Chapter 12

26 2 1
                                    

Chapter 12

Pangalan

Dalawang linggo kaagad ang lumipas at, thankfully, habang tumatagal ay mas lalo akong nagiging kontento sa strand na napili ko. Hindi ko pa kasi talaga alam kung ano ba ang gusto kong course sa college kaya hindi ko rin alam kung ano ang strand na dapat kunin. Mabuti na lang at may strand na GAS para sa mga undecided pa rin katulad ko.

Kabaliktaran ko naman si Jhelay na panay ang reklamo sa'kin sa tuwing nagkikita kami. Sising-sisi siya sa pagpili ng HUMSS dahil na-trip-an niya lang iyon. 'Yon tuloy at stress na stress sa dami ng mga ginagawa lalo na sa dami ng written works.

"Dapat pala nag-GAS na lang din ako," busangot na ani niya.

Lunch break at magkaka-sama kaming kumain sa canteen. Sa kaliwa ko ay si Harper at sa kanan naman ay si Ver. Sa harap ay si Jhelay na katabi naman sina Lorelyn at Gwen. Wala si Ella dahil nasa cookery laboratory daw at nag-bi-bake.

"Mahirap din naman ang strand namin," giit ko.

Madalas kasing sinasabi ng taga-ibang mga strand na sobrang dali lang daw ng strand namin. Pero mali sila dahil ang totoo ay pinag-aaralan nga namin lahat. Iyong sa STEM, sa HUMSS, sa ABM at maging ang ibang topic sa TVL ay kabilang sa sakop ng pinag-aaralan namin.

Lahat naman ng strand at course ay mahirap kaya sana ay itigil na ang course-shaming.

Napasinghap ako nang ilagay ni Harper sa pinggan ko ang isa pang fried chicken na binili niya. "Harp, hindi ko na 'to mauubos!"

Pinitik niya ako sa noo, mahina at marahan. "Pero kailagan mo 'yang maubos. Dahil kapag hindi ay isusumbong kita kay Tita Rianne na hindi ka kumakain ng maayos."

Napairap na lang ako. Minsan ay nakakainis din talagang masyado silang close ni Mama. Dahil palagi niya akong nab-blackmail.

My mother called last night for the second time since she left. Wala akong sariling cellphone at ang keypad na phone niya ay dala niya sa Quatar para nga makatawag sa'kin dito sa Pilipinas. Kaya naman ay kay Tito Harold siya tumatawag dahil si Tito Harold lang din ang may cellphone sa'min. Si Harper sana ay meron pero nasira ilang araw pa lang ang nakakaraan dahil sa paglobo ng battery at hindi pa napapalitan. O mas tamang sabihin na hindi siya humingi o nagpabili ng bago. Sabi niya ay hindi niya naman daw kailangan.

My mother told me that she's doing fine. Pahirapan nga lang umano ang pagtawag dahil sa patong-patong na trabaho at dahil na rin namamahalan siya sa pagtawag dito sa Pilipinas. Sabi niya ay nagpadala siya ng ten thousand sa'kin at magpasama na lang daw ako kay Lola Estrel o Tito Harold sa pagkuha ng pera dahil iyon ang magiging unang beses ko.

Saglit lang kaming nag-usap dahil patago lang daw siyang tumawag habang busy ang amo niya. Matapos akong kausapin ay kinausap niya pa si Lola Estrel at lalo na si Harper. Pakiramdam ko nga ay mas mahaba pa ang pinag-usapan nila ng huli kaysa sa'min.

"Gagawa kami ng report sa Sabado. Gusto mong sumama?" aya ko kay Harper.

Uwian na pero nagkasundo kaming kumain muna ng streetfoods sa labas ng eskwelahan namin. Inilibre niya ako ng siomai, fishball at tig-limang pisong palamig. Kahit na nga palagi kaming sinasabihan ni Lola Estrel na huwag kumain sa mga ganitong lugar ay hindi pa rin namin mapigilan.

"Pass," iling niya. Itinapon niya ang stick at plastic cup niya sa kalapit na basurahan bago humalukipkip para antayin akong matapos. "Hindi ako pwede sa Sabado."

"Bakit naman?"

Kung hindi nga siya makakasama sa Sabado ay iyon ang unang beses na hindi siya bubuntot sa'kin. Sa mga nakalipas kasing lakad ko na may kinalaman sa eskwelahan ay palagi siyang sumasama. Kaya nga nakilala na rin siya ng mga ka-klase ko at nakagaanan ng loob. At siyempre dahil sa galing niyang makisama at sa, well, taglay na itsura ay hindi na rin naiwasan iyong mga babaeng nagkakagusto sa kanya.

Don't Stay AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon