Chapter 26
Nanatili akong tahimik habang kasama ang pamilya ni Zwane. Yes, you hear me right. Pagkatapos kasi kaming kausapin ng grandma nito, niyaya niya kaming makisalo sa kanila. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayon, pasulyap-sulyap kasi sa direksyon ko yong ibang pinsan ni Dazton, mapa babae man o lalaki.
“Saan kayo nagkakilala ng apo ko, iha?” ito pa ang pinagtataka ko, hindi man lang sinita ni Dazton ang pamilya niya na isa lang akong empleyado at higit sa lahat wala kaming relasyon.
Sinulyapan ko si Dazton, yon nanatili paring malamig iyong postura habang kumakain. Wala ba siyang balak magsalita?
“Actually po sa bar kami unang nagkita.” Nahihiya kong pag-amin. Marami na akong kasinungalingang sinabi sa kanila kaya para hindi ako masyadong makonsensya, sinabihan ko nalang sila sa katutohanang sa bar talaga kami unang nagkita ni Dazton.
“Bar? So my great grandson went there, huh.” May mapang-asar na ngiting sambit ng grandma ni Dazton.
“Naku, nagbibinata na nga ang baby boy ko.” Usal naman ng ina ni Dazton.
“Nagbago yata yang si insan nang makilala niya si Raye.” May nakakalokong ngiti ang nakapaskil sa labi ni Danica. This is not good.
“Would you stop talking nonsense, let’s just talk it when the right time come.” Sa wakas nagsalita na rin, akala ko wala na itong balak na magsalita.
“Okay, para naman pag-usapan na natin yong kasal sa susunod nating pag-uusap.” Nang sabihin iyon ng ina ni Dazton, nasamid ako bigla sa iniinom kong juice.
Nagsitayuan ang balahibo ko sa batok ng may humaplos sa aking likuran habang inuubo. Napalingon ako kung sino ito, and to my surprise, it was Dazton.
“Are you okay?” alam niyo yong feeling na habang tinatanong niya ‘yon, wala man lang nagbago sa kaniyang expression?
“Y-yeah.” Kumalma na ako.
“*chuckles* Sorry iha.” Ningitian ko lang ang ina nito.
“Your taste is really amazing couz.” Nabaling ang atensyon namin sa lalaking papalapit sa amin. Nagulat ako ng makita kong kasama nito si Aila na nakangiti ng matamis. Kung titignan mong mabuti, halatang peke ang kaniyang ngiti.
“Dave, you are here.” Humalik sa pisngi yong lalaking nagngangalang Dave kay Mrs. Lockheart.
“Have a seat, iho.” Tumango ito sa sinabi ng grandpa ni Dazton at pinaghila si Aila ng upuan bago ito umupo.
Nakakailang lang dahil katabi ni Aila higad si Dazton. Bali pinagitnaan ng dalawang lalaki si Aila, yong lalaking kasama niya at itong lalaking umiibig parin kay Aila higad na walang iba kundi si Dazton.
Swerte naman ng higad na ito. Tsk, kumukulo na naman ang dugo ko.
Tinikman ko ang seafood na nasa harapan ko.
“Kailan ka dumating, Dave?”
“Kahapon lang tita.”
Napakagat ako ng labi ng biglang nag-iba ang pakiramdam ko. This is not suitable to my taste, any minute baka magsusuka na ako.
“Okay ka lang ba, Raye?” nagulat ako ng biglang bumulong sa akin si Danica.
“N-no.” mahina kong bulong.
“B-bakit?” bakas ang pangamba sa kaniyang boses.
“Nakakain ako ng pagkaing hindi ko gusto.” Parang batang sumbong ko dito.
“Pfftttt, kaya pala.” Mahina itong napatawa. Sinamaan ko siya ng tingin.
“Pwede bang magseryoso ka.” Mariin kong sambit sa kaniya.
“Mukhang kailangan ko ng tawagan si Ellaine. It’s late in the evening. Sabi kasi ni Ellaine, tawagan siya pag kailangan mo ng umuwi. Hindi pwedeng dito ka maglabas ng sama ng loob, baka may makapansin sayo.” Bulong niya pabalik. Tumango nalang ako.
Napahawak ako sa aking sentido.
