Chapter 27

601 20 0
                                    

Chapter 27

Sa paglabas ko sa bahay ng grandpa ni Dazton, dali-dali akong tumakbo sa di kalayuan. Tinawag pa ako ng iba kong kasama sa aking pangalan ngunit di ko na sila pinansin. Nang makarating sa may gilid ng kalsada, napaduwal ako. Halos lahat ng kinain ko ay isinuka ko lang. Ilang minuto akong nanatili sa ganung sitwasyon hanggang sa nakaramdam ako ng panghihina.

May taong lumapit sa akin at hinagod ang aking likuran. Hindi ko alam kung sino ito dahil sa panghihina.

“Did you eat something?” natulos ako sa aking posisyon ng marinig ang boses ni Dazton.

“Ah-eh, I-I’m okay now.” Pinunasan ko ang aking labi gamit ang isang kamay. Tumayo nang matuwid at humarap sa kaniya.

“We should go.” Iniwan ko na siya doon. Hindi pa naman niya siguro nahahalata diba? Malabo namang mahalata niya, baka nga isipin pa nun na naparami lang ako ng nakain kanina.

“Are you okay?” bakas ang pag-alala sa boses ni Lanxi.

“Yeah.”

“You should take some rest.” Lexy

“I will.” Hinintay namin ang paglapit ni Dazton.

Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Humarap muna ako sa aking mga kaibigan upang magpaalam.

“I better go.” Niyakap nila ako bago pumasok sa loob.

Akala ko sasama sa akin si Chean ngunit mas pinili niyang sumabay nalang kay Janessa ganun din si Ellaine. Nang makapasok si Dazton sa loob, umaayos ako ng pagkakaupo saka inayos ang seatbelt.

Sa biyaheng naganap, walang nagtangkang bumasag sa katahimikan sa loob ng kotse. Para ngang wala akong kasama sa sobrang tahimik nitong isang ito.

Wala man lang ba siyang sasabihin? Like, tungkol sa pagbabalik ko bilang assistant niya?

“Don’t be late tomorrow.” Biglang sambit nito. Buti naman naisipan niya ng magsalita, akala ko paninindigan niya ang pagiging tahimik hanggang sa maihatid niya ako.

“Sigurado ka na ba dun? Baka mamaya niyan bigla mo nalang akong pauwiin, alam mo na.” mas mabuti na yong sigurado para hindi masayang yong pagpunta ko sa opisina.

“Look, I’m sorry for what I did lately. I’m such a bastard to fired you like that.”

“Buti alam mo.” Binigyan niya ako ng masamang tingin.

“What? Did I say something wrong?” pa inosente kong tanong dito.

“Just don’t be late.”

“Sandali nga lang, bakit hindi ka komontra kanina?”

“About what?”

“Wag ka ng magmaang-maangan, alam kong alam mo ang ibig kong sabihin.” Bored kong sambit.

“Enlighten me.”

“Bakit mo pinaniwala silang girlfriend mo ako? Diba ayaw mo nun? Diba may mahal kang iba? Diba ayaw mo sa akin?”

“I’m just tired of explaining.”

“Ganun-ganun lang yon? Hoy, di porket boss na ulit kita, gaganunin mo nalang ako. Paano nalang pag nagkita kami ng pamilya mo ulit, tapos magtatanong sila sa akin? Anong isasagot ko? Ang dami ko ng kasinungalingang sinabi sa kanila-“

“Then let’s make it real.”

“Ano-“

“I am now your boyfriend, happy?” pinaningkitan ko siya ng tingin.

Seducing My Boss (Seducing Series #1)Where stories live. Discover now