Chapter 02: Extramural

1.5K 92 4
                                    


How to be an Extra?
| Chapter 02 | Extramural

Mezzi Claudine Stockholme

Isinira ko ang libro matapos ko itong basahin. It is my fifth book this day. Tatlong araw na ang nakalilipas mula nang makilala ko ang pamilya ni Lady Sneddelline, except for the Duke. Araw-araw pumupunta si Duchess Stelline para kamustahin ako. Katunayan ay kagagaling lang nya kanina dito. Nesh is always on my call. Lady Sneddelline's brothers, on the other hand, never show up again. Ang sabi ni Nesh, nag-aaral ang mga ito sa isang boarding school.

Hanggang ngayon ay di pa rin ako lumalabas sa kwartong 'to. Sa tatlong araw na lumipas, ginugol ko ang oras sa pagbabasa ng mga libro mula sa una at panglimang shelf. If I want to live a life for Lady Sneddelline, I need to thoroughly know this world. Kahit na nabasa ko ito sa kwento, may mga bagay pa rin na di ko alam. Paminsan-minsan ay nagtatanong rin ako kay Nesh tungkol sa buhay ni Lady Sneddelline. She is the opposite of me. According to Nesh, her Lady is a cheerful and positive woman. Parati itong nakangiti sa lahat who is unlike me.

Lady Sneddelline Nike Homero is an extra of a novel. She has no name in the story. The execution of her is just an introduction as to how this world revolves—that is people here have magic and power, and the primary rule that powerless is death.

"Narito na po ang tanghalian nyo, Lady Sneddeline." Tulak-tulak ni Nesh ang isang food carrier.

"Salamat, Nesh." I smiled at her.

"Walang anuman, Lady Sneddelline. Tungkulin ko po ito." Inilapag nya ang mga pagkain at inumin sa maliit na mesa sa terasa.

Lumapit ako rito at tiningnan ang mga pagkaing nakahain. I don't know what they call these dishes but these are mouth-watering. I also hear that Duke Nikolo's household has their own chefs. Talagang hindi lang basta mayaman ang House of Homero, they are filthy rich next to the Royal Family.

Mula rito, nakikita ko ang malawak na hardin. There are different ornamentals and herbs that grow beautifully.

"Ikaw po ang halos nagtanim ng mga herbs na 'yan." Narinig kong sabi ni Nesh na nasa gilid ko.

"Ako?" I asked to confirm. Madaling sabihin na ang totoong Lady Sneddelline ang tinutukoy nya.

"Opo. You are a green thumb. Akala ko po noon na earth-based ang magiging kapangyarihan nyo kagaya ni Duchess Stelline pero hindi pala. Nagmana po kayo kay Duke Nikolo."

Habang sinasabi nya ito, may naalala ako. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang mga nangyari noong araw ng pagbitay sa akin at malagutan ako ng hininga. Ang alam ko lang, isang linggo ako nawalan ng malay.

"Nesh," I called her. Nilingon nya naman ako. "Can you tell me what happened on the day I was executed?"

"Ah... 'yon po," she scratched her nape. "Ang alam ko lang po ay lumabas ang kapangyarihan nyo ng araw na 'yon. Di ko masyadong nakita ang mga nangyari dahil natabunan ako ng ibang tao na naroon."

So, Lady Sneddelline is no longer powerless—that is why the execution didn't proceed. Naalala ko ang mga sinabi ni Healer Euclasias nang araw na nagising ako, ito ang ibig nyang sabihin.

"How did you know that I inherit Duke Nikolo's power?" Tanong ko.

"Dahil po sa mga nakikiusyong mga tao. Kung hindi ako nagkakamali, you have a fire-based magic, a rare fire-based magic."

Di ko masyadong maintindihan ang mga sinabi nya. The books in Lady Sneddelline's shelf are purely basic informations. I do know the element-based magic but I don't know that it has rarity or any other sub-classifications.

How to be an Extra?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon