Di ko alam kailan nagsimula yung pagtingin ko sayoDi ko namalayang nahuhulog na pala akoUmamin ako sa nararamdaman ko kasi gusto ko lang na malaman mo
Di ako takot magpakatotoo kahit alam kong ako'y medyo dehadomas takot kasi akong magsisi sa dulosa mga bagay na di man lang nagawa kahit iyon ang talagang gusto
Di ko alam bakit na naman ako nagsusulat ng tula para sayoSiguro pagpapasalamat na rin kahit na tayo'y nagkaganitoDi ako nag sisisi na nagkausap ulit tayoDahil sa mga panahong iyon ay mas nakilala pa kita ng husto
Salamat sa mga oras na sa akin ay binigay at iginugol moSa mga pangangamusta mo sa walang humpay na mga payoSalamat sa saya na dulot mo kahit sa maikling panahon lamang gusto kong malaman mo na napasaya mo ako nang todo
Wag ka mag alala kung nasaktan mo ko Alam kong parte ito ng pagmamahal ko sayoSumugal ako, natalo, kaya ganitopero wala akong pag sisisi sa duloSalamat pa rin kasi pinaalala mo sakin na sa kabila ng sakit na naransan ko noonKaya ko pa rin pala mag mahal nang totoo
Ang daya lang ng tadhana, pinagtagpo tayo Sa oras na hindi pa tayo handa parehoPero kung sakaling mag krus ulit ang mga landas natin at mabigyan ng pagkakataong simulan ang bagong kwentoAng tanging hiling ko'y Kung pwede na, Sana pwede pa .
