Khaira's POV
Nandito ako ngayon. Inaayos ang gown ko. Ang ganda. Ang tagal ko ng excited para dito. Sa wakas, dream come true! Inayos ko ang buhok ko. Chineck ko na rin ang make-up ko at nag-retouch ng foundation. Humingha ako ng malalim at bumaba na ng kotse.
Doon, sa altar, nakita ko siya. Nag-aabang, nakangiti. Nakatingin ang lahat ng tao sa akin. Masayang-masaya lahat. Ako rin, masaya. Masayang-masaya. Lalo na, para sakanya. Sa wakas, magiging Mr. Na rin siya, magkakapamilya na rin. Magkakasama na kami.
Tumugtog na ang background music. (Play the song on multimedia) Habang naglalakad ako papunta sa altar, bumalik lahat ng alaala namin sa isip ko. Napangiti na lamang ako habang lumuluha sa saya.
***
Naaalala mo pa ba nung una tayong nagkakilala?
"Hi. Ako nga pala si Jason Natividad." Yan yung una mong text sa akin.
Kaapilyedo mo pa nga ang bestfriend ko, ko malaman ko sayong magpinsan kayo at sakanya mo nakuha ang number ko, naging close tayo. Lagi pa nga tayong magkatext diba? Kaso lagi mo akong natutulugan. Such a sleepy head, babe.
***
Siguro, dahil sa lagi tayong magkatext nafall tayo sa isa't-isa. Nagsimula ang lahat nung sinabi ko sa'yong boyish ako. Tinanong ko pa nga kung nakakaturn-off diba? Ang sabi mo pa nga, hindi e. Kasi mas cool. Natawa naman ako sa reaksyon mo nun. Lalo na, nung nalaman mong MVP ako sa basketball at hustler sa DOTA.
Hanggang sa umamin ka na. Nung time kasi na 'yun...
"Bakit mo ako inaaway?" Biro ko sa'yo.
"Luh? Hindi ko inaaway ang mga taong mahalaga sa akin." Ang bilis ng tibok ng puso ko 'nun. Talaga? Mahalaga ako sa'yo?
///
"Sinong crush mo?" Tanong ko sa'yo.
"Ladies first." Tipid mo namang sagot habang nakangisi.
"Ayoko nga. Ikaw na kasi, please?" Pag-mamakaawa ko naman.
" Hindi ah. Mahal ko first." At dun, natameme ako.
***
Hindi nagtagal, niligawan mo na ako. Sabi mo pa nga, kahit gaano katagal, maghihintay ka. July 11, 2014, Birthday mo. At Monthsary natin. Ang saya diba? Yun ang gift ko sa'yo. Ang isang taong hinihintay mong 'Oo.'
Sabi mo pa nga, 'yun na ang best birthday gift ever. Ang saya-saya natin. Ayaw sa'yo ng mga kaibigan ko, pero sinagot parin kita. Hindi naman sila ang magkakaroon ng commitment, diba?
***
At syempre, ang first anniversary.
"Babe, ako lang mahal mo ha? Huwag mo akong iiwan. Mahal na mahal kita. Sorry nga pala kanina ha. Hindi na 'yun mauulit promise." Naaalala mo pa ba nung una mo akong pinaiyak? Yan yung sinabi mo sa'kin. Yumakap ka pa nga sa likod ko at ipinatong mo yung baba mo sa balikat ko. Hindi kasi ako nakaharap sa'yo nun. Galit kasi ako sa'yo. Hindi ka kasi nakarating sa Anniversary Date natin. Nakalimutan mo kasi.
Ang masakit pa doon, siya ang kasama mo. Yung First Love mo lang naman. Ang sabi mo niyaya ka niyang mag-dinner at mag-ikot ikot sa mall.
Sa sobrang saya niyo, nakalimutan mo na ang anniversary natin. Nakalimutan mo na ako.
Sa sobrang sama ng loob ay umuwi na lang ako. Ang sakit, Jason. Ang sakit sakit.
***
I was miserable. Hindi ako kumakain, hindi ako nakakatulog ng maayos sa kaka-iyak at nagkukulong lang ako sa kwarto. Mabuti nalang ay bakasyon na, kundi maapektuhan ang pag-aaral ko.