Mabagal ang aking lakad sa mahabang pasilyo habang lumilipad ang aking isip sa nangyari kanina. Hindi ko intensyon na gumawa ng eksena ngunit alam ko sa sarili ko na ako'y nagkamali. Hindi man nagpakita ng emosyon ang aking ama pero natitiyak kong hindi siya natuwa sa aking ginawa.
Ramdam ko ang panlalamig ng aking kamay habang nasa harapan ko ang pintuan ng silid-aklatan ni ama. Nakita ng iilang bisita ang ginawa ko at nasaktan pa ang prinsipe na iniligtas ako kanina mula sa nagwawalang kabayo. Ang sama ko. Ito na yata ang karma sa pagsuway ko sa mga ipinagbabawal sa akin.
"Why don't you open the door? You will remain standing there?" sa diretsong ingles pa lamang ay alam kong ang aking kapatid ito.
Mabilis ang naging paglingon ko sa taong nagsalita sa aking likuran. Ang pangatlo kong kapatid na ngayon ay mukhang iritado dahil sa pagharang ko sa may pintuan. Mabilis akong gumilid upang makadaan siya.
"Follow me inside. Our father is waiting for you." Seryosong usal niya.
Tipid akong tumango at nakayukong sumunod sa kanya.
Prince Crusoe, he is my third brother. Ang aking sinundan. Sa kanilang tatlo ay siya ang masasabi kong pinakamasungit at laging iritado. Madalas salubong ang kilay lalo na kapag nakikita ako kahit wala pa naman akong ginagawa. At sa kanilang tatlo rin ay si Prince Crusoe ang may matabil na bibig.
Pagpasok namin sa loob ay sumalubong sa amin ang tahimik na silid. At hindi na ako magugulat kung kumpleto ang aking pamilya na nandito sa loob.
Pinagsiklop ko ang aking mga daliri sa kamay habang nakasunod sa aking kapatid. Palihim kong nilibot ang tingin sa paligid. Ang aking ina na nakaupo sa maliit na sofa hindi kalayuan sa lamesa ng aking ama. Habang si Prince Cordan, ang pangalawa kong kapatid ay nakaupo sa upuan sa may harap ng lamesa ng aking ama gano'n din si Prince Caveri, ang panganay kong kapatid. Magkatapat ang dalawa ngunit hindi man lang sila nag-abalang tumingin sa akin.
Mas yumuko ang aking ulo dahil naaalala ko na naman ang ginawa kong kasalanan.
"What did you do, Cresentia?" dahan-dahan ang pag-angat ko ng ulo. Nagtama ang mata namin ni ama.
"P-Patawad, ama- Mahal na hari," yumuko ako.
"Maibabalik ba ng paghingi mo ng tawad ang naging eksena sa kuwadra kanina, Cresentia? We allowed you to go out in your room, but you still disobey our orders."
Nakagat ko ang aking ibabang labi ng bumalot ang malakas na boses ni ina. Galit at inis ang nakikita ko sa kanya dahilan para matakot ako. Alam ko naman na lahat sila ay galit sa akin ngayon. Matatanggap ko naman 'yon dahil unang-una ay kasalanan ko naman ang lahat.
"I... I just want to see the horse," pabulong kong sabi.
"I told you to stay away, right? Hindi ka maaaring lumapit o sumakay man lang sa kabayo! Ano ba ang hindi malinaw do'n, Cresentia? This is the first time you disobey us!"
Mariin akong napapikit dahil sa lakas ng kanyang sigaw. My mother is angry.
Ina, hindi lang ito ang unang beses. Tumakas din ako noong gabi ng kasiyahan.
"Sinubukan ko naman pong pakalmahin ang kabayo, ngunit natakot ko lamang siya-"
"Dahilan para kamuntikan ka ng masaktan, gano'n ba? Paano mo mapapakalma ang kabayo gayong wala kang alam sa bagay na 'yon?" mariing tanong ni ina.
Halos siya na lang ang nagsasalita ngayon. Nakita ko ang paglalakad ng aking kapatid na si Prince Crusoe palapit sa pintuan at sumandal sa pader habang magka-krus ang mga braso nito at nakikinig lang. Si Prince Cordan at Prince Caveri naman ay wala rin ibang sinasabi at mariing nakikinig sa sinasabi ni ina. Habang si ama naman ay tahimik lang din.
YOU ARE READING
Scarlet of Arrows (Book 1)
FantasiScarlet of Arrows Trilogy (Season 1) Originally Started: July 2014 Started: November 30, 2021 Status: on-going ✿✿✿✿✿✿ Ang buhay na mayroon si Cresentia ay hindi katulad ng mga batang prinsesa sa isang palasyo. Sa batang edad na labing-limang ta...