Chapter 06
"Kitty," pagtawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin after niya huminto sa pagsusulat nung digest na sinend sa kanya ni Jax. Minsan, ang sarap sabunutan ng babae na 'to dahil sa haba ng buhok, e. Gusto ko na rin tuloy ng jowa na magsesend sa akin ng digest na kokopyahin ko na lang. "Kung hiningi iyong number mo sa 'yo ng lalaki, ano ibig sabihin nun?"
"Hmm... depends. Groupmates ba kayo sa project?"
"Hindi naman."
"In what context ba hiningi?"
"Nag-uusap lang kami buong gabi tapos bago ako umuwi hiningi niya iyong number ko."
Ibinaba niya iyong ballpen niya na duda ko ay kinulimbat niya kay Jax kasi hindi naman ganito ang ballpen niya talaga. "Adriadna Deanne..." pagtawag niya sa buong pangalan ko. Nung first time nga na tinawag ako as Adriadna sa attendance, tawang-tawa ako sa confusion sa buong room kung sino daw ba iyon. "You have a lovelife?!"
"Luh! Lovelife ka d'yan!" sabi ko sa kanya.
"Oh, come on! Sino? Do I know him? Oh, my god! May something ba sa inyo ni Iñigo?"
Nanlaki iyong mga mata ko. "Gago, ano'ng Iñigo?" kinilabutan na sinabi ko dahil never in my wildest dreams, noh!
"E 'di sino?"
"Wala."
"Please? Share naman?"
"Si—" sabi ko pero biglang dumating si Iñigo kaya hindi ko itinuloy iyong sasabihin ko kasi parang naba-bad mood si Iñigo kapag nababanggit iyong frat.
"Sino—" sabi ni Kitty.
"Si Jax ba 'yon?" sabi ko sabay turo sa labas ng pintuan kaya naman mabilis na tumingin doon si Kitty tapos nung hindi niya nakita ay hindi pa nakuntento at tumayo pa at lumabas para hanapin doon. Crisis averted.
"Okay ka lang?" I asked nung maupo si Iñigo.
"Sana walang pasok," sabi niya. "Inaantok pa ako."
"Nagawa mo na 'yung digest?" I asked him instead tapos ay nag-usap na kami tungkol sa acads habang inuuto ko si Iñigo na ipahiram sa akin iyong mga nagawa niya na para kokopyahin ko na lang.
"Tatandaan ko iyong araw na 'to, Borromeo," sabi ko sa kanya.
"Kung hindi lang Consti 'to, ipapahiram ko sa 'yo. Send ko na lang 'yung full text?" he offered but he knew I didn't need that.
"Tatandaan ko 'to," ulit ko tapos tinawanan niya lang ako. Gets ko naman, though, kasi unang sabi pa lang sa amin ni Sir na alam niya galawan ng law students kaya kapag nakita niya na nagkopyahan kami, babawasan niya iyong grades nung dalawang nagkopyahan.
After nun ay bumalik na rin si Kitty at kaya pala siya bumalik ay papasok na rin iyong prof namin. Nagrecitation lang kami. Natawag ako, pakshet! Pinagrecite ako ng case about sa tribunal decision sa West Philippine Sea na admittedly ay digest lang talaga ang binasa ko dahil nung nagcheck ako ay 400 pages ata iyong decision. Niloloko ko lang ang sarili ko kung babasahin ko 'yon.
"Ingat!" sabi ko kay Iñigo nung makarating kami sa condo ko. Pagdating ko sa unit ay naglinis lang ako ng katawan tapos ay naghanda na ako para sa pagsusulat ng digest. Sobrang pangit nung recit ko kaya alam ko na kailangan kong bawiin iyon sa digest—na kahit iyon man lang ay panghatak ko sa grades ko.
"Kailan pa ako matatapos dito?" I asked myself nung tignan ko iyong syllabus at ma-realize na nasa unahan pa lang ako. Tapos may chismis pa na magpapa-digest din daw sa Persons. Jusko paano na ako nito?!
BINABASA MO ANG
Hate The Game (COMPLETED)
Lãng mạn(Game Series # 8) Adriadna Deanne Manjarrez, NBSB, promised herself na kapag pumasok na siya sa law school ay magkakaroon na siya ng boyfriend. Sabi ng parents niya, kusang lalapit ang lalaki sa kanya basta mag-aral lang siya nang mabuti. Kalokohan...