“By the way grandpa, grandma, tito, tita and my dear cousins, meet my fiance Aila.” Dapat Aila higad ang itinawag niya diyan. So siya ang fiance nito? What a coincidence, pinsan pa talaga ni Zwane nabinggwit.
“Aila?” bakas sa mukha ni Mrs. Lockheart ang ina ni Zwane na parang iniisip nito kung saan niya ba narinig ang pangalang ito.
“Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkita tita.” Napairap ako ng marinig ang kaniyang boses.
“Ikaw na yan, iha?” bakas ang gulat sa mukha ng mga kasama namin.
So, kilala na pala nila si Aila? Ah, oo nga pala nasabi ni Danica sa akin ang tungkol kay Aila at Dazton kaya malamang kilala nila ito.Lumapit sa akin si Danica at may sinabi.
“I already informed her. Dadating na iyon dito- ayan na pala.” Napalingon ako sa aking likuran.
Parang biglang lumiwanag ang mundo ko ng makita si Ellaine. Wait, anong nangyayari sa akin? Kanina naiinis ako sa presensya niya tapos ngayon? Ghad, para akong nabunutan ng tinik.
“It’s already late. You need to take some rest.” Sabay lapit niya sa akin.
Infairness sa kaniya, nakakaagaw siya ng pansin kahit naka civilian lang ito.
“And who’s this another beautiful girl?” tumayo ang grandma ni Dazton.
“Sorry for interrupting your dinner, maam and sir. My friend her need to go home to take some rest.” Magalang nitong usal sa ginang.
“Oh, kaibigan ka pala ng girlfriend ng apo ko?”
“Ehem.” Napaubo ng peke si Ellaine. Ginawaran niya muna ako ng tingin bago ibinalik sa grandma ni Dazton.
“Yes.” Bigla akong namula ng ngumiti ito ng nakakaloko. Kahit kailan talaga ang isang ito.
“Hindi ka ba magtatagal dito, iha?” napakunot ang aking noo ng itanong iyon ng grandma ni Dazton.
“Malalim na po ang gabi. Raye need to take some rest. Hindi po maganda sa kalusugan niya ang pagpupuyat.” Nakangiti nitong usal.
“Maswerte ka iha.” Biglang hinawakan ni Mrs. Lockheart ang aking kamay.
“Maswerte ka dahil may kaibigan kang nandiyan para sa iyo.” Napangiti nalang din ako sa sinabi niya. Yeah, she is right, I’m lucky to have a friends like them.
“Iho, hindi mo ba ihahatid ang girlfriend mo?” bumaling kami kay Dazton. Nanatili lang seryoso ang mukha nito habang nakaupo at nakatingin sa amin.
Tinitigan niya muna ako ng ilang minuto bago ito tumayo.
“I’ll take you home.” Lumapit ito sa akin.
“*whistles* Lumevel up yata.” Ellaine
“Sinabi mo pa.” Danica
“Lumalandi na naman si Raye.” Chean
“Improvement.” Lanxi
“No comment.” Lexy
“Tsk.” Janessa
Ang sarap ipatapon ng mga kaibigan kong ito sa Mars. Kung di ko lang sila mahal, matagal ko ng itinakwil ang mga ito.
“Thank you sa oras g-randma, grandpa, tita at tito.” Nahihiya kong sambit.
Tumayo sila at ginawaran ako ng isang matamis na ngiti.
“Pag may libreng oras ka iha, bumalik ka dito.” Tumango ako kay grandpa, gosh nakiki grandpa na ako, yon naman talaga ang sinabi niya. Dahil hindi naman tumutol itong si Dazton sa pagtawag nilang girlfriend niya daw ako, kaya ganito ang naging resulta.
“Let’s go.” Napalingon ako kay Dazton bago tumango at nagpaalam sa kanila ganun din ang mga kaibigan ko. Mukhang uuwi na din sila.
Nasulyapan ko pa ang masamang tingin ni Aila sa akin habang yong lalaking fiance niya, nakatingin ito sa akin at hindi ko gusto ang ngiting ibinigay niya, feeling ko may balak siyang hindi maganda.
YOU ARE READING
Seducing My Boss (Seducing Series #1)
RomanceThe day that I laid my eyes on you was also the day that I fell in love on you.. Rayeiza Clumberge, ang babaeng hindi sumusuko sa lahat ng laban. She is sweet like sugar, and she likes teasing other people. She has a strong personality and very opti...