Chapter 19
Simula nung nangyari ang gabing iyon, hindi na maganda ang pakikitungo ni LNAP sa akin. Bakit ko siya tinatawag na LNAP at hindi na bossing? Dahil sa gago siya, bumalik na naman ang pakikitungo niya sa akin noon. Mukhang galit nga siya sa ginawa ko. Sino ba yong Aila na yon? Masyado yatang espesyal sa kaniya ang babaeng iyon para lang maging ganito ulit ang pakikitungo niya sa akin.
Tsk, akala naman ng lalaking ito titigilan ko siya. Wala sa bukabolaryo ko ang pagsuko! Kaya humanda ka sa akin. Kung sa tingin mo hahayaan lang kitang iwas-iwasan ako kahit na palagi mo akong kasama dahil nga assistant mo ako, pwes nagkakamali ka. I will never stop pestering you until you surrender.
“Oyy, ano yang suot mo?” napalingon ako kay Chean habang pinapasadahan niya ako ng tingin.
“Damit?” obvious naman diba?
“Alam ko. Bakit nag iba ang taste mo? Sobrang eksi ng palda mo at yang damit mo pa, halos nakahubad ka na.” inirapan ko lang ito.
“Parang hindi ka ganito hah.”
“Well, nagbago na ako.” Inirapan ko ulit siya, nagbago daw.
“Sinong niloloko mo?”
“Ang sarili ko!!” baliw nga ang isang ito, hindi naman siya magiging si Chean kung hindi siya baliw.
“Sige, alis na ako. Baka hinihintay na ako ni bossing.”
“Hahaha, sige. Galingan mo hah.” Nag thumbs-up ako sa kaniya.
Nang makapasok ako sa opisina ni LNAP. Busy siya sa mga ginagawa niya. Ilang araw ding hindi ako nakabalik sa bahay niya, mukhang ayaw niya na akong pabalikin doon.
“Hello LNAP, I mean bossing.” Napaangat ito ng tingin saka kumunot ang noo.
“What are you wearing? Is that even a clothe?”
“Oo naman bossing, bagong uso ito ngayon!” masaya kong sagot.
“Change your clothes.” May diin nitong sabi.
“Nope.”
“Change it or else I’ll be the one to change you.”
“Good idea bossing. Sige nga, bihisan mo ako.” Panghahamon ko dito.
Tumalim ang tingin nito sa akin.
“You’re too stubborn. What should I do to you, Ms. Clumberge?” napahilot pa ito sa kaniyang sentido.
“Huh, hindi mo naman pa-“
Nanlaki ang aking mga mata ng bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. Naalarma ako ng tangka niyang itataas ang aking suot.
“Joke lang bossing- heto naman, di na mabiro.” Gosh, babae parin ako marunong mahiya at magpakipot!!
“Tsk, change your clothes in my private bathroom.” Tinuro niya ang daan papunta sa banyo.
“Yes, boss!” nag salute pa ako dito before I started to walk.
Habang nagbibihis ako, bigla ko nalang naalala yong sinabi sa akin ni Ellaine nung nasa party kami.
“Hmm, Aila Mendosa the childhood bestfriend of Mr. Zwane Lockheart. And also his first crush and love-“
“What?!! Are you serious? How did you know that?!”
“Well, I have my own connection and ways. I am not dumbed enough to not notice that your oh so called LNAP is having a bad time when the girl left him without hearing his explanation about your craziness.”
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomanceThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...