Chapter 22
Ilang araw ang nagdaan at nararamdaman ko na ang unti-unting pagbabago sa aking sarili. Tuwing umaga bigla-bigla akong nagtatakbo sa banyo upang sumuka. Hindi ako sanay sa ganito, tuwing lumalabas ako ng banyo, hinang-hina ang buo kong katawan yong tipong parang gusto mo nalang humilata sa sahig para makapagpahinga.
Humilata ako sa aking kama habang nakatingin sa may kisame. Patuloy ko paring iniisip kung ano ba ang dapat kong gawin. Ano na kaya ang nangyayari sa lalaking iyon? Tsk, hindi man lang siya humingi ng tawad. Sungit talaga ng isang iyon.
Napapikit ako ng mariin ng sumakit ang aking sentido.
“Hello!!!” napabalikwas ako ng bangon ng biglang may sumigaw sa hamba ng pintuan.
“Oyy, grabe ka kung makareact diyan kala mo may magnanakaw. Naku, pag may nangyaring hindi maganda sa anak mo, wag mo akong sisihin.” Sinamaan ko ito ng tingin.
“Heto naman, kung makatingin sa akin parang kakatayin na ako.” Nagawa pa talaga nitong magbiro.
“Ano ba kasing ginagawa mo dito? Wala ka bang trabaho?”
“Hala siya, pinaglilihian mo na ba ako? Kasi parang ang init ng dugo mo sa akin, hindi naman ako ang may kasalanan sa'yo, si insan ang may kasalanan, nadawit lang ako kasi Lockheart ang apelyido ko. Kaya wag ka ng maging masama sa akin.”
“Tsk.” Bakit ganito? Parang unti-unti akong naiinis sa pagmumukha ni Danica.
“May pinadala pala sa akin si Che-“
“Talaga?!! Nasaan na?!!” dali-dali akong lumapit sa kaniya.
“Naks naman, naglilihi ka na nga. Di pa nga malaki ang tiyan mo naglilihi agad-agad.”
“Ano bang paki mo, eh sa gusto ni baby ang kumain.” Pagsusungit ko dito.
“Woah, easy lang. Hahaha nakakatakot ka na.”
“Nasaan na yong pinadala ni Chean?” wala naman akong nakikita sa kamay niya maliban nalang sa bag niyang dala.
“Nasa kusina ini-“ hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita dahil nagtungo na ako agad sa kusina.
Nang makita ko ang mansanas at mangga sa may mesa, agad kong kinuha ang kutsilyo at umupo. Habang busy ako sa pagbabalat dumating si Danica.
“Grabe siya, di man lang ako hinintay na matapos sa pagsasalita.” Hindi ko nalang ito pinansin. Nakatuon lang ang aking atensyon sa aking ginagawa.
Nang matapos kong balatan ang mansanas at mangga, kinuha ko yong tuyo at asukal saka ito hinalo.
“Ehhh, nakakain pa ba yan?” hindi ko parin ito pinansin. Wala akong panahon para sa walang kwenta niyang tanong.
“Ako lang ba ang kumakausap sa sarili ko? Haller? Wala bang ibang tao?” isinawsaw ko ang mansanas at mangga sa tuyo at asukal na pinaghalo ko.
“Hmmm.” Ang sarap
“Masarap?” tumango lang ako.
“Iba talaga pag naglilihi noh?” tumango ulit ako.
“Jusko, parang ako lang ang tao dito.” Wala parin akong imik.
Matapos kong kumain, si Danica na ang nagpresentang maghugas dahil baka mapano pa daw ako. Kaya ko naman ang sarili ko pero nagmatigas parin siya kaya hinayaan ko nalang. Sayang din, siya na kasi yong nag offer kaya di ko nalang sasayangin.
“Raye, sasama ka ba sa akin mamaya?”
“Saan?” kunot noo kong tanong.
“May magaganap kasing party sa bahay ng grandpa ko.” Malumay niyang sambit.
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomanceThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...