Halata sa mukha ni Jerome na pinipigilan na lang niyang pumikit ang mga mata niya. Hindi na siya halos makaalis sa kinatatayuan niya dahil sa matinding pagkahilo.
"Ano na, Jerome Hamilton? Kung ako sa'yo, hindi ko na pipigilan ang antok ko. Matulog ka na," panunuya ni Peter.
"Aika, tama ba 'yong narinig ko kanina? Love potion 'yong naamoy ni Jerome kanina sa inumin mo?" usisa bigla ni Xavier.
"Kung 'yon ang sinabi ni Jerome, malamang gano'n nga," sagot ko.
"Kilala niyo ba 'yang Peter Peterson na 'yan?" tanong naman ni Ryker.
"Oo. Nakilala namin siya ni Jerome noong nagpa-patrol kami sa campus. Niligtas namin siya sa mga bully."
"Ah, kaya siguro nagkagusto siya sa'yo. Ganyan ang mga gnome na gaya niya, eh. Kapag natalo si Jerome dito, si Peterson ang magiging tandem mo. At magkakaroon nga naman siya ng chance na makasama ka," saad ni Ryker.
Nakatayo lang do'n si Jerome habang nakakapit sa scythe niyang nakatukod sa lupa at nakayuko ang kanyang ulo.
"Flame of Raging Hell."
Biglang pinalibutan ng purple flames si Jerome na sa laki nito ay halos hindi na siya makita mula sa loob nito.
Halos nagulat ang lahat ng nandito dahil do'n. Lalo na si Peter.
Mayamaya lang ay napanganga kaming lahat nang may biglang lumitaw sa ere na isang higanteng ulo ng dragon na gawa sa purple smoke na nagmula sa mga purple flames na nakapaligid kay Jerome.
"Ano 'yan?" mangha kong tanong.
"Huwag mong sabihing 'yan ang third skill ng Corinnaya Scythe?" manghang sambit naman ni Ryker habang nakatingala rin.
"Na-unlock na niya ang third skill," manghang sabi naman ni Xavier.
"Third skill?" tanong ko.
"Oo. Bawat Artillery of God ay may tig-apat na skills. At bago mo ma-unlock ang skills na 'yon, kailangan meron ka munang sapat na acquired mana," sagot ni Xavier.
"Kaming lahat sa Section X, may tig-dalwang skills na kaming na-unlock. Pero si Jerome, ngayon lang niya na-unclock ang third skill ng divine artillery niya. Ibig sabihin, mataas talaga ang level ng acquired mana niya," segunda naman ni Ryker.
"Ano ba 'yong acquired mana?" usisa ko.
"May dalawang klase ng mana. Natural mana at acquired mana. Ang natural mana ay 'yong meron tayo since birth. Kaya meron kaming natural abilities bilang night-crawlers. Mas mataas na natural mana, mas malakas ang isang nilalang," paliwanag ni Ryker.
"Habang ang acquired mana naman ay nakukuha kung gaano na karami ang Unholy spirits na napatay mo," sabad naman ni Xavier.
"Tama si Xavier, Aika. Pero sa tingin ko rin, mataas din ang natural mana ni Jerome kasi napansin kong malakas na siya kahit pa baguhan lang siya noon," sambit ni Ryker.
BINABASA MO ANG
Underworld University: The Mystic Quest
Fantasía[ COMPLETED ] FIRST INSTALLMENT OF UNDERWORLD CHRONICLES & CRUSADE SERIES Si Aika ay kilala bilang isang popular girl sa kanyang school. Mayroon siyang marangya at masayang buhay kasama ang kanyang mga magulang, kaibigan, at kasintahan, kaya't para...