Chapter 13

95 6 9
                                    

Happy Valentine's Day, mga mahal. I wasn't able to post this yesterday because ofc it was a busy day for me. Hoping this (very long overdue) update will reach you in a kilig note. Iloveyouall mwa<3.
-Rupil

***

Chapter 13

Papi's

"Good morning."

Pinigilan ko ang malaking ngiting gustong kumawala sa mga labi ko. Tipid ko lang siyang nginitian at binati rin pabalik.

"Good morning," sabi ko.

Ang laki ng ngiti ng loko. Parang ang ganda-ganda yata ng gising nito.

"Ahem," ubo ni Anya na siyang nagpabalik sa diwa naming dalawa ni Salih. "Hustisya naman po sa mga walang love life 'no?"

Siniko ko na lang si Anya para patahimikin siya. Tumatawa na rin si Salih ngayon na siyang nakaupo sa upuan katapat ng inuupuan namin ni Anya dito sa pedicab.

Matagal na pangungumbinsi ang ginawa ni Salih nang naglalakad na kami pabalik sa bahay namin kagabi. Dahil nililigawan na daw niya ako, may obligasyon daw siyang sunduin at ihatid ako araw-araw. Pero dahil wala pa raw siyang lisensya, sasabay na lang siya araw-araw sa amin papunta at pauwi mula sa school.

Ayaw ko ngang pumayag sa una dahil ewan ko ba. Parang ayoko pa ring maniwala. Parang napakagandang panaginip pa rin ang lahat na tiyak may gigising rin sa akin sa huli.

Dahil simula nang dumating si Salih sa buhay ko, parang ang sarap nang mabuhay sa reyalidad.

Kasi hindi ito ang reyalidad ko.

Ang hirap pala talagang mag-sink-in.

Iyong crush ko nililigawan ako.

Shet, ang haba rin talaga ng hair ko 'no.

Sinamaan ako ng tingin ni Anya bago tinuon ulit ang tingin kay Salih. "Kuya, bakit sumabay ka sa amin ngayon? May sarili ka namang tagahatid at sundo sa'yo, ah."

Kibit-balikat lang ang sagot ni Salih saka ako tiningnan. "Gusto ko lang simulan ang araw ko nang tama. Tsaka may pakiramdam ako na dito sa pedicab ang sagot sa pagganda ng mga umaga ko."

Tumango-tango si Anya saka tumingin sa akin. May naglalaro ring maliit na ngiti sa mga labi niya. Nakahanda na rin ang kamay ko para kurutin siya sakaling tuksuhin niya man ako.

"Chandelier ba ang pangalan niyan?"

Parang nahigit ang aking hininga habang naghihintay sa isasagot ni Salih. Nagkunwari pa siyang nag-iisip bago nagsalita.

"Hmm, parang gano'n na nga."

Wala na. Pinakawalan na ni Anya ang isang malakas na hiyaw at saka pinagyuyugyog na ang balikat ko. Pati si Uncle tumatawa na rin. Ste, nakakahiya! Ang pula-pula ko na siguro.

Wala na lang akong naging imik at sinimangutan nalang si Salih na nagkunwari pang wala siyang maling ginawa. Talagang hindi kami tinigilan ni Anya sa buong biyahe namin papunta sa school. Ang aga-aga pa tapos ganyan na ka-grabe ang energy niya. Sa totoo lang, ano bang vitamins nitong babaeng 'to?

Nang dumating na nga kami, doon lang huminto sa kakakulit sa akin ni Anya at mabilis na siyang bumaba ng pedicab.

"Babye, mga bigaon. Una na ako," paalam niya.

Inismiran ko siya. "Bye, at huwag ka munang magpapakita sa akin," pagbabanta ko.

Tumawa na naman ang gaga. "Ang OA nito. 'Di ko naman aagawin sa'yo iyang si Salih, Chan." Sinuklay niya pa ang basang buhok gamit ang kamay bago patakbo kaming nilisan. "Bye na talaga, mga bigaon," rinig pa naming sigaw niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 15, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Field of Promises (SPSHS Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon