Jeje 3

53 3 0
                                    

1 message

Fr: 09010203040

Hai foo... txT txT poewz tYoh... ;)

Sa halip na mainis ako dito sa nilalang na ito, itinago ko na lang ang phone ko sa bag ko at nagsimula ng magpalit. Ayos din naman ang damit dito. Ang gaganda nga eh, but this one, suits me. Feeling ko kase komportable 'to sa katawan ko.

Tiningnan ko ang paligid pati ang labas, ayos naman. May mga tables din sa labas. Ngayon ko lang din napansin na maganda ang view dito, may hmm. Lake ata yun? Tapos puno ng trees and plants dito, medyo may kahanginan pa sa labas. Ang presko lang. Maraming katabing malalaking bahay dito. Ang sososyal lang! Balang araw lalaki din ang bahay namin. 2nd floor ang bahay namin pero masyadong masikip eh. Gusto kong mapalawak pa yun, gusto kong makatulong kina Mama kahit na isda lang ang napapa ulam samin. Nakakahiya kase kina Papa, ako lang nakatungtung sa College tapos ganto pa inaasta ko. Hay. Halatang bago pa lang ang Cafe na ito, kaya nga ako pa lang ang mag a-apply eh.

Pumunta ako sa may counter at naupo sumandali, ang daming magagandang furnitures. Ang ku-cute pa! Sa isang table nakalagay ang mga Menu na i-aabot sa mga customer. Tiningnan ko ang menu, wow. Ang sosyal lang! Talagang nagpapatakam eh! Eh kase naman, pati hitsura nung mga nasa Menu may picture. Oha? At ang pinaka mababang presyo ay nagkakahalagang 150. Oh god, sana madaming customer ngayon dito!

Habang nagtitingin tingin ako sa Menu, nabigla na lang ako ng may tatlong babae ang pumasok.

" Wow, eto na yun? Ang ganda. " sabi nung Girl 1

" Oo nga, tara upo na tayo! " -Girl 2

" I like the view here. Ang presko ng dating. " -Girl 3

" Your right! " -Girl 2

Kumuha ako ng tatlong Menu atsaka lumapit sa kanila, syempre with smile para ayos amg dating. Ini abot ko sa kanila ang Menu.

" Good morning po, eto po ang mga Menu. " Grabe! Ang galang ko! Eh mukhang mas matanda ako sa kanila eh.

" Hmm, Ate matanong lang, ikaw lang nandito? " -Girl 1

" Ikaw ba may ari nito? " -Girl 3

" Bakit kami lang ang customer dito? " -Girl 2

" ah eh, una po, hindi akin 'to. Waitress lang po ako at ako ang first na nag apply, wala po yung Manager kase nag popost daw po siya ng mga poster para dumami ang customer dito at maraming maka-alam. At kabubukas lang po nito ngayon at kayo po ang first customer. " mahabang saad ko sa kanila.

" Oh God! Kami ang first customer!?? " -Girl 1

" Ibig sabihin, may free cakes kami! " -Girl 3

" Po? " malay mo nag jojoke lang sila diba? Ako pa mawala sa trabaho. Ang laki laki na nga ng sweldo dito eh.

" Sabi kase dun sa poster na nakita namin, which is this Cafe, ang first customer ay magkakaroon ng free cake. " sabi ni Girl 2 at ipinakita sakin yung poster which is yung Cafe nga, ang ganda naman nung poster! Talagang kapansin pansin. Ok.

" Ah sige po, ano po bang order niyo? " tanong ko sa kanila, kinuha ko yung mini notebook ko atsaka ballpen para ilista.

" Akin Ate, yung chocolate with matching strawberry cake. " -Girl 1

" Vanilla cake and 1 slice of Graham. " -Girl 2. May Graham pala dito?

" Akin naman Ate, 5 pieces of chocolate chip cookies and black forest cake. " -Girl 3.

" Hmm, got it. *tapos inulit yung mga order nila* and sabi sa poster, yung Chocolate with sprinkles po ang ipapamigay. " - sabi ko.

" Aw, ok lang. " nakangiting sabi ni Girl 1.

Pumunta na ulit ako dun sa counter atsaka kumuha ng tatlong lalagyan nung mga order nila. Lahat ng cake na ini-order nila kinuha ko. Tapos yung cookies sa isa, at yung graham. Hala may nakalimutan ako!

" Ahm, mga Miss, ano pong drinks niyo? "

" Ay! Tubig na lang Ate. Hehe. " sabi ni Girl 3 ok?

Kumuha na din ako nung free cake sa first customer. Lahat ready na. So dinala ko isa isa ang mga order nila, baka mahulog eh mahirap na. Tuwang tuwa naman sila nung nakita ang mga order nila. Bale pumunta ulit ako sa counter at humarap sa may Cashier. Sabi dun sa tabi, just 3 click at mag o-open na. Ginawa ko naman, at aba! Galing ah. Pinag pipindot ko na yung mga order nila. Isa isa. Pagkatapos kong i-click ang Done ay naprint ito. Ang cute nga nung paper eh! Hehe. Nang matapos na nilang makain ang order nila, tinawag na ko nung mga babae. Ini abot ko naman ang bill sa kanila. And then! Check. Done ang first customer. Madali lang naman pala eh. Inilagay ko yung bill sa isang box at yung pera sa may cashier. Nilinis ko na din yung mga pinagkainan nila at saka nilinis ang table. Hinugasan ko na yung mga plato. Narinig ko namang nag bell ang pinto, meaning --- panibagong customer.

Tiningnan ko kung sino ang pumasok. Dalwang matandang babae. Ngumiti ako ng i-abot ko sa kanila ang Menu. Kaso tumanggi sila, dalwang kape na lang at 4 na cookies. Ok?

Ini abot ko na sa kanila ang order nila pati ang bill na babayadan nila. Wala na naman akong gagawin. Tiningnan ko na lang ang phone ko. As expected, may nagtext -.-

Fr: 09010203040

Hai fOo.. kMusTah kNah poe..?? TraH teXcz poEsZx... ;)

Fr: 09010203040

keLhAn mUh kYah aQ rErePlyAn.. :(( ajuju...

Napa face palm na lang ako ng wala sa oras. Mareplayan kaya!? Aish. Hindi ako nito titigilan nito kapag mag reply ako.. Pero bored na ko, wala namang masamang mag reply diba? Pero jeje siya eh. Pero. Ugh. Saka na lang. Tsk.

Tinawag ako nung dalwang matanda at binayaran ang kanilang ini-order. Eto na naman, boring na naman. Ugh

Fr: 09010203040

khT 2ldOk lhNGsz aYusx nHa sKenn.. :)

Replayan ko kaya? Wala pa namang customer eh. Hehe. Kaso, ugh. Sige na nga. First time 'toh -.-

To: 09010203040

.

Oh, nakita niyo reply ko? Sabi niya tuldok eh. Ewan ko din sa sarili ko kung bakit nireplayan ko yun, eh kapag nababasa ko ang text style nakakasakit sa mata. Bahala na.

---

@PixieeeDusty

Jeje LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon