Chapter 18

610 19 0
                                    

Chapter 18

Namangha ako sa ganda ng dress na nasa kama ko. Kulay itim ito na tiyak akong bagay na bagay sa akin. Ang sweet talaga ni bossing, may paganito-ganito pa siya. Baka mas lalo lang akong mahulog nito sa kaniya.

Nagbihis na ako, tama lang ang sukat ng dress sa akin. Hapit ito sa aking katawan at bagay nga talaga sa akin. Hmmm, paano kaya nalaman ni bossing ang sukat ko? Naku, mukhang stalker itong si bossing. May pa tanggi-tanggi pa siya sa akin yon pala may tinatagong pagtingin sa akin.

Nagmake-up na ako at inayos ang aking buhok. Dapat maganda ako sa paningin ni bossing para hindi na siya tumingin sa iba. Nang matapos na ako sa pag-aayos. Nagtungo na ako sa labas. Ang taas naman ng heels nitong suot kong sandal. Baka bigla nalang akong matapilok, masakit pa naman ang mahulog ngunit walang sasalo.

“*whistles* Hot chick.” Yan agad ang sinabi ni Harley ng makita akong pababa sa hagdanan.

“Tsk, playboy.” Asik ni Lanxi

“Woah, wag ka ng magselos. Ikaw parin ang pinakahot sa mga mata ko.” Sabay kindat ni Harley dito, ngunit kinutusan lang siya ni Lanxi.

“Ang tagal natin hah. Nagpaganda kasi ng bonggang-bonggalo.” Chean.

“Wala na. Nakatulala na si insan. Baka matunaw na niyan si Raye, insan.” Sinamaan ng tingin ni bossing si Danica.

Nang malapit na ako sa baba, inilahad ni bossing ang kaniyang kamay sa akin kaya walang pag-alinlangang tinanggap ko ito.

“Ang sweet. Parang nasa telenovela lang.” Danica

“Mauna na nga tayo. Bigyan natin ng panahon ang dalawa.” Nakangiting sambit ni Lester.

Nang makaalis na sila, nagulat nalang ako ng hapitin ni bossing ang aking bewang papalapit sa kaniya.

“You look so dazzling tonight.” Parang nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil sa bulong niya.

“Ikaw din bossing, ang gwapo mo.” Ang harot ko talaga, kay bossing lang naman ako maharot eh.

“Shall we?” tumango ako dito.

Habang naglalakad kami bigla nalang akong nagtanong sa kaniya.

“Bossing.”

“Hmmm?”

“Bakit bigla ka yatang bumait sa akin?” nagbago kasi ang pakikitungo niya simula nung ano, basta yong nag ano kami.

“You don’t like it?”

“Hindi naman sa ganun. Mas gusto ko nga yan eh, yong tipong hindi ka na nagpapakipot sa akin. Siguro hindi mo na natiis ang ganda ko kaya bumait ka na sa akin? Naku, bossing kung sinabi mo lang kaagad sa akin, edi sana noon pa tayo naging close, o di kaya jowa na kita o asawa ngayon.” Confident kong usal.

“You’re crazy.”

“Yes I am, I’m crazy on you.” Sabay kindat ko dito. Napangiti na lamang ito.

“Ayieee, kinilig si bossing.” Ako din naman kinilig sa banat ko.

“Act formal when we reach the venue.” Napasimangot ako. Yan na naman yang formal na yan.

“Bossing naman-“

“It’s for your own good, Ms. Clumberge.”

“Sweety nalang bossing. Sus, nahiya ka pa. May pa sweety-sweety ka pang nalalaman kagabi habang nagse-“

“Don’t try to continue your words.” Sinamaan niya ako ng tingin at ako naman itong mapang-asar, ningitian ko lang siya ng ubod ng tamis.

Marami akong itinanong sa kaniya na sinasagot niya naman. Kahit maikli lang yong sagot niya, okay lang atleast hindi ako nagmumukhang tanga dito.

Namangha ako ng makarating kami sa venue. Maraming mga tao ang nandito suot-suot ang kanilang mga eleganteng kasuotan.

“Ang daming pagkain.” Yan lang ang nabulalas ko ng makita ko ang mga pagkaing nakahanda kahit saan. Napapalibutan kami ng pagkain!!

“Bossing doon-“

“No, you’re my assistant. You should atleast act one.” Napasimangot na naman ako. Huhuhuh, mamaya nalang tayo magtuos mga pagkain. Ang damot kasi nitong bossing ko.

Nakihalubilo kami sa mga businessman and woman dito. Grabe, ang dami niya palang kasosyo sa negosyo. Halos mangalay na ako sa kakangiti at kakatayo habang itong kasama ko ay parang wala lang. Ganito ba talaga siya? Sanay na sanay ang isang ito sa mga bagay na ito. Marunong siyang makipag-usap ng maayos sa ibang tao. Magaling makihalubilo at higit sa lahat ang galing niyang magpaliwanag ng kung ano related sa business at ako naman, heto parang nahihilo na dahil wala man lang akong naiintindihan sa mga pinag-uusapan nila.

Napahinga ako ng maluwag ng maisipan din sa wakas ni bossing na umupo kami.

“Akala ko wala ka ng balak umupo bossing.” Reklamo ko habang hinihimas-himas ang aking benti at paa na namamanhid.

“Are you okay?” nabaling ang atensyon ko sa kaniya, bakas ang pag-alala sa kaniyang mukha na naging dahilan para bigla nalang tumibok ng mabilis ang aking puso.

“No, this is insane.” Bulong ko sa aking sarili.

“What?” umiling lang ako dito at ibinaling ang aking atensyon sa ibang direksyon.

“Gutom na ako.” Himutok ko.

“I’ll get you some foods.”

“Wag na boss-“

“I insist.” At tumayo na ito.

Hinayaan ko nalang siyang kumuha ng pagkain dahil masakit parin ang paa ko. Habang naghihintay sa kaniya, napakunot nalang ang noo ko ng makita ko si Jerica ang secretary ni bossing. Anong ginagawa niya dito? May lalaki itong kasama na di ko naman kilala kung sino.

Infairness ang gwapo ng kasama niya. Sandali lang, diba may gusto siya kay bossing? Nanlaki ang mga mata ko. Wag mong sabihing gold digger ang isang ito?

Inilibot ko ang aking paningin para sana hanapin si bossing pero bigla nalang uminit ang ulo ko ng may kausap itong babae. Wengya, kanina pa ako naghihintay sa kaniya dito tapos nakikipaglandian lang pala siya doon?

Kahit masakit pa ang paa ko, nagtungo ako sa kinaroroonan nila. Napataas ang aking kilay ng makita kong tumawa yong babae.

“Excuse me.” Singit ko sa usapan nila.

“Oh, hi.” Tinignan ko mula ulo hanggang paa yong babae, tsk. Mas maganda pa naman ako ng doble sa kaniya.

“Why are y-“

“Sweety, ang tagal mo. Alam mo bang nagugutom na ako? Paano nalang pagnakunan ako? Naku, hindi ka talaga nag-iingat. Pag may nangyaring hindi maganda sa baby natin ipapadala talaga kita sa Mars.” Kumunot ang noo nito sa sinabi ko.

“W-what? B-baby?” gulat na tanong nung babae.

Lumapit ako kay bossing at ipinulupot ang braso ko sa braso niya.

“Yes, may angal ka dun?” hindi maipinta ang mukha nito.

“Ahm, congratulations b-by the way.” Nakita ko sa mga mata nito na parang nasaktan ito sa narinig.

“Wait, Aila-“

“I’ll go ahead.” Biglang tumalikod sa amin ang babae at nagmamadali itong umalis.

“Look what have you done.” Napalayo ako kay bossing dahil sa sinabi niya.

“Don’t tell me, may gusto ka dun bossing?” hindi makapaniwalang  tanong ko.

“It’s none of your business.” Then he left me there hanging.

Di ko alam kung bakit napatulala ako sa sinabi niya pero bigla nalang sumikip ang dibdib ko. Bakit? Bakit parang naaapektuhan ako? Ghad, wake up Raye!!! Nababaliw ka na. Hindi naman kayo, bakit nasasaktan ka?

Seducing My Boss (Seducing Series #1)Where stories live. Discover now