na lugar kanina ay hindi ko naririnig ang paligid. Tanging nakikita ko ay ang kumpol ng mga mamamayan sa harapan ko. They look at me with disgust, disappointment and dissatisfaction.

Di nagtagal ay nanumbalik ang pandinig ko. I can now hear their words.

"Kawawang nilalang. Dahil wala syang kapangyarihan ay napilitan ang pamilya nyang itakwil sya."
"Ang pagkamatay nya ang magpapalakas ng impluwensya ng mga Homero."
"Talagang mahina sya sa lahat ng aspeto. Di hamak na mas malakas pa ako."
"Sayang ang marangyang buhay na naranasan nya at mauuwi lang sya sa ganito."

Sa isang sulok, may nakita akong isang babae na umiiyak. She is the only one here who is sympathetic.

"Lady Sneddelline." She muttered as she looked at me.

Di ko alam kung ako ba ang tinawag nya dahil nakatingin ito sa akin. Pero, ang pangalang sinabi nya ay tila napakapamilyar sa akin. I must have heard it somewhere.

Nabaling ang atensyon ko sa isang lalaki sa gilid nang magsalita ito. May hawak syang papel na nakarolyo. Binuksan nya ito at sinimulang basahin.

"Magandang umaga, mga mamamayan ng Feyttopia! Ngayong araw ay masasaksihan nyo ang pabitay sa bunsong anak ni Duke Nikolo Gueen Homero na si Lady Sneddelline Nike Homero. Base sa batas, ang kawalang kapangyarihan ay nangangahulugang kamatayan," binalingan ako ng lalaki ng tingin. "Any last words, Lady Sneddelline?"

Nagpakurap-kurap ako. Ako ba ang tinawag nya? Nagawa kong tumingin sa likod baka nagkakamali lang ako. Pero, isang pader na nilulumot ang natagpuan ko sa likuran.

How to be an Extra?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon